JADE'S POV
"Anong nangyayari?!"
"Ano nanaman ito?"
Napapikit ako ng aking mga mata nang dahil sa liwanag na iyon, nang mawala ang liwanag ay unti-unti ko nang iminulat ang aking mga mata.
Nang tuluyan ko nang naimulat ang aking mga mata ay laking gulat ko saaking nakita."S-Sino kayo?!" sigaw ko dahil sa gulat, sabay ng pagatras ko upang makalayo sa kanila.
"Huwag kang matakot, Jade." sambit ng naka berdeng babae saakin.
"Sigurado ka bang siya ang naka takda?" sambit naman ng babaeng naka pula.
"Wala ka bang tiwala kay Luna?! Kahit kelan talaga napaka mapanghusga mo Freya." sambit ng babaeng naka asul.
"Tumahimik ka nga Vanessa! Si Erah ang kausap ko!" sigaw nitong Freya sa nagngangalang Vanessa.
"Tumahimik nga kayong pareho! Kahit kelan talaga ay hindi kayo magkasundo!" sigaw ng babaeng naka dilaw kina Freya at Vanessa, dahil doon ay pareho na silang natahimik.
"Maraming salamat sa pagpapatahimik sa kanila, Aira." sambit nitong Erah sa nagngangalang Aira, atsaka sila nagngitiang dalawa.
"Pagpasensyahan mo na sila, Jade." sambit muli nung Erah saakin.
"T-Teka po? P-Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ko rito.
"Sinabi saamin ng Gabay." simpleng saad nito.
"Gabay? Sino pong Gabay?" saad ko dahil wala akong ka ide-ideya sa mga nangyayari at kung sino man ang Gabay na tinutukoy nila.
Biglang pumagitna iyong Vanessa, naglabas siya ng bolang yari sa tubig at ilang saglit pa ay may lumitaw na imahe rito.
Unang lumabas ang imahe ng anim na babae, si Erah, Aira, Freya, at Vanessa at may dalawang hindi ko kilala."Sino iyang babaeng kulay puti ang buhok?" tanong ko sa kanila.
"Siya si Luna, ang Gabay ng mundong Hespheria" saad ni Freya, at sa pagkakataong ito ang mukha niya'y seryoso.
"Siya ang pumili sa iyo, Jade." saad pa ni Aira.
"Si Luna ay ang Moon Elve, samantalang kaming apat ay ang Elemental Elves." - Vanessa
"May kani-kaniya kaming taglay na kapangyarihan, si Freya ay Apoy, si Vanessa ay Tubig, si Aira ay Hangin, at ako ay nag tataglay ng Kapanyarihan ng Lupa at Halaman." mahabang litanya ni Erah.
"Kung ganon?! K-Kayo ang Quadro E-Elves?!" gulat na gulat kong saad sa kanila.
"Kami nga!" sabay-sabay nilang saad.
"Narito ka ngayon sa Quadro Cave, tanging ang nakatakda lamang ang may kakayahang makakita rito at makapasok." -Vanessa
"Teka lang po? Sino iyong ika anim na babaeng lumabas sa imahe kanina?" tanong ko pa, atsaka sila nagtinginang apat, na tila nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong ko, hanggang sa narinig kong napabuntong hininga si Erah at tila napilitang mag salita.
"Siya si Dara, kaming anim ay magkakapatid." -Erah
"Ano bang klase ng Elve si Dara?" tanong ko pa.
"Isa siyang Dark Elve, malaki ang ipinagka-iba niya saamin, pero huwag kang mag alala, kontrolado siya ni Luna." sambit ni Erah atsaka ito ngumiti.
"Teka, may tanong pa po ako." sambit ko pa.
"Hija, Jade, pagod na akong magkwento at sagutin ang mga tanong mo, kaya kung marami ka pang katanungang nabubuo riyan sa isip mo, pupwede mong buksan ang kahon na iyan para masagot lahat ng gumugulo sa utak mo." sambit ni Elve Erah.
YOU ARE READING
HEALER (The Forbidden Charm)
FantasyIm just a simple girl, living in a magical world. Where everyone that sorrounds me, have a magical charm. When i was a kid, I already know that i'm unique from others, cause am a less charmer. But everything has change, when i accidentally open an a...