"Ma-Ann-tot, ang bagal mo!"
Napairap na lang ako. Mula sa loob ng kwarto ay dinig na dinig ko ang sigaw niya mula sa labas.
"Gutom na gutom ka na ba, ha?!" sigaw ko pabalik bago isinuot ang lumang doll shoes ko.
Suot ko ngayon ang dress na binili ni Timothy Blake noong nag-mall kami. Aaminin kong nagdadalawang-isip ako noong una kung tutuloy pa rin ba ako, kaso dahil naka-oo na ako sa mga kaibigan ko, at hindi sila makakapasok nang wala ako, wala na akong choice kundi tumuloy.
Ilang araw ko na rin hindi nakikita si Timothy Blake. Kapag tinatawagan ko naman siya, sasabihin niyang busy siya at may inaayos lang. Palagi rin niyang sinasabi na babawi siya. Huling beses na nakita ko siya ay noong nagkaroon ng problema sa kompanya nila kasabay ng pagpasok ni Mr. Relish sa buhay ko.
"Bagal talaga. Nagpapaganda pa masyado, pangit naman," dinig kong sabi ni Paulo bago ako nakalabas ng kwarto.
"Okay lang 'yon, at least nagmukhang tao kaysa naman sa ' yo na mukha paring aso," pagbasag ni Sherly sa kaniya.
"Tara na nga. Gutom na ang aso," sabi ko nang makalapit ako sa kanila, sinasabayan ang pang-aasar ni Sherly.
"Babe, oh!" sumbong ni Paulo kay Jhana na tinawanan lang naman ng huli.
Nagpaalam na kami kila Mama bago lumabas ng bahay. Pumunta rin muna kami sa paradahan ng jeep at doon sumakay. Inantay pa na mapuno ang jeep bago umalis. Pare-pareho kaming nakadress nila Jhana at Sherly habang si Paulo naman ay nakapolo shirt. Bumaba kami sa paradahan ng tricycle at doon naman sumakay papunta sa Grand Hotel kung saan gaganapin ang birthday party ni Shane.
Sa isang tricycle lang kami sumakay dahil masyadong mahal ang angat ng isang tricycle dito, at isa pa ayaw ni Paulo na walang lalaki sa kabilang tricycle kung maghihiwalay kami dahil pagabi na rin. Malayo-layo pa sa mismong tapat ng Grand Hotel nang tumigil ang tricycle.
"Pasensiya na kayo, mga hija at hijo. Hanggang dito lang kami pwede. Hindi kasi kami pwede pumarada o magbaba ng pasahero malapit sa hotel," paghingi ng tawad ni Manong Driver.
"Ay, gano'n ho ba? Sige po, salamat." Iyon na lang ang nasabi ni Paulo bago kami bumaba ng tricycle.
Nang makababa kami ay kaagad na umalis si Manong Driver. Wala kaming ibang nagawa kundi maglakad sa gilid ng kalsada papunta sa hotel. Hirap na hirap si Paulo na ingatan kaming tatlo dahil sa sunod-sunod at mabilis na pagdaan ng mga sasakyan na tumitigil sa tapat ng hotel at maliit lang ang sidewalk.
"Ano ba 'yan! Dapat kasi sinama niyo mga bebe niyo!" angal ni Paulo habang nakadipa ang kamay upang maharangan kami laban sa mga nadaang sasakyan.
"Wala ngang jowa, e', nang-aasar ka ba?" inis na sabi ni Sherly.
"Kung sinagot mo na si Lhance, e' 'di sana may jowa ka na!" singgit naman ni Jhana na ikinairap ni Sherly at mahina kong ikinatawa.
"E', ikaw Ann? Nasaan si Blake?" baling sa akin ni Sherly.
"Oo nga? Parang hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw?" usisa rin ni Jhana.
"Busy siya sa company nila," simpleng sagot ko at umiwas ng tingin dahil ako mismo, hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Sinubukan ko siyang i-text kanina, hindi naman siya sumagot. Ayokong tumawag dahil baka makaabala ako kung sakaling nasa importanteng meeting siya.
"'Wag nga kayo magulo! Hirap na hirap na 'ko rito, oh!" reklamo na naman ni Paulo.
Matapos ang ilang minutong paglalakad ay natanaw na namin ang bukana ng hotel. Halos hindi maubos ang mga sasakyan na tumitigil doon at nagbababa ng sakay. Papasok na sana kami sa loob ng hotel nang bigla kaming harangin ng isang guard.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...