Abala ako sa pagsipa ng maliliit na bato habang naglalakad palabas ng campus. Tinawagan kasi ako ni Tita Rubellyn para ibigay ang sapatos na gagamitin ko sa ball kaya naglalakad ako papunta sa cafe. Kay Tita manggagaling ang iba kong gagamitin sa ball, pati na rin ang ayos ko sa ball.
Hindi ako masasamahan nila Paulo dahil may klase pa sila at ako naman ay wala na. Hindi ko na rin sinama si Timothy Blake dahil absent siya kanina sa huling klase namin. Ang alam ko lang may gagawin siya pero hindi ko alam kung saan siya pumunta.
Saktong paglabas ko ng gate at patawid na sana ng malaking highway nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kaagad kong kinuha iyon at tiningnan kung sinong tumatawag.
Kumunot ang noo ko at nag-alinlangan pa ko kung sasagutin ko ang tawag nang makita kong lumang number ni Timothy Blake ang tumatawag. Ito yung number niya na nasa cellphone niyang nakuha ng mga batang hamog sa kalsada noon.
"H-Hello?"
Wala akong naririnig mula sa kabilang linya pero hindi ko pinatay ang tawag. Habang naghihintay ng sagot mula sa kabilang linya ay sinimulan ko nang tumawid sa malaking kalsada dahil nasa kabilang side ang sakayan papunta sa cafe.
[Wag kang makialam.]
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa isang pamilyar at malalim na boses mula sa kabilang linya. Hindi ko matandaan kung sino siya pero alam kong narinig ko na ang boses niya
"Sino ka?" tanong ko pa. Alam kong hindi siya si Timothy Blake dahil malayo ang boses nila sa isa't isa, alam na alam ko ang boses ng mahal ko.
[Tigilan mo na siya at wag ka nang mangialam.] Malalim ang boses nito at halatang hindi sanay mag-tagalog.
"Sino?" kunot-noong tanong ko na para bang kaharap ko lang ang kausap.
[Makukuha rin namin 'yan sa 'yo.] Malayong malayo ang sagot ng kausap ko sa tanong na ibinabato ko.
"Anong kukuhanin niyo?" naguguluhang tanong ko.
[Nasa paligid lang kami.]
Naririnig ba nila 'ko? Ang tanong ko ay ano, hindi saan. Kaagad akong lumingon sa paligid at naghahanap ng kahit na sinong may hawak ng cellphone. Doon ko lang napansin na sa gitna pala ako ng kalsada tumigil.
[Tumigil ka na habang hindi pa kami nagsisimula.]
Magtatanong pa sana ako kaso binaba na ng nasa kabilang linya ang tawag. Kaagad akong napalingon sa kaliwa ko nang may marinig akong humaharurot na motor. Dalawang tao na nakasuot ng itim at natatakluban ang buong mukha ang nakasakay doon.
Nanlaki ang mata ko at muntik ko pang mabitawan ang cellphone ko nang makita kong papunta sila sa direksyon ko. Sinubukan kong umatras para makalayo sa direksyon na tinatahak nila pero kahit anong gawin ko ay sumusunod sa akin ang motor. Konti na lang ang layo ng motor sa akin nang may marinig akong dalawang boses na tumawag sa akin.
Hindi ko alam kung sino ang tumawag sa akin dahil napapikit na lang ako nang makitang sobrang lapit na sa akin ng motor. Naramdaman ko na lang na may humila sa akin nang malakas kaya napasubsob ako sa katawan niyon.
"Okay ka lang?" tanong niya habang pilit na inaangat ang mukha ko.
Bahagya akong tumingala sa taong humila sa akin. "Jacob?"
Bahagyang salubong ang kilay at puno ng pag-aalala na mata ang sumalubong sa akin nang tumingala ako para tingnan siya. Bakas sa mukha niya ang labis na pag-aalala.
"Zyrille!"
Kaagad akong lumingon sa tumawag sa akin. Nakita ko si Timothy Blake na papatawid ng kalsada mula sa kabilang side. 'Gaya ni Jacob, bakas sa mukha niya ang pag-aalala habang mabilis na tumatawid.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...