KABANATA 2

34 5 0
                                    

JADE'S POV

Hindi ko maialis ang mga mata ko kay Max, habang nakikipag laban siya.

Sobrang nakakabilib.

Lumikha siya ng maraming bolang apoy atsaka ibinato sa Gauma, ngunit kinakain lamang iyon ng Gauma.
Sumugod ang isa pang Gauma sa likuran niya, kaya naman agad akong napasigaw.

"Max! Sa likod mo!" sigaw kp, kaya naman napatingin siya sa gawi ko, atsaka siya tumaton ng pagkataastaas.

"Fire. dragon. fist!"

sigaw niya sabay suntok sa isang Gauma.

Dahil tutok ako sa panonood sa ginagawa ni max, hindi ko na napansin na tumatakbo na pala papalapit saakin iyong isa pang Gauma.
Gusto kong tumakbo, subalit hindi ko maigalaw ang mga paa ko, tila ba napako na ito sa kinatatayuan ko.

Napapikit nalang ako at tumalikod hinintay na tumama saakin ang matutulis na kuko nito saakin.
Subalit bago pa iyon mangyari ay may naramdaman akong kamay na humila sa bewang ko, atsaka naramdaman kong biglang nag init ang paligid.

Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita kong binabato ni Max iyong Gauma ng malalaking bola ng apoy, tila ba pinapakain niya ito ng kapangyarihan niya.
Hanggang sa lumaki ito ng lumaki at di kalaunay sumabog ang katawan nito at nagkanda pirapiraso.
Lumapit saamin iyong tatlo niyang kasama niya, at naka tingin ito saakin, ang ibig kong sabihin naka tingin ito sa kamay ni Max, na hanggang ngayon ay nakahawak parin sa kamay ko.

Medyo nahiya ako dahil doon, atsaka agad akong lumayo kay Max.

Nakita kong ngumiti ng nakakalok iyong batang si Chad, pakiramdam ko tuloy ay nag iinit ang aking mukha.
Nagulat ako ng lumapit saakin ang nag iisang babae sa kanila, si Crystal.

"Ayos ka lang ba?" tanong nito saakin, subalit hindi ko magawang mag salita dahil sa mga nakikita ko ngayon.

"Sa palagay ko ay hindi." dagdag pa nito.

Umatras siya atsaka lumapit saakin si Max, nagulat ako dahil nagsalita siya, at ako pa ang kinakausap niya.

"Are you ok?" sambit niya, na nagbigay kilig sa buong sistema ko

"Are you?" sambit niya sabay hinto, napakunot naman ang noo ko dahil doon.

Nang tignan ko siya ay tila may inaalala siya.

"The curse girl?!" dagdag pa nito habang seryoso ang mukha

Medyo na dissapoint ako doon, tawagin ba naman akong curse girl, tama ba yun?

"A-Ano?" sagot ko rito

"I said, Are you the Curse Girl?!" medyo inis niyang saad, pero parang nabibingi ako, at ayaw mag proseso ng maayos ang utak ko, kaya naman tinanong ko siya ulit

"A-Ano na nga uli?!" tanong kong muli rito

"Ilang beses ko ba dapat itanong sayo? !"

"Are you deaf?!" galit ng saad nito

Sungit pala talaga! pasalamat ka crush kita.
Pero 80% nalang bleeee!

"Let's go, we're wasting our time." pag aaya nito sa mga kasama niya, kaya naman nag umpisa na silang maglakad palayo, ako rin ay nag lakad na rin patungo sa kabilang diteksyon ng bigla akong makaramdam ng hapdi sa likuran ko.
Nang hawakan ko iyon ay may naramdaman akong basa, nang tignan ko ang kamay ko.

"M-May dugo!" napasigaw ako, dahilan kaya napatingin silang muli saakin.

Gulat ang mga mata nilang napatingin saakin, agad na lumapit si Crystal saakin, nakita niyang may dugo sa damit ko, kaya agad siyang may kinuha sa bag niya.
Lumapit rin saakin si Max upang alalayan ako, nakita kong may ibinaon si Crystal na mga buto ng kung anong halaman.
Nagtinginan sila ni Chad at sabay na kinumpas nila ang mga kamay nila.
Biglang may sumibol na isang halaman, kaagad yun na pinitas ni Crystal.

HEALER (The Forbidden Charm)Where stories live. Discover now