Special Chapter

645 3 2
                                    

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa mukha at sa buong katawan ko. Makulimlim din ang langit na nagbabadya ng hindi magandang susunod na pangyayari.

Tahimik akong nakatayo sa likod ng mga kapatid ko at katabi si Mama habang nakatingin sa lapida ng itinuring kong tatay.

In loving memory of Roberto Santos

"Papa, alam mo po ba lilipat daw kami ng school ni Kuya. Tapos naging malaki na bahay po natin," pagkekwento ni Yanna habang nakaupo sa mga damo at hinihimas ang lapida ni Papa.

Tahimik lang kami nila Mama at Xian habang si Yanna ay kinakausap ang puntod ni Papa. "May bago pong mama at papa si Ate, Papa. Mabait po sila, Papa. Binigyan nila ko candy," kwento pa ulit ni Yanna na mahinang ikinatawa ni Xian at Mama.

Nakita ko ang pasimpleng pagpunas ng luha ni Mama. Bata pa lang at halos wala pang naiintindihan si Yanna sa mundo noong binawi nila si Papa sa amin.

Tatlong taon na. Tatlong taon na mula noong pinatay nila si Papa at hanggang ngayon wala pa ring nananagot sa nangyari.

"I promise to get justice for you, Papa. Pagbabayarin ko sila sa pagpatay nila sa ' yo," I silently talked to Papa.

Umihip ang malamig na hangin at nagbagsakan pa ang ilang tuyong dahon mula sa puno.

"Miss Angel, handa na po ang sasakyan."

Napalingon ako sa bodyguard na lagi naming kasama dahil na rin sa kagustuhan ni Daddy. Tumango ako sa kaniya bago sinenyasan ang mga kapatid ko na aalis na kami. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang mag-ring iyon. It was Mommy Angela.

[Hey, my Angel! Pauwi na ba kayo? I have a surprise for you!]

"Yes, mommy. We're about to go now na po."

Nasa sasakyan na agad sila Mama at ang mga kapatid ko dahil malapit lang naman sa amin ang pinagparadahan niyon.

[Okay, see you later, my Angel.]

Hindi ko rin napigilan ang ngumiti. "See yah, mommy. I love you."

[Love you too, my angel.] She then ended the call.

Tumingala ako sa makulimlim na langit at dinama ang malamig na ihip ng hangin. Pumikit ako at nakita ko ang mukha ni Papa. Nakangiti siya pero may kakaiba sa ngiti niyang iyon. Masaya ngunit hindi puno ng saya ang ngiti niya.

"Maayos at tahimik na ang lahat, Pa. Tapos na, Papa," I whispered in the cold air.

Nagsimula na akong maglakad papalapit sa sasakyan pero biglang may batang tumawag sa akin. "Ate, Ate!"

Lumingon ako at nakita ang isang bata na sa tingin ko ay nagpapalaboy-laboy dito. Nakasuot siya ng lumang sando na may mga butas at dumi na. May inabot siya sa akin na papel.

Naguguluhan man ay kinuha ko iyon. "Ano 'to?" tanong ko pa sa kaniya.

"Hindi ko po alam, e'. Inutos lang po sa akin na ibigay sa inyo sabi nung lalaki sa kotse," sagot niya at umalis na rin.

Agad kong tiningnan ang buong paligid. Wala ng ibang tao o sasakyan ang nandito bukod sa amin. Tanging paghampas ng hangin sa mga puno at ang paglaglag ng mga tuyong dahon lamang ang nakikita ko.

Nakita kong tumatakbo ulit ang bata papunta sa akin. Napansin kong may hawak na naman siyang papel.

"Ate, may nagpapabigay po ulit," hinihingal na sabi niya at inabot sa akin ang pangalawang papel.

"Sino?" kunot-noong tanong ko.

"Yung manong po roon." Lumingon siya sa malaking puno, di kalayuan sa amin kaya lumingon din ako. Pero lalo akong nagtaka nang makitang wala namang tao roon.

"Ay nawala," gulat na sabi niya pa.

"Ang sabi lang po niya, iabot ko raw 'yan sa ' yo," sabi niya sa akin bago muling umalis.

Kunot-noong pinagmasdan ko muli ang paligid pero wala akong ibang makita bukod sa mga kasama ko. Naisip ko na baka pinaglalaruan lang ako ng bata kaya binuksan ko ang papel. Una kong binuksan ang papel na binigay niya na galing daw sa lalaking nasa kotse.

'Kung akala mo tapos na, magsisimula pa lang kami.'

Bahagya kong nalukot ang papel nang mapansin na may bahid 'yon ng dugo. Kung sino man ang lalaking nasa kotse na tinutukoy ng bata, hindi ko siya kilala at wala akong idea yung sino siya pero sigurado akong delikado siyang tao.

Mabilis kong binuksan ang pangalawang papel na inabot ng bata. Malinis iyon, hindi kagaya ng nauna.

'Mag-ingat ka sa mga nakapaligid sa 'yo, hindi lahat sila ay totoo.'

Hindi ko alam kung may koneksyon ang dalawang pinagmulan ng papel o kung iisa lang ang nagbigay nito. Tuluyan kong nilukot ang dalawang papel.

Nararamdaman ko ang nagsisimulang galit sa loob ko. Mahigpit ang pagkakasarado ng kamao ko. Hindi ko na hahayaan maulit lahat ng nangyari dati.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa malaking puno na sinasabi ng bata kanina. May nakatayong lalaki doon. Hindi ko makita ang mukha niya pero nasisiguro kong lalaki siya base sa hugis at laki ng katawan niya.

Nakasuot siya ng itim na hoodie at itim na cap. Madilim sa lugar na kinatatayuan niya kaya hindi ko siya makilala. Muling umihip ang malakas at malamig na hangin habang nakatingin ako sa lalaking naka-itim.

"Miss Angel?"

Gulat akong napalingon nang tawagin akong muli ng bodyguard ko. Nakatingin sa akin sila Mama mula sa nakabukas na bintana ng sasakyan.

"Coming," I said.

Lumingon akong muli sa malaking puno na kinatatayuan ng lalaking nakaitim kanina pero wala na siya roon. Tumalikod na ako at sumakay ng sasakyan, with that two paper in my mind.

My real parents wanted to change my name and they did.

They named me Angel, my real name, but I think it's not suitable for me. Or is it?

An Angel seeking vengeance. 

Love From The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon