MAX POV
Maaga pa kaming tumungo sa bayan upang hanapin si Jade, nagbabakasakaling naroon na siya.
"Cap, mukhang natakot sayo si Jade kaya ayaw magpakita saatin." sambit ni Enzo, nakita ko namang sinamaan siya ng tingin ni Crystal
I know, aminado naman ako na kasalanan ko talaga kaya naka takas siya, dahil baka inakala niyang may gagawin kaming masama sa kaniya, kaya siya tumakbo papalayo.
It is all my Fault!
Habang tahimik kaming naglalakad, ay pansin ko ang mga matang nakatingin saamin, nadinig ko rin ang pasimpleng tili ng mga kababaihan, nakakarindi, kaya agad akong naglakad ng mabilis.
Ilang oras pa ang lumipas ay hindi parin namin siya nakikita, nang tignan ko ang mga kasama ko ay mukha na silang Gauma dahil sa pagod, kaya napagdesisyonan kong dalhin sila sa kainan malapit sa kinaroroonan namin.
Magiliw silang kumain samantalang ako ay tanging MagicFruit lang ang kinain.
Maya-maya pa ay nagulat kami dahil sa biglaang pagsabog, ilang saglit pa ay sumunod na ang sigawan at takbuhan, sa madaling salita mayroon nanamang nangyayaring kaguluhan."Ano nanaman kaya ito? Gauma? o Bandido?" tanong ni Crystal saamin
Agad akong tumayo, sakto at tapos na rin silang kumain, si Chad sana ay hihirit pa, ngunit hindi niya na ito itinuloy dahil maiiwan siya.
Tumakbo kami patungo sa pinagmulan ng pagsabog, habang tumatakabo ay hindi maiwasang may mabangga kami.
Ilang sandali pa ay may nahagip ang mga mata ko, isang napaka pamilyar na mukha saakin."Si Jade!" sambit ko kaya napatingin saakin ang mga kasama ko.
Agad akong tumakbo papunta sa kaniya at iniwan ko na ang mga kasama ko.
Sa di kalayuan ay tanaw na tanaw ko na si Jade, at tila ba kinakausap niya ang sarili niya, at tila ba may balak itong gawin, kaya bago niya pa magawa ang balak niya, agad akong tumakbo palapit sa kaniya atsaka ko hinila ang braso niya palapit saakin."Wala ka nang kawala, akin ka na!" sambit ko rito
Finally, i saw her again, but this time i wont allow her to go anywhere.
"M-Max!" utal nitong tawag sa pangalan ko
"Anong balak mong gawin? Gusto mo bang mapahamak?!" galit kong saad rito
"Hindi ko ipapahamak ang sarili ko! Okeeeey?!" sambit nito na medyo maypagka sarcastic
"Sumama ka saakin, you need to hide." sambit ko rito atsaka siya hinila
"A-Ano ba! Bitawan mo nga ako! Kaya ko ang Sarili ko!" galit rin nitong sigaw saakin
"Paanong kaya?! Wala kang kapangyarihan!" sambit ko rito, nabakas ko sa mga mata niya na galit na galit siya, dahil sa nasabi ko, agad niya rin na tinabig ang kamay ko, atsaka siya tumakbo papunta sa mga bandido kaya agad ko siyang sinundan.
Nang makita kong pasugod sa kaniya iyong isang bandido ay agad ko siyang hinila palapit saakin.
"Watch Out!" sigaw ko rito, sabay tira ng fireball sa mga kalaban
Agad niya akong tinulak atsaka niya ako tinarayan.
"Freeze!" dinig kong sigaw ni Jade, nagkatitigan kami atsaka siya nag salita.
"Watch Out Your Face!" sabay turo sa likuran ko.
Nang lumingon ako ay nakita ko nalang na naging yelo na iyong isang rebeldeng aatake sana saakin.
Dahil doon ay medyo natuwa ako, nang lumingon siya saakin ay agad akong nag smirk, dahilan kaya mas naging iritable ang mukha niya.
Patuloy lang kami sa pakikipag laban, hanggang sa mapansin kong nakikipag laban na rin ang mga kasama ko.
Ilang sandali pa ay natapos na ang laban at lahat ng sumalakay na bandido ay napatay, napansin ko namang lumapit si Jade sa isang normal na charmer at tila may gagawin nanaman siya kung ano kaya agad ko siyang hinila."Anong gagawin mo?" tanong ko rito
"Ano ka ba! bigla-biglang nanghihila?!" sigaw nito saakin
"Atsaka, ano ba dapat ang gawin sa mga sugatan? hindi ba dapat gamutin?" dagdag pa nito kaya agad ko siyang binitawan
Lumapit siya sa isang lalaking may sunog sa balikat, nakita ko siyang pumikit at isinara niya rin ang kaniyang mga palad, nang sabay niyang buksan ang mga ito ay biglang may lumitaw na kulay rosas na papel sa palad niya, lumutang ito at agad niyang kinuha, pagkatapos ay inilapat niya ito sa balikat ng lalaki.
Agad itong nagliwanag, at nang maglaho na ang liwanag ay nawala na ang kulay rosas na papel sa balikat nito at naging kulay puti, nang tanggalin ito ni Jade ay nawala na rin ang kaninang sunog ng lalaki.Inaamin kong namangha ako dahil sa ginawa niya, lumapit pa siya sa ibang sugatan at ganoon din ang ginawa niya.
Nang matapos siyang manggamot ay tila may hinahanap siya, ilang saglit pa ay nagbago ang bendang nasa braso niya, mula sa kulay Rosas, ito ay naging kulay puti.
Biglang may lumabas na maraming kulay puti na papel sa palad ni Jade patungo doon sa lalaking tumatakbo, nagulat ako nang biglang binalot ng puting papel iyong lalaki, ilang sandali pa ay naglaho na iyong puting papel na bumabalot sa lalaking kanina at tumatakbo, na ngayon ay naka kulong na sa isang malaking tipak ng yelo."P-Paano niya nagawa iyon?" tanong ni Crystal
Dahil sa gulat, agad akong tumakbo patungo kay Jade atsaka ito tinanong.
"Who's that?" tanong ko sa kaniya sabay turo doon sa lalaking nakakulong sa yelo
"Hindi ko alam?" sagot niya na nagpawindang saakin
"Hindi mo kilala? Pero bakit mo kinulong?" gulat kong saad dito
"Simpla lang, kasi bandido siya." saad niya
Kahit kailan talaga ay magulo kausap ang mga Babae.
"Sabi mo hindi mo kilala?" sambit ko pa rito
"Hindi ko nga kasi alam ang pangalan kaya hindi ko kilala, pero alam kong bandido siya!" sagot nito, but this time alam ko nang pikon na siya saakin, kaya napangiti ako.
"Kahit kailan talaga ay napaka gulo niyong kausaping mga lalaki!" pabulong nitong sambit, iyong saktong maririnig ko
Agad akong lumapit sa bandidong nakakulong sa yelo, itinapat ko rito ang kamay ko at pinagliyab upang matunaw ito.
Nangtuluyan na itong natunaw, ay agad kong hinawakan sa leeg ang bandidong ito, upang hindi maka takas."Alam kong may nag utos sa inyong gawin ito, sino yun? Sabihin mo!" tanong ko rito na may kasamang paninindak
Hindi ito sumagot, at tanging pag iling lang ang ginawa niya.
Ilang saglit pa ay nagulat nalang ako ng biglang bumula ang bibig nito kaya agad ko siyang binitawan, ilang saglit pa siya sa lupa ay tuluyan na siyang nawalan ng buhay.Biglang dumaan ang malakas na ihip ng hangin, kasabay ng pag alingasaw ng mabahong amoy galing sa mga katawan ng namatay na mga bandido.
...
Agad na kaming nag ayos ng mga sarili namin, hinila ko na si Jade upang hindi na ito maka takas pa.
Inaya ko na ang mga kasama kong bumalik sa kainan kanina dahil nalimutan kong bayaran ang nakain namin kanina, iniwan ko sandali si Jade sa mga kasama ko dahil magbabayad na ako, ilang sandali pa ay nakarinig ako ng sigawan sa loob ng kainan at nakaramdam din ako ng lamig sa paligid, kaya agad akong tumingin sa pinanggalingan ng sigawan.Paglingon ko ay hindi ko na nakita si Jade, at tanging ang mga kasama ko nalang ang nakita ko roon, na nakakulong sa isang malaking yelo.
Pfftttt, what a pain on ass!
"Jade! Bumalik kaaaa!"
TO BE CONTINUED...
AHBASTAAUTHOR❤👑
YOU ARE READING
HEALER (The Forbidden Charm)
خيال (فانتازيا)Im just a simple girl, living in a magical world. Where everyone that sorrounds me, have a magical charm. When i was a kid, I already know that i'm unique from others, cause am a less charmer. But everything has change, when i accidentally open an a...