This chapter is dedicated to one of my best friend RoshhhAntonio . Thank u sa pag babasa mo teh! Huhu!!!
- Calsen's Pov -
Nandito ako ngayon nakatayo padin sa harapan ni Mr Valdez. Kanina pa siya diyan at hindi alam ang sasabihin. Hinihintay ko siya pero naiinip na ako. Rude mang pakinggan, eh sa naiinip ako eh.
"Kung wala ka naman plang sasabihin eh mauuna ako sayo. Sige na, salama-" ang sabi ko sakaniya na agaran niya ring pinutol.
"Pwede bang ako nalang ang mag tour sayo ng school natin?" Ang sabi niya saakin at tinignan ko naman siya ng tingin na nag sasabi ng "what do you mean". Napakamot siya sa batok niya na I must say na cute at bakit lahat ng lalaki pag nahihiya napapakamot sa batok. Hmmm.
"Narinig ko kasi ba nag papasama ka kay ner- I mean sa katabi mo na mag palibot sa school kanina. Kaya ah...ehh...pwede bang ako nalang mag libot sayo?" Ang sabi niya saakin na tila bang hiyang hiya saakin.
"Paano kung sabihin kong ayaw ko? Diba kasi hindi pa naman kita kilala mamaya kung ano pa mangyari saakin. I mean, don't get me wrong ah. Nag iingat lng." Ang sabi ko sakanya na tunog pabiro na may seryoso. Basta yun. Kahit naman pog- OO NA POGI NA SIYA MARUPOK AKO ANO VAH! Ayun na nga kahit naman pogi siya syempre mag papabebe muna ako.
"Ay, ganon ba? Pero nga pala ako si Jayzer Valdez mabait naman ako saka pog- este okay lng naman saaking kung ayaw mong ako mag tour hehe." Ang sabu niya saakin na tila nag papa cute.
Eneve weg keng genyen (ano ba huwag kang ganiyan) marupok pa naman ako pag dating sa mga pog- char! Hays, sige na nga tutal need ko naman ng mag tu tour saakin hihingi nalang ako ng pasensya kay Drew kung inaakala niyang iniwan ko siya sa ere.
"O siya sige na sasama na ako sayo basta ba wala kang gagawing masam- I mean OO NA." Ang sabi ko sa kaniya na parang napilitan pero deep inside natutuwa ang bakla. (Lagot ka sa kuya mo) shut up author moment ko to.
"Yes!" sigaw ni Jays (Jayz nalang tawag ko sa kaniya para maiba) na talaga namang nag pagulat saakin. Akala mo nanalo ng lotto eh.
"O siya, saan mo ba muna ako dadalhin. Ang gusto ko sana is yung sa parte muna ng school na mas importante gaya ng library mga ganon." Ang sabi ko sa kaniya na paranf excited sa mangyayari. Talaga namang nakaka excite lalo pa at pogi ang kasama ko. Kyahhh!! Ayan na lumalabas na ang kalandian.
"Okay, tara!" Ang sabi niya sabay hilas sa kamay ko at takbo ng mabagal. Biglang bumilis ang tibok ko sa nangyayari. Hays bahala na.
Nag patianod nalang ako sa pag hila niya saakin naiilang man ako pero hindi padin naman maiaalis na matuwa dahil nakatagpo ako ng isang kaibigan.......
- Jayzer's Pov -
Mga pre! Sobrang saya ko kasi pumayag siya na ako na ang mag libot sa kaniya sa school namin na ito. Worth it ang pag katumba namin kanina. Although syempre nag alala padin ako sakaniya no. Pero ayun na nga mga pre! Kung hindi dahil sa sinadya kong mag patulak ay hindi ko siya mabubuhat ng pa bridal style, hindi ko din siya makakausap kanina kahit na parang nabubulol ako kanina sa harapan niya at ang pinaka WORTH IT ay ang mahawakan ang kamay niya gaya ngayon kung hindi dahil sa sinadya kong mag patulak. Worth it palang makaramdam muna ng sakit sa una. Try niyo na ah, dali.
Kasalukuyang hawak ko padin ang kamay niya habang patungo kami sa court ng school namin. Hindi pa naman niya pinupuna ang pag kakahawak sa kamay niya eh kaya mga tol! Susulitin ko na to. Ng makarating sa court ay manghang mangha siya sa nakikita niya ang ganda daw. Sunod dinala ko naman siya sa laboratory para kung may activity man kami na gaganapin dito ay alam niya kung saan siya pupunta at masasabi ko na tuwang tuwa siya sa mga nakikita niya. Ang ganda tuloy tignan ng mga ngiti niya. Ang cheesy mga tol. Ng magsawa kakatingin hinawakan ko ulit ang kamay niya at dinala ko siya sa library.
Kung ako lng ang tatanungin mas gugustuhin ko nga sana na huwag na siyang ilibot sa school para pag may pupuntahan siya na hindi niya alam saakin lng siya lalapit. SAAKIN LANG. Takte! Ewan ko talaga kung ano nangyayari saakin parang ang bilis wala pang isang araw ganto na ako.
Ng makaratingsa library kung ano ang tuwa niya sa laboratory ibahin mo sa mangha na pinapakita niya sa library may kislap ang mga mata niya na sibrang gandang tignan sa kaniya at kung ako lang ang tatanungin ay mas pipiliin ko nalang na titigan siya habang buhay. (Whoo corny mo Jayzer). Manahimik ka author!
Ayun na nga mga tol hinahayaan ko muna siya na mag libot at mag tingin sa library dahil mukhang enjoy na enjoy naman talaga siya. Seeing him like this makes someone really fall for him real hard. Ang genuine kasi ng mga ngiti niya. Sana maging maayos samahan namin after this...
- Calsen's Pov -
Kasalukuyang nandito kami ngayon sa library. Pinakita lang naman saakin ni Jayz yung mga lugar na alam niyang importante puntahan. Ngayon nga dito sa loob ng library ang pinaka favorite ko ata na pinuntahan namin. Grabe mga dzai! Ang amoy ng mga aklat na sobrang nakakaadik amuyin, katahimikan ng library na akala mo mistulang puna ng kapayapaan mga dzai! Grabe, iba talaga ang nabibigay na comfort saakin ng mga aklat.
Nandito padin kami sa loob at napansin ko na mukhang okay naman si Jayzer kasi kanina pa siya nakatayo sa malapit sa lamesa na nakatingin saakin at nakangiti na parang ewan. Parang tanga siya tignan sa itsura niya pera nga sister kong mga pretty! Huwaw!! Ang gwapo niyang tignan sa itsura niya ngayon! Hala dapat pure and innocent lang ako. Pero hindi ko talaga mapigilan na maakit sa kagwapuhan niya at.......kabaitan nadin siguro.
"Uh, nga pala may gusto pa akong ipakita sayo..." Ang boses ni Jayz na nag pagulat saakin (magugulatin talaga siya goiz pasensiya na).
"Sige, saan ba?" Ang tanong ko sakaniya habang lumalapit sa kaniya.
"Basta! Sumama ka nalang saakin." Ang nakangiti niyang alok at biglang hawak nanamn sa kamay ko at hila saakin na sobra talagang kinagulat ko nanamn. Ang hilig niya kasing manghila at manghawak ng kamay. Kaloka! Pabor naman saakin mga dzai pero syempre nakakahiya padin no! Kanina lang kami nag kakilala at hindi pa namin masyadong kilala ang isat isa eh.
Palabas na kami ng hallway ng bigla ko nalang tinanggal ang mga kamay ko sa mga kamay niya. Napatingin siya saakin na nag tataka at parang gulat sa ginawa kong pag hinto at pag tanggal ng kamay ko sa kamay niya....
So ayun na nga goiz! Sana m enjoy niyo ang chapter na ito. Dahil ako? Enjoy na enjoy ko ito nga dzai!
Thank u sa mga friends ko na supportive!!! Argh!!!
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...