KABANATA 10

14 2 2
                                    

MAX POV

"Here! Try it." sambit ko kay curse girl

Yung mukha niya mas lalong namula nung sinabi ko yon.

Eat This? Or? I'll Eat You?Eat This? Or? I'll Eat You?

"B-Busog pa ako eh." utal na tanggi nito, pero halata namang nagpapalusot lang siya.

"Try lang nga diba?!" sambit ko pa rito, at dahil doon ay napilitan na siyang pumayag.

Akmang kukunin niya na sana iyong malalim na kutsarang hawak ko nang bigla kong tapikin iyong kamay niya.

"Ako na!" sambit ko rito, at ilang saglit pa ay hinigop niya na rin iyong sabaw kaya naman nakapag pahinga na iyong kamay kong nangangalay.

Matapos niyang tikman iyon ay nakita kong nag iba iyong itsura niya, para bang nagutom siya.

Well as i expected, magugutom ka talaga sa sarap ng sabaw nila dito.

"Ang sarap." sambit nito, atsaka siya tumitig saakin na tila nag mamakaawang bilhan ko pa siya.

Agad akong tumayo mula sa kinatatayuan ko, balak ko sanang bilhan pa siya kaso may naisip akong kalokohan.
Agad akong bumalik sa pwesto namin atsaka hinarap siya.

"Wala na daw." pagsisinungaling ko rito, dahil sa balitang iyon ay tila nalungkot siya.

"Pero pwede mo naman akong saluhan dito, tiyak akong hindi ko ito mauubos nang ako lang." saad ko pa

Sa pagkakataong ito namula nanaman iyong buong mukha niya na aking ipinagtaka.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko rito, bago ko tuluyang hinawakan ang noo niya, upang alamin kung may sakit ba siya.

Ilang sandali pa ay napansin kong tila, kanina pa kami pinagmamasdan nitong mga kasama namin.

Napaayos ako agad ng upo ko, at matapos non ay agad akong nagsalita, upang mabaling ang atensyon nila sa iba.

"S-Saan niyo sunod gustong pumunta?" tanong ko rito habang uutal-utal pa

"Wala na po akong alam eh?"

"Ewan?"

"Ewan den?"

sambit nung tatlo.

"Ahhmm, May alam akong lugar, maganda doon!" saad ni Jade

"Saan?" tanong nung tatlo

"Lumias Garden, sure akong magugustuhan niyo doon!" buong galak nitong sambit.

This time si Jade na ang humila saakin, nilakad lang rin namin ito, dahil hindi naman ito kalayuan sa kinainan namin kanina.

"Welcome To Lumias Garden!" sambit niya nang makapasok kami rito.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid, tama nga si Jade, napaka ganda nga rito.

Naghiwahiwalay na kami, medyo natuwa ako dahil heto hawak hawak parin ni Jade ang braso ko.
Nakakabakla man kung isipin pero tila kinikilig ako.

Ilang sandali pa ay hinila nanaman ako ni Jade, patungo doon sa tulay na punong puno nang ibat-ibang kulay ng paru-paro.
Nagsiliparan ito habang kami ay palapit ng palapit dito.
Binitiwan niya na ang braso ko, atsaka niya itinaas iyong kamay niya na agad namang dinapuan ng mga paru-paro.

Right now, habang tinititigan ko si Jade.
Pakiramdam ko ay tila ba bumabagal ang pagtakbo ng oras sa paligid namin.
Pakiramdam ko ay tila kaming dalawa lamang ang taong nabubuhay sa mundo.

Nang dahan-dahan siyang lumingon saakin nang naka ngiti ay biglang nagwala iyong nasa loob ko.

Lubdub, Lubdub, Lubdub!

Ngayon ay dinig na dinig ko na ang bawat pag pintig ng puso ko.

"Max, subukan mo rin, nakakatuwa!" sambit nito, kaya naman agad kong sinunod iyong ginawa niya kanina.

Agad kong itinaas iyong kamay ko, at ilang sandali pa ay dumapo na rin sa kamay ko iyong mga paru-paro.

"Ang gaganda nila diba?" saad ni Jade habang ngiting ngiti siya, halata sa mukha niya na talagang masayang-masaya siya.

Ilang minuto pa ang lumipas, nasa ganoong pwesto parin kami nang ayain niya na akong maupo sa kalapit na bench sa gilid ng tulay.

"Maupo na muna tayo, medyo napapagod na ako eh." saad nito

Tahimik na kaming na upo dito sa bench, paminsan minsan ay may mga paru-paro parin na dumadapo saamin.

Ilang sandali pa ay napansin kong kumuha si Jade ng piraso ng papel mula sa kaniyang bulsa, itinupi niya ito sa apat atsaka hinipan.
Pagka ihip niya rito, ay naging maliliit na puting paru-paro ang kaninang piraso lamang nang puting papel.

Bawat pagkampay nila ng mga pakpak nila, ay naglalabas ito ng mga makikintab ng fragments ng yelo.
Na mas lalo pang nag paganda sa mga paru-paro.

Ngayon ay mas gumanda na itong tignan, at talagang agaw pansin dahil iyong ibang mga bumisita rito ay doon na lamang nakatingin.
Kumuha muli si Jade ng piraso ng papel, subalit ngayon ay kulay pula na.

"Heto, hipan mo." sambit nito nang naka ngiti.

Pag ihip ko ay biglang nagliwanag iyong mga pulang paru-paro, bawat kampay rin ng mga pakpak nito ay nagiiwan ng makintab na bagay na tila baga mula sa nagliliyab na pugunan.

Ginawa niyang muli iyon sa kulay Asul at Pilak na papel, kaya halos lahat ng tao ngayon rito ay naka tingala at manghang-mangha sa kanilang nakikita.

Napansin ko namang humikab siya, kaya naman tinapik ko iyong balikat ko, att mukhang naintindihan niya naman ang ibig kong sabihin, dahil agad na siyang sumandal sa balikat ko at nagpahinga.

Mag gagabi na nang magsawa silang libutin iyong Lumias Garden, naabutan nila kaming ganoon ang sitwasyon, kaya naman tinutukso ako nitong mga kasama ko, pero hinayaan ko nalamang sila.

"Curse girl, wake up!" pag gising ko rito

Dahan-Dahan siyang na upo habang pipikit-pikit pa ang kaniyang mga mata.
Halatang nagulat siya nang makita niyang narito na ang mga kasama namin dahil nanlaki bigla ang mga mata niya.

"Tara na, mag gagabi na." saad ko rito atsaka tuluyang tumayo.

Akmang tatayo na rin sana siya nang bigla siyang natumbang muli papaupo sa bench.

Agad akong napatingin sa paa niya, namamaga ito.

"Napano yan?!" tanong ko rito, dahil sa tanong ko ay napakamot siya ng kaniyang batok atsaka lang siya nag paliwanag.

"Eh kasi, tumamayan kanina sa bato, hinayaan ko nalang dahil kaya ko pa naman kaninang maglakad." paliwanag nito

"Pero wag kang mag alala, gagamutin ko nalang muna." paliwanag niya.

"No! Mag gagabi na, tsaka mo na gamutin yan kapag naka balik na tayo sa palasyo." saad ko rito.

Agad akong tumalikod sa kaniya pa upo.

"Halika na! Umaba ka na saakin para mabilis tayong maka balik sa palasyo." sambit ko rito, hindi ko na siya narinig pang umangal dahil agad na siyang kumapit saakin.
Tumayo na ako, bago tuluyang nangunang naglakad papalabas sa Lumias Garden.

"Curse girl!"  - Me/Max

"Oh?"  - Jade

"Kumapit ka nang mabuti, at baka mahulog ka sa iba?"





















TO BE CONTINUED...










-----------------------------------

Author's N;

Guys, Thankyou sa patuloy na pagbabasa ng mga akda ko.
Patuloy ko pa pong pagbubutihan ang pagsusulat ko.

Maraming Maraming Salamat Po!

@NikoNikoNi143

HEALER (The Forbidden Charm)Where stories live. Discover now