Nakakunot ang noo ko habang nakayuko at nakatingin sa papel na sinasagutan. Katabi ko ngayon sa magkabilang gilid sila Jhana at Sherly sa loob ng classroom. Hindi namin kaklase si Paulo sa subject na 'to habang si Timothy Blake naman ay absent dahil may kailangan daw siyang asikasuhin sa kompanya nila.
Tahimik lang ang buong klase habang abala sa pinapasagutan ng professor nang biglang may kumatok sa pintuan. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang sunod-sunod na pag-angat ng ulo ng mga kaklase ko at paglingon sa pintuan.
"Good afternoon, Miss Flores," kabadong bati ng professor namin sa secretary ni President.
"Good afternoon," nakangiting bati pabalik ni Miss Flores.
Lumingon siya sa mga students na para bang may hinahanap at pagkatapos ay muling bumaling sa professor namin. "Sorry for the interruption but can I take Ms. Santos with me, please?"
Kaagad na nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang pangalan ko. Hala, bakit ako na naman? Huling kinuha ako sa klase ko, hindi maganda ang kinahinatnan.
"Sure, Miss Flores," sagot naman ng professor na parang nakahinga nang maluwag, mukhang natakot siya dahil akala niya siya ang pinapatawag.
Sana nga kayo na lang ang pinatawag.
Walang gana kong inayos ang mga gamit ko at bumaba, palapit kay Prof. at nag-bow muna ako ng bahagya bago lumapit kay Miss Flores.
"Ano raw pong kailangan sa akin?" mahinang tanong ko.
"Please follow me, Ms. Santos," nakangiting sabi niya bago naunang maglakad.
Napipilitan akong sumunod dahil alam kong si Mr. Relish na naman iyon, kasi sino pa ba, 'di ba? Hindi ba siya napapagod kababanta sa akin? Dami niyang time na sinasayang sa akin.
Nakayuko lang ako habang nakasunod kay Miss Flores. Kumunot ang noo ko nang makitang hindi kami sa office ni President Martinez papunta pero hindi na ko nagtanong at nanatili na lang na tahimik na sumusunod sa kaniya.
"Ann!" Kaagad akong napatunghay nang may pamilyar na boses na tumawag sa akin.
"Tita Blee?"
Kaagad siyang lumapit sa akin at yumakap habang ako naman ay hindi makagalaw dahil sa gulat. Nakangiti siya sa akin, malayong malayo sa mukha ng asawa niya tuwing nakikita ako.
"Ako nga!" masayang bulalas pa niya.
"Thank you, Miss Flores," baling niya kay Miss Flores. Tumango naman ang huli bago umalis.
"Ano pong ginagawa niyo rito, Tita Blee?" takang tanong ko sa kaniya.
"Awww hindi mo ba ako na-miss?"
Bigla akong nag-panic dahil biglang lumungkot ang tono at mukha ni Tita. "A-Ah, hindi naman po sa gano'n–" Hindi ko alam kung anong sasabihin ko dahil baka na-offend siya sa tanong ko.
"Kidding," bahagyang natatawang bawi niya.
Isinakbit pa niya ang braso niya sa braso ko bago nagsimulang maglakad lakad dito sa garden ng campus, sumabay din ako sa kaniya sa paglalakad.
"Sorry if I have to excuse you in your class," panimula ni Tita Blee.
"Okay lang naman po, Tita," sagot ko kahit wala akong idea kung bakit siya nandito at kung anong sadya niya sa akin.
"I want to go straight to the point, hija." Tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin.
Seryoso ang mukha niya kaya kinabahan ako. Mukhang alam ko na kung saan ito patungo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko habang nakatingin lang nang diretso sa akin.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...