KABANATA 8

19 3 0
                                    

JADE'S POV

Bwiset talaga iyang lalaki na yan, dahil sa kaniya kaya narito ako ngayon sa palasyo.

Kasalanan niya ang lahat ng ito, pinlano niya ang lahat lahat!

Simula nung pagharang nang malaking pader papunta sa gubat na gawa ni Chad, iyon pang biglang pag ulan pati iyong kulungan na gawa naman ni Crystal, at pati na rin iyong pag gapos sa mga kamay ko gamit ang lubid na yari sa hangin na gawa naman ni Enzo, lahat iyon ay plano niya!

Sinabihan pa akong magnanakaw, bintangerooo talagaaa! Bwiseeet siya!

...

"Titigil ka sa kasisigaw?! o Hahalikan kita?!"

...

Biglang nag init ang mukha ko nang maalala kong muli iyong mga salitang iyon na sinabi niya saakin.

"Ang bastos niyaaa! Bakit hindi niya ginaw-"

"Bwiseeeeet!"

...

"You can't run from me, Curse girl!"

"Naka tali ka na saakin"

...

"Pati ba naman yan! Arrrggghhh!"

Feeling ko double meaning iyong sinabi niya.

"Nakakainis kang damuho ka!" sigaw ko, habang naka upo sa kama dito sa kwartong ipinagamit saakin.

Maaga pa kaming nakarating sa palasyo, at nakausap ko na rin ang Magic Council, at nabigla rin ako sa mga sinabi nila, at sa mga nalaman ko.

[Flashback]

"Magandang araw po sa inyo, Magic Councils."  - Max

"Magandang araw din" sambit naman nang isang babaeng nagsisilbing pinuno nila.

"Siya na ba?" dagdag pa nito, sabay tingin saakin.

Nagka tinginan rin kami ni Max kaya agad ko itong tinarayan.

"Siya na nga po"  - Max

"Ija, maaari ko bang makita ang marka?" sambit nito saakin, hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at agad ko nang ipinakita ang marka ko sa likod.

"I-Ikaw nga!" gulat na saad nito

"A-Anong pangalan mo?" utal na tanong nito

"Jade po." pagpapakilala ko rito

"Jade, didiretsohin na kita, kailangan nang Limus ang tulong mo, ganoon din ang buong Hespheria." diretsong saad nito.

"Hindi na namin kontrolado ang mga nangyayaring kaguluhan, hindi na namin kayang pigilan ang pag dami ng mga lumilitaw na Gauma, At isa pa, dumarami na rin ang mga bandido." saad nito na puno nang pangamba.

"May nakapag sabi saamin, na ang babaeng may marka nang buwan daw ang makalulutas sa lahat ng problema nang Hespheria." dagdag pa nito

"Ikaw ang pag asa nang bayang ito, Jade." dagdag pa nung isa sa mga council.

Dahil doon ay wala na akong nagawa, dahil sa bayan na ito ako lumaki at sakop rin ako nang mundong ito kahit na madami ang ayaw saakin, kaya napag desisyonan ko nang tumulong.

[End of flashback]

Ngayon ay nakahiga na ako saaking kama, nang makarinig ako nang tatlong naglalakasang katok mula sa pintuan.
Nang buksan ko ito ay hindi na ako nagulat pa kung sino ito.

HEALER (The Forbidden Charm)Where stories live. Discover now