"Any questions, class?"
Walang sumagot sa professor namin at ang iba ay umiling lang, that makes our last class for today ended. "Well, then, class dismissed. See you next meeting."
Kaagad na nagtayuan ang classmates ko nang makalabas na ang last professor namin, halatang mga gutom na. Kaya rin siguro walang nagtanong pa. Hindi ko naman sila masisisi dahil pass twelve na, lagpas na sa lunchtime dahil sa over time namin sa major class na ito.
Nilingon ko ang katabi kong kanina pa tulog. Mula sa first class namin, naging katabi ko na sa upuan si Timothy Blake sa lahat ng klase. Hindi ko na rin magawang tumanggi dahil baka kung ano na namang gawin niya para lang magkatabi kami. Alam kong nagtataka ang classmates namin dahil si Timothy Blake ang nagpupumilit na tumabi ako sa kaniya, pero ni isa sa kanila ay walang nagtatanong.
I was hesitating kung gigisingin ko ba si Timothy Blake o hindi. But I'm also thinking na baka gutom na siya dahil dire-diretso ang mga class namin at wala pa kaming kain pareho.
In the end, I tapped his shoulder lightly. Umungot lang siya sa una kong tapik kaya inulit ko 'yon. "Timothy Blake, wake up, class is over."
It took me three times before his eyes finally opened slowly. Kaagad na tumama sa akin ang tingin niya as soon as he open his eyes. A soft and handsome smile immediately makes its way to his lips. Bahagyang nagulo ang buhok niya dahil kanina pa siya tulog, hindi naman siya sinusuway ng professor namin. Takot lang nila sa kaniya. Pogi pa rin talaga kahit bagong gising.
"Good morning, kamahalan," I chuckled. "Kakain na po tayo."
He chuckled softly. He used his right hand to support his face as he looked at me. Lalong gumaganda ang nakakalunod niyang mata habang tinatamaan iyon ng liwanag na galing sa bintana. His eyes are shining.
"Am I still dreaming?" he murmured.
"What?" I chuckled. "No, why?"
"I'm looking at the epitome of beauty."
I snorted. "OA ka."
"Para kang angel," he added, still staring at me while smiling.
I nodded as I copied his posture, putting my face on my palm while leaning on the armchair, staring back at him. "Sabi mo nga, I'm your salvation. Ako ang anghel na magliligtas sa 'yo sa kadiliman," I said rhetorically, riding on his trip.
"Sige, ako na si San Pedro sa role playing na 'yan."
Mabilis at halos sabay kaming napatingin sa pintuan kung saan nanggaling ang boses ng nagsalita. Paulo's standing there, naka-krus pa ang braso at masama na ang tingin sa amin. I totally forgot na naghihintay nga pala siya sa labas ng classroom namin.
Inikot ko ang tingin ko sa paligid and we just realize na kami na lang pala ang nasa loob ng classroom. Nagkatinginan pa kaming dalawa ni Timothy Blake at sabay na natawa.
"Tama na 'yan, gutom na gutom na yung tao dito, oh," dagdag na pagrereklamo ni Paulo bago tinalikuran kami at lumabas na ng classroom.
Sumunod na rin kami kaagad sa kaniya dahil kanina pa siya naghihintay para sabay kaming maglunch at gutom na rin talaga ako.
"P're, sama ka na sa amin maglunch?" bungad ni Paulo kay Timothy Blake pagkalabas namin ng classroom.
Hindi agad sumagot si Timothy Blake, instead, lumingon siya sa akin. Nagtatanong ang mukha niya. "You decide, kung gusto mo lang naman," I whispered.
Bumalik ang tingin niya kay Paulo. "If your barkada is good with it."
Hinampas naman ni Paulo si Timothy Blake sa balikat kaya agad na nanlaki ang mata ko. "Oo naman, pare. Welcome na welcome ka sumama sa barkada namin, kahit kailan mo gusto."
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...