KABANATA 9

23 2 3
                                    

JADE'S POV

Omg! Napasobra yata ang ginawa ko, hindi ko pa talaga kayang kontrolin ang charm ko.
Narito akong muli sa kwarto ko habang nag iisip-isip sa mga kamalasang nagawa ko.
Buti nalang talaga at agad kong natanggal ang lason sa mga katawan nila.

"Sana naman maayos na sila." sambit ko sa sarili

Maya-Maya pa ay nakaramdam ako nang lamig sa paanan ko.
Nakita ko doon yung alaga kong batang lobo.
Lumapit ito sa mukha ko, atsaka ako nito dinilaan.
Dahil doon ay kahit papaano ay nabawasan ang pinoproblema ko, at dahil din doon ay payapa na ako nakatulog.

Nagising nanaman ako dahil sa isang malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko.
Bumangon ako mula saaking kinahihigaan, napatingin ako sa batang lobo na inaalagaan ko, nakita ko itong mahimbing parin na natutulog.

Tinungo ko na ang pintuan, at nang buksan ko ito nagulat ako dahil nakita ko silang apat na tumungo sa kwarto ko at bihis na bihis.

"Saan lakad niyo?" tanong ko rito

"Wag ka nang mag tanong! Magbihis ka na!" utos nito si Maxsungit

"K-Kasama ako?" sambit ko pa rito habang turo turo ang sarili ko.

"Oo! Kaya bilisan mo na!" sigaw nito

Kahit kelan talaga napaka bossy nitong Maxsungit na ito eh!

"Ito na! Ito na! Magbibihis na!" sambit ko rito atsaka agad isinara ang pinto ng aking kwarto.

Nagmadali naman ako, agad akong pumanhik sa banyo upang maligo saglit.
Matapos kong maligo ay agad akong tumungo sa aking aparador.
Agad kong kinuha iyong kulay rosas na bistidang binigay saakin ni Crystal pagdating namin dito.
isinuot ko na rin iyong ternong puting sandalyas na binigay rin sakin ni Crystal.

Ibinigay niya saakin iyong bistida dahil hindi niya daw type iyong kulay, at iyong sandalyas naman ay ibinigay niya saakin dahil marami naman daw siyang ganito.

Agad naman akong humarap sa salamin atsaka ko inayos ang pagkakatali ng aking mahabang itim na buhok.
Pagkatapos kong mag ayos ay agad ko na ding isinukbit sa balikat ko ang aking bag, napadako naman ang paningin ko sa alaga ko na mahimbing na natutulog, balak ko sana siyang isama sa lakad namin kaso ayoko istorbohin ang mahimbing niyang pagtulog.
Kaya napag pasyahan kong iwan nalang muna siya rito sa kwarto ko.

Pagbukas ko nang pintuan ay laking gulat ko dahil narito parin si Maxsungit at nag aantay, agad ko namang naalala iyong batang lobo, baka makita ni Maxsungit kaya agad akong lumabas at isinara iyong pintuan ng kwarto ko.

Ilang sandali pa ay pansin kong nakatitig lamang siya saakin, na naging dahilan ng pagka-ilang ko sa kaniya.

"Tara na?" sambit nito

Ewan ko pero pakiramdam ko ay nag iinit ngayon ang buong mukha ko.

"T-Tara!" utal kong sambit dito, atsaka nag paunang naglakad

Habang naglalakad ay pansin kong tahimik lang si Maxsungit, At nang lingunin ko ito ay saktong naka tingin rin siya saakin.
Dali-dali ko namang iniwas ang tingin ko sa kaniya.

Bakit tila mas lalong nag iinit ang mukha kooo?!

"N-Nasaan na nga pala yung iba?" tanong ko rito para lang mabasag iyong katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Nasa labas na, pinauna ko na sila" sambit nito

"A-Ah ganon ba? Halika na at baka nababagot na ang mga yon sa kahihintay saatin." sambit ko rito at agad na tumakbo

Habang tumatakbo ako ay napapa isip ako?

Bakit niya kaya ako hinihintay?

At bakit kaya kailangan niyang paunahin sa baba iyong mga kasama namin?

HEALER (The Forbidden Charm)Where stories live. Discover now