Naalimpungatan ako dahil sa pagtama ng sinag ng araw sa mata ko. I slowly opened my eyes, then I realized na nasa office ako ni Tita. Bahagya akong napaungot nang sumakit ang ulo ko nang bigla akong umupo mula sa pagkakahiga ko sa sofa.
Inilibot ko ang mata ko rito sa loob ng office ni Tita, looking for her. Nakapasok na ako rito dati kaya hindi na bago sa akin ang lugar. I reached for my phone na nasa coffee table nang makita ko 'yon.
Nanlaki ang mata ko when I saw the time. It's almost sunset, paawas na o baka nga naghihintay na sa akin ang mga kapatid ko sa gate ng school nila.
Patayo na sana ako mula sa sofa nang bumukas ang pinto at pumasok doon si Tita Rubellyn. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang gising na ako bago siya napangiti at lumapit sa akin.
"Gising ka na pala, hija," bungad niya pagkaupo niya sa tabi ko.
"Pasensiya na po sa abala, Tita. Pero kailangan ko na po umalis," sabi ko habang bahagyang nakayuko.
"Dahil ba sa mga kapatid mo?" tanong ni Tita.
"Opo, baka po naghihintay na sila sa akin."
Ngumiti si Tita at umiling na siyang ipinagtaka ko. "Kakatawag ko lang sa best friend mong si Paulo kaya ako nasa labas. Nasabi ko na sa kaniya ang kalagayan mo. Siya na raw ang susundo sa mga kapatid mo para hindi ka na mag-alala. Tapos ay susunduin ka niya rito," paliwanag ni Tita.
Napangiti naman ako at nagpasalamat. I really found a kuya and a best friend kay Paulo. While I'm busy looking after my family and looking after somebody, Paulo's been looking after me. He's making sure na nasa maayos rin ako.
"Kamusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Tita.
Mabagal akong tumango. "Maayos naman na po, Tita. Siguro ay dala lang ng sobrang pagod."
"Kamusta sa inyo? May problema ba sa bahay niyo?" dagdag na tanong niya.
Nakangiti akong umiling. "Maayos naman po kami, Tita. Kaya pa naman po ng sweldo ko at ng nakukuha ko sa scholarship ang mga gastusin namin."
Napangiti naman si Tita as she reached for my hand. Hinawakan niya iyon at bahagyang hinimas, in such a loving way kaya dumako rin doon ang tingin ko. "Alam mo, hija, sobrang hangga ako sa 'yo. Napakabait at napaka sipag mong bata. Hindi nagkamali sila Kuya na kupkupin ka."
Umangat ang tingin ko at pinanood kung paano mamuo ang luha sa mata ni Tita as she remembers Papa. Brother's girl si Tita, kaya noong mawala si Papa, alam kong gaya namin ay sobrang nasaktan din siya. Hindi mayaman sila Tita at ang asawa niya, masipag lang talaga sila kaya nakakaya nila ang mga gastos sa buhay.
At simula nang mawala si Papa, never din napagod sa amin si Tita, sa pagtulong sa amin at sa paggabay, lalo na noong ilang buwan na hindi nakapag function si Mama dahil sa pagkawala ni Papa at wala kaming ibang maaasahan.
Natanggal din si Mama sa trabaho matapos siyang makasira ng machine sa factory nila, at simula noon ay hindi na siya nakahanap ng bagong trabaho kaya pagtitinda at paglalabada na lang ang ginagawa ni Mama.
"Sana alam mo, Ann, hija, na nandito lang ang Tita, palagi. Kung may problema ka, nandito lang ako." Ngumiti siya at hinaplos ang kamay ko.
"Hindi mo kailangang maging matatag palagi. Minsan, kailangan mong damhin ang sakit at pagod dahil parte iyon ng buhay," dagdag pa niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti. "Alam ko po, Tita. Alam po namin at maraming salamat po sa lahat ng ginawa niyo para sa pamilya namin."
"Ann..." Naputol ang sasabihin niya, hesitating to continue pero nagpatuloy pa rin siya. "Buntis ka ba?"
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...