Nakangiting naghihintay ang mga kapatid ko habang nandito kami sa sala. Sabi kasi ni Timothy Blake ay dadalhin niya sa mall sila Yanna tutal sabado ngayon at walang pasok. Hindi sana ako papayag kaso narinig ni Yanna kaya wala na akong nagawa kundi pumayag. Alam kong excited sila na makapunta ulit sa mall dahil dalawang taon na mula noong huli naming punta roon para magliwaliw.
Si Papa kasi lagi ang nagdadala sa amin doon tuwing may extra siyang pera. Nagkakaroon naman ako ng extrang pera pero ipinambabayad namin iyon sa mga utang namin noong nawala si Papa at noong magkasakit ang mga kapatid ko. Kasama rin dapat namin ngayon si Mama kaso ayaw niya dahil mas gusto niyang magpahinga kaysa gumala. Lumabas na kami nang makarinig kami ng tunog ng sasakyan.
"Mag-iingat kayo, ha," bilin ni Mama, ihinatid pa niya kami sa pintuan ng bahay.
"Ako pong bahala sa kanila, Tita Ana." Palaging pinipilit ni Timothy Blake na mag-tagalog sa harap nila mama para na rin light lang ang atmosphere, kahit pa halatang nahihirapan pa rin siya.
Pagkatapos magpaalam kay Mama ay sumakay na kami sa Honda Civic ni Timothy Blake na nakaparada sa tapat ng bahay namin. Isinakay ko muna si Yanna at Xian sa backseat bago ako umupo sa passenger's seat dahil ayoko namang magmukhang driver si Timothy Blake kung sa likod din ako sasakay.
May pagka-chaotic ang byahe namin papunta sa mall. Nahihilo si Yanna sa byahe, dahil na rin siguro hindi siya sanay sumakay sa kotse. Apat kaming kinakabahan na baka biglang sumuka si Yanna sa sasakyan. Kahit pa may pangbayad naman si Timothy Blake sa carwash, kadiri pa rin. Walang nagawa si Timothy Blake kundi ibaba ang bintana, para mas mahimasmasan si Yanna.
"Ate, papasok na tayo?" ngiting-ngiting tanong ni Yanna habang naglalakad kami papalapit sa entrance ng mall. Akala mo ay hindi hinang hina kanina sa sasakyan.
Hawak ko ang kamay ni Yanna at nauuna na kaming maglakad dahil excited na ito habang sina Xian at Timothy Blake naman ay nahuhuling maglakad sa likod.
Nang makapasok kami sa loob, nakita kong masayang ipinalibot ni Yanna ang mata niya sa hanggang kung saan ang aabutin nito. Lumapit naman si Xian sa kabilang side ni Yanna at tinapik-tapik ang ulo nito.
"Kuya, tingnan mo 'yon, oh! Anlaki!" masayang sabi ni Yanna habang nakaturo sa isang malawak at malaking play ground sa sentro ng mall.
Nagsimula na silang mag-usap tungkol sa mga bagay na nakikita nila ngayon. Lumingon naman ako kay Timothy Blake na nasa kabilang side ko, I mouthed 'thank you' that formed a smile on his face.
Kumain lang kami ng ice cream dahil 'yon ang request ni Yanna bago kami naglibot-libot sa ibang parte ng mall. Pumasok kami sa mga store at halos lahat yata ng napasukan namin ay may gustong bilihin si Timothy Blake para sa mga kapatid ko. Mabuti na lang at napipigilan ko pa siya, dahil baka maubos ang allowance niya ng dahil sa amin.
Tumagal din ng ilang oras ang paggagala namin hanggang sa mapagod si Yanna at ayaw nang sumama pa. Mas gusto na lang daw niyang maglaro doon sa playground sa center ng mall sa ground floor. Ako ang naiwan kasama ni Yanna habang sina Xian at Timothy Blake naman ay umalis dahil may pupuntahan daw sila.
Nakaupo lang ako sa isang bench at mula rito sa upuan ko ay tanaw na tanaw ko ang kapatid ko na hindi maalis ang ngiti habang nakikipaglaro sa ibang mga bata.
Madaming mga bata ang naglalaro sa malaking playground na nasa center ng malaking mall habang madaming bench naman ang nakapalibot doon bilang upuan ng mga magulang o ng kung sino mang guardian nila.
May plastic fence na nakapalibot sa buong playground, isa lang ang pintuan palabas at papasok na binabantayan ng isang lady guard upang masiguro ang kaligtasan ng mga bata habang mga may bantay naman doon sa mismong loob ng playground, less nakakatakot nga lang ang suot nila so the kids can play freely.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...