Mabilis na lumipas ang mga araw nang hindi ko napapansin, pare-pareho lang din naman ang ginagawa ko sa araw-araw. Campus, work, at work ulit. Though, medyo gumaan ang buhay ko.
Madalas ay napapadaan si Timothy Blake sa convenience store at nasasaktuhang tapos na ang shift ko sa trabaho and he always offer to give me a ride home. Ang sabi niya ay along the way naman daw ng mga pinupuntahan niya at madalas gabi na raw ang tapos niya sa trabaho at ibang meetings niya kaya siya napapadaan sa store.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ni Timothy Blake. Ang malinaw lang sa akin ay masaya ako kapag kasama ko siya at pakiramdam ko ay ligtas ako kapag nasa paligid siya. Ganito siguro ang pakiramdam kapag kaibigan si Timothy Blake.
Hindi kami ganoong nag-uusap and that's fine because I know he's a man of a few words, but I also know that he's trying to make a conversation kapag magkasama kami. Hindi rin siya madalas nakakapasok sa mga klase namin nitong nakaraan, ang sabi niya sa akin ay busy daw sa trabaho at maghapon siyang nasa opisina at nasa meeting. Makakahabol naman siya kaya hindi ko na iniintindi 'yon, but he also knows that I'm here if he needs help.
Today's friday, and here I am, walking down the hall. We don't have class today but Scholars Society have a meeting at papunta na ako roon ngayon. Pagkapasok ko sa library, dumiretso kaagad ako sa second floor.
Kumpleto na sila sa loob ng office rito sa library pagkapasok ko. Bumati lang ako at dumiretso na sa bakanteng upuan sa pagitan ni Paulo at Shirley. Magkakapareho kami nina Paulo at Shirley na scholar, si Jhana ay hindi pero irregular student din siya.
"Bakit ka late?" mahinang tanong ni Paulo.
"Short ng staff sa cafe, I had to wait sa kapalit ko," mahinang sagot ko as I sat on my chair.
"Buti umabot ka," Shirley whispered and pointed at the door using her lips at sakto namang pumasok doon si Ma'am Ramirez.
Si Ma'am Ramirez ang adviser ng Scholars Society, while Scholars Society is like an organization sa buong University, from three campuses since lahat ng campus mula elementary ay may scholars, pero sa College campus, twenty lang ang scholars. Si Ma'am Ramirez ang adviser ng Scholars Society sa buong University.
"Let's start without further ado, so we won't waste any minutes," kaagad na pagsisimula ni Ma'am Ramirez when she entered the room.
Pahaba ang table na pinaggigitnaan naming lahat. Sa dulo niyon tumayo si Ma'am Ramirez. Tahimik ang lahat at handa na makinig. This group truly values time and its importance.
Dahil sa magkakaibang kwento na dala ng bawat isa sa amin, we don't dare to waste any minute of each other. May mga naghahabol sa basic standard academically, while some of us run from work to work to meet monthly ends. That's why, no one bothers anyone.
"I have the list came from the University President, endorsed by the Deans. Listahan ng kasali sa project natin." Ibinigay ni Ma'am Ramirez ang ilang pirasong papel na hawak niya sa magkabilang dulo ng lamesa na siyang pinakamalapit sa kaniya at ipinasa naman iyon hanggang sa kabilang dulo.
"New semester has started, new goals we need to achieve. Each one of you will have your student that you will need to tutor until they pass a specific course or subjects through make-up exams," paliwanag ni Ma'am as the papers came around and passed from one to another.
"Nakalagay sa list kung sino ang students na naka assign sa inyo, at sila mismo ang namili kung sino ang tutor nila. Those students are already aware na kayo ang magiging tutor nila kaya hindi magkakaproblema, unless you won't accept this project. And if you do not accept the project, alam niyo kung ano ang mangyayari."
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...