For the past days, naging busy kami sa paglilinis at pagre-renovate ng bagong tindahan ni Mama. Gamit ang ipon ko, namili rin kami ng ilang kailangan. Tutol si Mama roon, pero dahil kailangan ay wala siyang nagawa.
Bukod sa pag-aasikaso sa bagong tindahan, abala rin ako sa trabaho. Dahil nagastos ko ang halos kalahati ng ipon ko, kailangan kong mas magsipag para mabawi ang mga nagastos namin. Mas nagpo-focus na rin si Mama sa tindahan at kaunti na lang ang mga labadang tinatanggap niya habang hindi pa talagang nagbubukas ang tindahan namin.
I was pulled out from my reverie when the school bell rang. Hindi ko na kailangan magmadali dahil saktong nasa tapat na ako ng room namin. Ethics ang course na papasukan ko ngayon at ito ang unang meet namin. Though, we know already na si Prof. Chester ang professor namin sa course na ito. Sa college, imposibleng isang beses mo lang magiging instructor ang isang prof. sa isang college o department, unless, of course mag-shift sa ibang college.
Pagkapasok ko sa classroom, dumiretso agad ako sa gilid, sa usual spot ko. Although, GE subject ito, minor subject, hindi ko kaklase si Paulo dahil sa kabilang class siya napunta. Sa gilid ako palagi, kapag wala si Paulo sa klase kung nasaan ako. Because, of course, ako ang didistansya sa mga spoiled brat na heir at heiress ng mga malalaking companies ng parents nila. Ayoko maubos ang energy ko sa pakikipagkapwa tao sa mga katulad nila.
When I reached my spot, nahagip ng mata ko si Timothy Blake right after I put down my bag and sat on my chair. Kakapasok lang din niya sa classroom at halos kasunod si Prof. Chester. This is the same classroom we used last semester sa klase ni Prof. Chester kaya sa same spot din siya umupo.
"Settle down now, class." Prof. Chester stood sa unahan and my classmates then settled down.
"We don't need an introduction anymore, do we?" Since no one spoke, at dahil wala namang transferees and shifters sa klase namin, we didn't do the introductions anymore.
"Ethics basically tackles the concept of right and wrong..." Prof. Chester officially started our second semester.
The discussion then started. Tahimik lang akong nakikinig sa discussion, and it's basically the introduction of Ethics and I do admit na tinatamad ako makinig ngayon, pero wala naman akong choice.
Kusang gumalaw ang mata ko at lumingon sa lugar kung nasaan si Timothy Blake only to find out that he's looking at me, intently. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya because of his usual emotionless face.
Hindi niya inalis ang tingin niya sa akin even though he knows that I caught him red-handed. His eyes were deep. His face might not say anything, but his eyes do.
Nang hindi ko matagalan ang mariing titig niya, nag-iwas ako ng tingin at nagkunwaring nagbabasa ng notes ko kahit blankong papel lang iyon. Bukod sa mga nangyari noon, sa convenience store, sa hallway, at sa cafe, hindi na muli kaming nagkita dahil siguro pareho kaming busy sa kaniya-kaniyang buhay. Hindi ko rin masasabi na close kaming dalawa dahil iilang beses pa lang kaming nagkakausap.
"For your first activity..." Bumalik ang atensyon ko kay Prof. Chester nang dumako kami sa usapang activity.
"You're going to do a reflection paper consist of five papers–" Hindi pa natatapos ang sinasabi ni Prof. Chester ay umangal na kaagad ang mga classmate ko.
"Fine, tatlo na lang. Spoiled na spoiled na kayo sa akin ha," natatawang angal ni Prof. Chester at may mangilan-ngilang tumawa.
"Again, you're going to do a reflection paper consisting of three papers, discussing your point of views and life in the city. And of course, I need to see the nature of morality in your paper." It seems like a normal and basic reflection paper, but it's not, mahigpit sa criteria si Prof. Chester.
BINABASA MO ANG
Love From The Other World
RomanceAmidst the never ending blur of hurried footsteps and fleeting glances, there exists Zyrille Ann Santos-a perpetual motion machine driven by relentless pursuit of financial stability. From dawn to dusk, Zyrille's life unfolds in a flurry of deadline...