Chapter 22

399 2 0
                                    

"Zyrille?"

"Hmm?" I hummed as a response to Timothy Blake.

Abala ako sa pagta-take down notes habang ang katabi ko naman ay walang pakialam sa lectures namin at sa professor na nasa unahan.

"Can you go with me after class?" tanong niya habang pinaglalaruan ang buhok ko.

"Saan?" tanong ko kahit hindi lumilingon.

"Ahmm, somewhere in..." Hindi niya maituloy ang sasabihin.

Nilingon ko siya habang naghihintay ng sasabihin niya. He kept on playing with my hair while thinking whether to say it or not. "Secret," he said at kaagad na dinagdagan. "But not in our secret place."

"What for?" takang tanong ko sa kaniya. "May pupuntahan ka?" dagdag na tanong ko pa dahil baka gusto lang niya ng kasama.

"Obviously, it's a date," he awkwardly said at bahagyang nag-iwas ng tingin.

"Oh?" Iyon lang ang nasabi ko.

So, this is how he asks for a date? I chuckled because I found it cute.

"Look. I told you last time that I want to date you but my flight got delayed so I don't have the time to prepare and yesterday I told you that I'm doing something and... yeah, that's it," mahinang paliwanag ni Timothy Blake as he scratch the back of his neck at hindi rin siya makatingin sa akin.

"You know what, you can explain without blushing," mahinang pang-aasar ko kasabay ng mababaw na tawa.

Pilit pa niyang tinatago ang mukha mula sa akin pero pilit ko iyong tinitingnan habang mahinang natawa. I was about to poke his cheeks when he suddenly face me, leaving a small space between our faces.

"Stop teasing me or I'll kiss you?"

Kaagad akong umayos ng upo nang maintindihan ko ang sinabi niya. Kinuha ko rin ulit ang ballpen at humarap sa unahan kung nasaan ang professor namin. "After class, we're going somewhere," I said without looking at him, which made him chuckle.

Kinuha niya ang free hand ko at nilaro iyon habang nakatungo siya sa desk niya, facing me. Bahagya pa akong nahiya dahil nakatitig lang siya sa akin for the whole time while waiting for our class to end. Abala ako sa pagsusulat habang si Timothy Blake naman ay walang ibang ginawa kundi halikan ng paulit-ulit ang free hand ko.

Kaagad na napangiti si Timothy Blake nang mag-ring ang bell dahil huling class na namin ito sa buong araw. Tinulungan pa niya kong magligpit ng gamit. He immediately holds my hands and slightly drags me out of the room.

"Aware ka naman siguro na pinagtitinginan tayo, right?" mahinang sabi ko habang nakasunod sa kaniya. Hindi na naubos ubos ang mga matang nakatingin sa amin.

"Yes. I'm totally aware, from the very beginning," nakangising sagot niya na kumindat pa sa akin habang patuloy kami sa paglalakad.

Sanay kasi akong hindi pinapansin ng madami kapag ako lang kaya hindi ko na rin tinitingnan ang nakapaligid sa akin pero simula nang makita nila kami ni Timothy Blake na magkasama, laging nasa amin ang mata nila. Lalo na ang mga babae na halos naka-taas lagi ang kilay sa akin. Aahitin ko 'yan.

Medyo nahihirapan na rin ako dahil mabilis maglakad si Timothy Blake at dahil hawak niya ang kamay ko, nadadala niya ko. Excited much?

"Hindi naman halata na excited ka, 'no?" natatawang tanong ko.

"Baka malate tayo," natatawang sagot niya habang papasok kami sa parking area.

Kaagad kaming pumasok sa kotse niya nang makalapit kami roon. He even guide me habang pasakay sa passenger's seat kahit kaya ko naman. Binuksan na rin niya agad ang makina ng sasakyan nang makaupo siya sa driver's seat.

Love From The Other WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon