Part 8 (Do Not Judge)

99 9 2
                                    

This chapter is dedicated to one of my best friend also JasmineCabal4.  Thank u sa pag babasa at pag support hehe.

Enjoy reading my Owls

- Calsen's Pov -

Kasalukuyang nakasandal padin ako sa pinto nang pinaghihian ko at nasa gilid ng ulo ko padin ang dalawang kamay niya na tila ba naka harang saakin para hindi ako makawala. Ang dami niyang tanong saakin at hindi ko alam kung anong uunahin ko. Saka ano naman ngayon kung may nagbibigay saakin ng mga regalo at ngingiti ako sa kanila? Bawal na ba ako mag pakita ng kabaitan. Ang rude naman sigurong tignan kung hindi ko man lang sila ngitian bilang pasasalamat, at bakit parang selos na selos siya na ewan? Ang babaw naman ng ikinagagalit nito.

"Alam mo-" Naputol biglang ang aking sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Believix, your magical-
Tunog ng cellphone ko at ang ringtone nito ay ang kantang Believix sa Winx Club. Fave ko kasi na palabos yun eh. Muntik na nga ako mapasayo kung hindi ko lang maalala na may kaharap pala akong taong parang naagawan ng bebe. Agaran kong kinuha ang cellphone ko sa aking bulsa at baka si kuya na ang tumawag at hindi nga ako nagkamali na si kuya nga. Agaran kong pinindot ang upang makausap si kuya. Napansin niya ata na importante ang tumawag kayo lumayo saakin ng kaunti si Jayzerz. Hay. Buti naman at marunong umintindi si tukmol.

"Princess, baka hindi na kita maka sabay sa recess mo at hindi tugma ang oras ng recess nating dalawa. Saka pala Princess baka hindi na kita mahatid mamaya kasi nag aya ang tropa." Ang mahabang sabi ni kuya sa kabilang linya.

"Hala! Okay lang yun kuya ano kaba saka malaki na ako kaya dapat sanayin ko nadin ang sarili ko sa pag commute. Hindi yung laging dumedepende ako sa inyo no!" Ang sabi ko naman kay kuya sa boses na sinasabi na kaya ko at hindi kailangan sainyo ako lagi ddedepende. Narinig kong bumuntong hininga si kuya napansin niya din sigura na pabor saakin at okay lang na hayaan niya ako na dumepende sa sarili.

"Hays. Ang laki na ni princess namin parang kailan lang. Pasensiya na talaga princess ah, nagkayayaan kasi ang mga tropa. Bawi talaga ako sayo. Papasalubungan kita ng tacos saka milktea." Ang madamdaming sabi ni kuya saakin at biglang nagpintog ang ulo ko sa sinabi niyang pag bawi. Kyahh!!! I can't wait.

Binaba ko na ang tawag matapos ako sabihan ni kuya na mag ingat daw ako at dapat daw uuwi ako sa bahay na walang galos ni isa dahil hindi niya daw mapapatawad ang sarili niya kapag daw umuwi akong kahit galos manlanv. Ang oa man pakinggan pero ramdam ko talaga sa boses niya ang pagaalala. Mahal na mahal talaga ako ni kuya at ganon din ako sa kaniya. Napangiti nalang ako sa usapan namin ni kuya bagkus parang nawala ito ng maalala na may kailangan pa pala mag explanation ko. Humarap ako kay Jayzer at humingang malalin bago mag paliwanag.

"Okay, ganto kasi yun Jayzer. Yung nakita mong mga regalo ay bigay saakin ng mga kaklase natin at yung pag ngiti ko sa kanila is my way for saying thank you. Diba? Ang pangit naman kung hindi ko sila papansinin saka sino ba ako para tanggihan ang mga binigay nila. Thankful nga ako at may nag reregalo saakin eh." Ang mahaba kong paliwanag kay Jayzer.

"Kung gusto mo pala ng mga ganon eh dapat sinabi mo saakin" Ang sabi niya na papalapit saakin hanggang sa isandal nanaman niya ako sa may pinto na nag pagulat saakin.

"Kaya ko naman ibigay sayo ang mga ganon. Ayaw ko na ulit makikita na tinatanggap mo ang mga binibigay nila sayo. Dahil una ako lang ang may karapatan na mag bigay sayo ng mga ganon, pangalawa dapat saakin mo lng pinapakita ang matatamis mong ngiti at pangatlo.......AKIN KALANG." Ang mahaba niyang sabi saakin sa sobrang lalim na boses. Hot pakinggan bagkus hindi ito ang tamang panahon para mag landi. Pag katapos niyang sabihin ang mga iyon ay bigla nalang siyang tumalikod saakin at lumabas ng Men's bathroom.

Calsen Rodriguez (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon