Chapter 2

893 8 0
                                    

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Iilang oras lang ang tulog ko dahil anong oras na rin ako natapos sa pag-aayos ng delivery kanina. Idagdag pa ang ilang araw nang kulang ang tulog ko dahil sa pag-aaral for our finals.

Bumangon pa rin ako dahil kung hindi, male-late ako, pati na ang mga kapatid ko. Nagluto ako ng umagahan at ihinanda ang uniform ng mga kapatid ko habang si Mama naman ay nagluluto na rin ng paninda na ilalako niya mamaya.

"Anak, wag mo kakalimutan bumili ng gamot mo, ha," paalala ni Mama bago ako umalis ng bahay.

Ihinatid ko na muna ang mga kapatid ko bago ako pumasok and I still have half an hour bago magsimula ang klase ko. Walking to the campus is harder today dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at bahagyang naliliyo rin.

Nawala sa isip ko ang bumili ng gamot sa tindahan at naalala ko lang when I reached the campus' gate. Hindi ko na naisipang bumalik dahil nahihilo na talaga ako kaya sa clinic na lang ako hihingi.

Nasa hallway na ako papunta sa clinic nang may biglang bumunggo sa akin, halatang intentionally dahil malakas iyon at may pwersa. Nag-angat ako ng tingin at nakita ang tatlong babae. Pare-parehong nakataas ang kilay nila habang nakatingin sa akin. Hindi na ako makatayo nang ayos at nakahawak na lang sa pader ng hallway.

"Bitch! Bulag ka ba para hindi mo makita kung sinong binabangga mo?" Malakas at maarte na sabi ng mataray na babae sa gitna.

I don't even know these three girls, might as well name them girl 1, 2, and 3.

"Oh," the second girl laughed as she looked at me from head to toe. "She probably is bulag. Look at her and her clothes. She's obviously one of those rags pretending to be rich at pilit na pinagsisiksikan ang sarili here sa campus."

"Tsk, come on." The girl one groaned at muling tinaasan ako ng kilay. "Slapsoil na bulag, hindi ka pa ba kikilos para halikan ang paa ko? Naiinip na ako rito."

Napairap na lang ako. Kung hindi lang talaga ako nahihilo at kung hindi masama ang pakiramdam ko, talagang aalisan ko sila rito. Hindi na lang ako umimik, at never kong gagawin ang sinasabi niya. Yes, we're not rich pero hindi ako binuhay ng magulang ko para apak-apakan lang nila.

Dumarami na ang mga estudyante sa paligid and these three bitches were enjoying the attention. They even show their ugly grin tuwing madadagdagan ang estudyanteng nakiki-usyoso sa paligid.

"Pwede pakibilisan? Naiinip na rin ako rito," dagdag ng pangatlong babae.

"Ano pa bang wine-wait mo, slapsoil? Kiss me sa sapatos ko," the first one repeated, making me confused with her choice of words.

They were pressuring me to do things I don't want to. Ang paulit-ulit nilang sinasabi ay dumadagdag sa pagkahilo ko. Lalong umiikot ang paningin ko at alam kong sandali na lang ay susuko na ang katawan ko.

And suddenly, biglang nahawi ang mga estudyanteng nanonood sa akin at sa tatlong babaeng kaharap ko. Una kong nakita ang leather shoes na suot ng lalaking lumabas sa pagkakahawi ng mga estudyante. Inipon ko ang lakas ko para tumingala nang kaunti at tingnan ang lalaki. Si Timothy Blake... again.

Nakatingin siya sa gawi namin habang nakakunot ang noo at salubong ang kilay, pinag-aaralan ang nangyayari. Then he looked at these three bitches. "What the hell is going on here?" His deep and cold voice filled the hallway.

Gulat na napalingon ang tatlong babae at agad na bumakas ang takot sa mata nila. Out of fear, walang nakapagsalita sa kanilang tatlo.

Timothy Blake took steps palapit sa amin. The three girls tremble in fear pero pilit nilang di pinapahalata. They still want to keep their image kahit halatang takot din sila sa lalaki.

Love From The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon