This chapter is dedicated to also, one of my best friend shaincl thank u sa pag babasa ng story ko and sa pag promote eme nadin hehe.
Enjoy reading guys!
- Calsen's Pov -
Ayun na nga goiz kasalukuyang nag lalakas kami ni Jasyzer ngayon at nasa likod niya ako ngayon nag lalakad habang siya ay nauuna saakin dahil nga sa sinabi niya saakin na may ipapakita pa daw siya saakin na lugar.
Kanina ang awkward ng mga pangyayari sa pagitan namin simula nung huminto ako at binitawan ang mga kamay niya na nagpataka sa kaniya. Nakatingin siya saakin na para bang nanghihingi ng explanation bagkus ang nasabi ko nalang ay "ano kasi, pwede bang mag lakad nalang tayo ng hindi hinihila ang mga kamay ko hehehe." Ang tila nahihiya kong sabi sa kaniya na tinanguan naman niya at nauna nang maglakad. Hala! Bakit parang nag tampo? Ang awkward nga naman ng ginawa ko eh. Nakakahiya kasi eh saka mamaya pasmado na pala nga palad ko tas hawal niya pa edi mas lalong nakakahiya yun mga dzai.
Ayun, kaya heto kami ngayon ako na nakasunod sa kaniya habang siya ay nauuna. Nag tatampo bato? Hala! Bakit naman siya mag tatampo. Parang babae naman to. Bahala na susundan ko nalang siya. Napapansin ko din na yung nilalakad namiy ay parang malayo na sa court ah. Mukha malayo layo pa ang lalakarin namin. Kaloka naman. Hindi niya ba alam na nakakapagod kaya to. Nakakahiya naman mag salita at baka masungitan ako ni Mr. Tampo haha.
- Jayzer's Pov -
Grabe parang napahiya ako kanina sa pag tanggal ng mga kamay niya ng biglaan. Parang sa ginawa niya kanina sinasabi ni hindi niya ako papayagan manlig- ay teka lang anong ligaw. Aish! Ano ba naman to. Ang kinaiinis ko pa sa pag lalakad namin sa sinasabi kong pupuntahan namin ay napapansin ko yung mga ibang estudyante na nag aaral dito na iba maka tingin kay Calsen. Bakit ba kasi ganiyan siya ka cute at maski sa pag lalakad niya pinag titinginan siya ang sasarap pag du dukutin ng mga mata eh.
Kasalukuyang nag lalakad padin kami pero huwag kayong mag alala malapit namab na ang sinasabi kong pupuntahan namin eh. Sana magustuhan niya ang lugar na ito dahil sa simula nag aral ako dito noong grade 7 ako ay na diskubre ko ang lugar na ito. Sana namn maganda siya sa lugar na ito gaya ng paghanga ko sa kani- este sa lugar na ito.
Nandirito na kami sa lugar. Humarap ako sa kaniya, pag kamita ko nakangaga ang mga labi niya at kumislap ang mga mata niya. Ang sarap niyang titigan sa itsura niya ngayon. Hindi ko masabi kung bakit bigla ko nalang naramdaman ito sa kaniya. Wala pang isang araw parang nahulog na ang loob ko sa kaniya. Parang ang gaan gaan agad ng loob ko. Siguro dahil nadin sa presensiya niyang maaliwas at sa mga mata niyang nangungusap na para bang sinasabi na tignan mo lang ito.
"Maganda ba?" Ang tanong ko sa kaniya.
"Oo ang ganda dito"
"Pero mas maganda ka"
"Ano? Hindi ko masyadong narinig"
"Ang sabi ko MAS MAGANDA KA" Ang pag uulit ko sa sinabi ko at ewan ko kung bakit ko pa inulit sa kaniya. Maski ako nagulat sa sarili ko. Parang kusa nalang bumuka ang bibig ko ng sinabi ko yun. Nang tignan ko siya ay nakayuko siya at parang namumula ang kaniya mukha. 3 points para kay Jayzer.
"Parang sira!" Ang sabi niya nalang na paranf kinikilig.
"Eto ang garden ng school. Onte lng ang tao dito at masasabi ko na nagagalak ako dahil na appreciate mo ang ganda niya kahit na luma na siya." Ang garden kasi na pinag dalahan ko sa kaniya ay ang garden na parang pinag lumaan nalang ng school bihira nalang ang mga tao dito at kung minsan nga isa ko lang eh. Ang garden na ito ay may malaking puno sa gilid na siguradong hindi ka tatamaan ng araw. Sa gitna naman ay may fountain na luma na napapaligiran ng mga halam pero maganda pading tignan. Mayroon ding mga bench na maayos pa namam.
Tinignan ko siya at bakas padin sa mukha niya ang mangha dito. Nilapitan ko siya at sa pangalawang pag kakataon ay hinawakan ko ang malambot niyang kamay at nag lakad pauna sa kaniya papunta sa puni upang maupo. Nag patianod na lang siya sa akin at hindi na pinuna ang pag hawak ko sa kamay niya na eksaktong eksakto sa kamay ko kahit magaspang ang akin.
Sabay kaming naupo at napatingin sa isa't isa at sa muling pag kakataon at nasilayan ko ang matatamis niya mga ngiti. Napangiti nadin ako sa kaniya. Siya na ang unang nag iwas ng tingin sabay harap sa harapan.
"Ang ganda naman dito. Ang payapang tignan. Ang sarap pakinggan ng simoy ng hangin na tila ba isang halele sa sino mang mahahanginan." Ang mahaba niyang lintanya na kina tango ko nalang.
Lumipas ang ilang minuto ay nagulat nalang ako ng parang may pumatong sa balikat ko. Ulo lng pala ni Cals- Teka ano? Ulo niya? Pero bakit? Grabe pre!!! Bumibilis tibok ng puso ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin din siya saakin sabay ngiti at patong ulit ng kaniyang uli. Parang sa ngiti niya sinasabi na komportable siyang kasama ako at sa isiping yun ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakangiti.
- Calsen's Pov -
Nandito kami sa lugar na sinabi saakin kani ni Jayz. Totoo ngang maganda ang lugar na ito at para bang maaliwas kahit na napag lipasan na ng panahon.
Ngayon heto ako nakahilig ang ulo ko sa balikat ni Jayz. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako naka hilig ngayon sa sarili ko. Siguro dahil sa kapayapaan at sayang nadarama ko ngayon. Saka ewan ko ba ang gaan agad ng loob ko sa lalaking e eto akala ko nga kanina na itutulak niya ako eh dahil nga diba sa bakla ako. Pero laking gulat ko nalang na hindi niya ako tinulak. Ang bait niya.
Ang gantong senaryo ay naiimagine ko lang dati sa pagbabasa at nakikita sa mga palabas pero eto ako ngayon nararanasan siya. Hindi ko man kasama ang taong mahal ko pero at least diba naranasan ko ang gantong pakiramdam at totoo nga na ang sarap sa pakiramdam na maranasan ito. Nakakapanibago pero nakakasabik maramdamang muli.
Sa pagmumuni muni namin dalawa at nagulat nalang ako ng biglang kumulo ang aking tiyan.
"Ggrrrrrlllll" (oh kulo ng tiyan yan rawr) tunog ng tiyan ko na kinaharap ng katabi ko. Para siyang natatawa at kalaunan ay humaglpak nalang siya sa tawa. Habang eto ako ngayon mga dzai! Hiyang hiya sa nangyayari. Hala! Nakakahiya naman talaga yun!! Wahhhh!!!
"Mukhang g-gutom kkana a-ta" ang natatawa niya pading bigkas na kinapula ng mukha ko at kinatango ko nalang. Kaysa naman mag inarte ako at mag tampo eh sa nangyari na at sa totoong nagugutom naman talaga ako eh.
"O siya tara na punta na tayong cafeteria nagugutom nadin ako" Ang sabi niya saakin na hindi na tumatawa bagkus nakangiti na tinanguan ko nalang. Nauna na siyang mag lakas at sinabayan ko na ang lakad niya dahil sa nagugutom nadin ako at ayaw ko ng mag pahuli.
Naglakad pa kami ng ilang minuto bago ko makita ang bukana ng court ng school namin. Nagugutom na talaga ako hindi ko na kaya. Sa pag lalakad namin may tao akong naaanig na papalapit sa direksyon namin at habang papalapit ng papalapit ito ay naaninag ko si kuya nginitian ko eto bagkus nabura nalang ang ngiti ko matapos makita ang parang galit na mukha ni Kuya Celsin ko, papunta sa direksyon namin.
Bigla itong huminto sa harapan namin at sabay tingin ng masama saakin at biglang tingin ng MAS masama sa katabi ko. Hala patay. Hindi naman nag patalo ang kupal bagkus bago pa mainis ang kuya ko humarang na ako kay kupal.
"Ku-" ang pag putol niya sa sasabihin ko.
"Saan ka galing?! Alam mo ba na kanina pa kita hinahanap?!? Na kanina pa ako paikot ikot sa school upang hanapin ka?! Diba ang sabi ko sayo na hintayin mo lang ako sa loob ng classroom niyo pero eto ka at may kasama ka pang lalaki!!" Ang galit na galit na sabi saakin ni kuya ko. Lalapitan na san siya ni Jayzer pero pinigilan ko nalang ito.
"Kuya nag pasana lang namn ako kay Jayzer na mag libot sa buong school" ang sabi ko sa kaniya.
"Edi dapat hinintay moko at ako ang mag lilibot sayo. Halika na! At uuwi na tayo. At ikaw lalaki ka ayawna kitang makita na kasama ng kapatid ko" ang nanggigigil na sabi ni kuya saamin. Sabay hila sa akin upang palakarin habang nasa likod ko siya na galit na galit padin.
Humarap ako muli sa likod ko at tumingin kay Jayzer sabay bulong sa hangin ng "sorry".
Wah!!! Eto na ata ang pinaka mahabang chapter na nasulat ko mweheheh. Hope you enjoy this chapter dahil na enjoy kong sulatin eto hehe. Wait ulit kayo sa ud.
Also, dont foget to hit the star and commeng down below hahahah!
Have a nice day!
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...