KABANATA 14

16 1 0
                                    

MAX POV

Hindi ko alam kung maaawa ba ako o matatawa sa nangyaring laban ni Enzo at Jade kahapon, naaawa ako dahil mukhang pagod na pagod siya, at natatawa dahil umiikot-ikot siya sa ipo-ipo ni Enzo at nung lumapit siya saakin ay putlang-putla ito, halatang hilong-hilo sa pagikot.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan kuya Max? May tama ka na yata eh!" sambit ni Chad

"A-Ah, E-Eh wala yon, may naalala lang." sambit ko rito atsaka ngumiti.

"Si ate Jade yan noh?"  - Chad

"H-Hindi, A-Ahhhmm naalala ko lang nung kabataan ko, hehehe." pagpapaliwanag ko sa batang ito.

"Haynako kuya Max, kahit kelan talaga ay hindi ka marunong mag sinungaling." dagdag pa nito.

"Hayysst, Oo na si Jade na yung iniisip ko, naalala ko lang kasi yung itsura niya kahapon eh, nakakatawa kasi kaya napapangiti ako." sambit ko rito.

"You're wrong Kuya, hindi lang dahil doon kaya ka napapangiti, may something ka kay Ate Jade kaya ka nagkakaganyan, tama ba?" Dagdag pa nito.

Agad ko namang tinakpan ang bibig nito dahil baka marinig siya nang mga kasama namin, lalo na ni Jade.

"Shhh ka lang, ikaw talagang bata ka andami mong alam eh." sambit ko rito.

"Sinasabi ko lang ang nakikita ko Kuya Max."  - Chad

"Oona- Oona, I like Jade." sambit ko rito para tumigil na siya.

"Yieeee, si Kuya Max binata na!" - Chad

"Kapag hindi ka pa tumigil sa kakaganyan mo, hindi kita ililibre nang masasarap na pagkain sa bayan." saad ni rito, bigla namang nagbago ang itsura niya, halatang natakot sa pagbabanta ko, alam mo naman pagkain ang buhay niyang si Chad.

"Ikaw naman kuya, Hindi ka na mabiro, ito na oh titigil na." sambit niya atsaka tuluyan na akong iniwan.

"Kita mo yung batang yon oh, pagkain lang pala ang katapat."

"Maaaax!" dinig kong sigaw ni Jade

Ano nanaman kaya ang problema nito?

Agad kong nilapitan si Jade, magulo ang buhok, walang hilamos, walang ligo, walang sipilyo, at nakapantulog pa.

"Anong problema?" tanong ko rito, bigla niya naman akong hinila papunta sa kwarto niya nang walang kung anong sinasabi.

Nang makapasok kami sa kwarto niya ay agad niyang itinuro iyong ilalim nang kama niya.

"Anong meron?" tanong ko dito.

"Basta tignan mo nalang!" sigaw nito saakin.

Agad naman akong lumapit sa kama niya, akmang sisilipin ko na ito nang biglang sumugod saakin ang isang wolf.

napahiga ako dahil doon, maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na dinidilaan niya ang mukha ko.

"Y-Yuri?" tanong ko rito.

"How did this thing happend? Bakit ang laki na agad ni yuri?" tanong ko pa.

"Kasama yan sa power niya na natuklasan naming dalawa." sambit ni Jade

"What kind of power?"

"Yuri can manipulate his size!" - Jade

Ilang sandali pa ay bumalik na si Yuri sa dati niyang size.
Hindi na ako naka imik pa, dahil doon.

Agad namang tumalon si Yuri papunta kay Jade, at masayang-masaya silang nagtatalon.

"Jade, hindi na natin matatago pa si Yuri nang matagal sa kanila, mas mabuting ipakilala na natin siya agad." saad ko kay Jade, napaisip naman siya at di kalaunay, umoo siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 31 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

HEALER (The Forbidden Charm)Where stories live. Discover now