"Hoy."
Lumingon ako kay Paulo habang nakasandal ako sa upuan ko dahil sa pagtawag niya sa akin. Nasa office kami ngayon ng scholar society kasama ang ibang scholars dahil nagpatawag si Ma'am Ramirez ng meeting.
Hindi ako sumagot, nag-aantay sa susunod na sasabihin niya. "May problema ba? Kanina ka pa tahimik, a'," kunot-noong tanong niya.
Napapansin pala niya na kanina pa ako tahimik. Hindi kasi ako masyadong umiimik. Madaming gumugulo sa isip ko.
Yung kaso nila Papa at Ate Tiffany. Yung bag. Yung kwintas ko na madaming kagaya. Yung mga threats ni Shane. Kaligtasan nila Mama at ng mga kapatid ko. At si Timothy Blake.
"Ah, wala naman. Inaantok lang siguro ako," pagdadahilan ko.
Halata namang hindi kumbinsido si Paulo sa sinabi ko pero hindi na siya nakapagsalita nang dumating si Ma'am Ramirez. Kaagad kaming tumayo at bumati sa guro.
"Good morning, you may sit down," bungad ni Ma'am Ramirez pagkapasok niya bago umupo sa pinaka dulong upuan ng mahabang lamesa. "I'll make this quick so you can go home early."
"As we all know, next Saturday will be Valentine's Day. And as always, there will be a Valentine's Ball on that day," panimula ni Ma'am Ramirez.
Every year may ball na nagaganap para sa lahat ng academic level pero mga regular students lang ang nakakasali kaya wala kaming pakialam sa ball nila. O baka ako lang.
"Before, only regular students could join. But because we have a new sponsor this year, they request that all students, regular or scholars will join the ball. As participation, all of you can join and wear any red gown and suit for the boys. Whether long, cocktail or ball gown for girls and for boys, any formal suits, depends on what is available and on what you want to wear," Ma'am Ramirez informed us.
Napuno naman ang office ng iba't ibang reaksyon. May mga naging excited dahil ngayon lang kami makakasali sa ball habang ang iba naman ay parang problemado dahil hindi alam kung saan kukuha ng damit at ng ipambabayad ng renta niyon, gaya ko.
"I'm sorry kung ngayon ko lang nasabi dahil ngayon lang din ako nasabihan kaya nagpatawag ako kaagad ng meeting. Many of you are worried and having a problem on where to get and what to wear, so it is not mandatory. You can join if you want, no fees to pay for the party. The sponsor just want to make all students happy so they're expecting each one of you at the ball," dagdag pa ni Ma'am habang gumagala ang tingin sa amin.
"We'll be having a meeting next week so I can get the list of those who want to join. You can go now," pagtatapos niya ng meeting. Tumayo na ang ilan, pati na rin kami, preparing para umalis na ng office.
"Sasali kayo?" tanong ni Sherly habang palabas na kami.
"Kung ako sa inyo, oo naman. Sayang opportunity, 'no," nakangiting sabi ni Jhana. Hindi scholar si Jhana pero nandito siya, wala siyang ibang matatambayan kaya sumama siya. Hindi rin naman siya napansin ni Ma'am Ramirez.
"Syempre, sasali ako. Sasali si babe ko, e', dapat ako ang partner niya. 'Di ba, babe?" sabi naman ni Paulo na umakbay pa kay Jhana. Natatawang hinalikan siya ni Jhana sa pisngi.
"Yuck," komento ni Sherly sa dalawa bago lumipat sa tabi ko at nagtanong, "Ikaw, Ann, sasali ka sa ball?"
"Hindi pa ako sigurado, e'. Di ko alam kung saan kukuha ng damit," sagot ko habang nakatingin lang sa hallway na dinadaanan namin.
Dumagdag lang sa isipin ko ang party na 'yan kaya baka hindi na lang ako sumali.
"Ann, sasali ka, ha," ani Jhana at pumunta sa kabilang gilid ko. Pinaggigitnaan na nila ako ni Sherly habang naglalakad kami.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...