"Napadaan sa sabungan..."
Napailing-iling na lang ako sa kanta ni Paulo. Narinig lang naman niya 'yan kanina sa nadaanan naming bahay, na-LSS na masyado. Naglalakad kami ngayon papasok sa campus. Magkasabay kami dahil gusto raw niya sumabay.
"Nang aking tingnan, manok maputla, mukhang talo na..."
Parehas pa kaming natawa dahil sa pagpalit niya ng original lyrics. Abala kami sa pagtawa nang mapansin namin na parang may pinagkakaguluhan ang mga batang hamog sa may di kalayuan.
Hindi na sana namin papansinin ni Paulo 'yon, ngunit nakita naming may tao silang pinagkakaguluhan doon. Mula sa kinatatayuan namin, nakita kong may pinapalibutan sila malapit sa isang kotse.
"Paulo, tingnan natin," aya ko kay Paulo at hinila siya palapit doon.
"Chismosa ka na pala ngayon?" tanong pa niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tara na," biglang sabi niya at nauna pa sa akin maglakad pagkatapos ko siyang samaan ng tingin.
Sa tingin ko ay nasa apat hanggang lima ang mga batang hamog na nandoon. Nakalagay ang mga tsinelas nila sa siko at nakayapak.
"Hoy!" sigaw ni Paulo kaya lumingon sa amin ang mga batang hamog. "Ano 'yan, ha?!" Nakapamewang pa siya ngayon na akala mo isang superhero.
"Takbo!" sigaw ng isa sa mga bata at kaagad na nagtakbuhan naman ang mga bata papalayo.
"Hala! Hoy! Nagtatanong lang ako!" angal ni Paulo. Lumingon pa siya sa akin bago muling tumingin sa mga batang tumatakbo papalayo. "Ba't kayo natakot sa kasama ko?!" pasigaw na habol pa niya.
Nakapamewang pa siya habang kunot-noong nakataas ang tingin sa mga bata. Epal. Habang si Paulo ay abala sa mga kalokohan niya, minabuti kong tingnan kung anong pinagkakaguluhan ng mga batang hamog kanina.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Timothy Blake na nakasandal sa hood ng sasakyan niya. Nakahawak pa siya sa tagiliran niya. Kaagad naman akong nag-alala at lumapit dahil baka may saksak siya roon. Iba rin kasi ang ugali ng ibang batang hamog dito sa daan, malapit sa tulay.
Akmang magtatanong na ako kay Timothy, nang magsalita na naman si Paulo at ganoon pa rin ang posisyon niya. "Mabait naman 'tong kaibigan ko. Broken hearted nga lang!"
"Hoy!" inis na sigaw ko kay Paulo.
Lumingon siya sa amin at bumalik ang tingin ulit sa mga bata pagkatapos ay mabilis na lumingon pabalik sa amin. Nakasimangot siya habang nakatingin sa amin ni Timothy Blake.
Bumaba ang tingin niya sa kamay ko kaya napatingin ako roon, hindi ko namalayan na nakahawak pala ako sa kamay ni Timothy Blake habang hawak niya ang tagiliran niya. Kaagad akong umatras nang bahagya nang matauhan ako.
"May saksak ka?" kaagad kong tanong.
"A-Ah, wala. Masakit lang," umiiling na sagot ni Timothy Blake.
"Ano bang nangyari riyan?" matabang na tanong ni Paulo kay Timothy Blake. Alam kong may galit pa rin siya dahil sa nangyari noong party ni Shane.
"Malakas palang manuntok ang mga batang 'yon," natatawang sagot ni Timothy Blake. Halata namang iniiwasan niya ang tingin ni Paulo. Palihim akong natawa dahil takot pala siya sa bestfriend ko.
"Magaling kang sumuntok ng iba pero nasaktan ka sa suntok ng mga batang 'yon?" tanong na naman ni Paulo.
"Malay ko bang susuntukin nila ako. I thought they just want spare changes," Timothy Blake replied at bahagyang nagkakamot ng ulo.
"Ano bang ginagawa mo rito?" sabat na tanong ko.
"Nasiraan ako, e'," he answered as he pointed to his car beside us.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...