Part 13 (Babe Mo Mukha Mo)

71 7 1
                                    

Enjoy Reading!



-Jayzer's Pov-

Nakahiga kami ngayon dalawa ni Calsen sa kaniyang kama pag katapos naming sumayaw dalawa.
Yung una pa nga ayaw pa akong makatabi pero kalaunan nakasiksik na saakin. Ang cute nga eh.

Pero nga pala kanina din pag tapos naming sumayaw pinagsabihan niya ako na huwag ng uulitin yung ginawa niyang paghalik ko sa kaniya kung pinagtitripan ko lang naman daw siya. Saka kalimutan ko nalang daw yun na parang hindi nangyari. Hindi ko maipapangako na hindi ulit siya halikan dahil unang una hindi namn yun pantirip at MAS lalong hindi ko naman kakalimutan yun. Pero imbes na sumagot sa kaniya tumango na lamag ako.

Hindi pa eto ang tamang oras para umamin ako sa kaniya.

Eto nga at nasa tabi ko siya habang nakalagay ang kamay ko sa ulo ko habang siya ay nakahiga sa mga braso ko. Masasabi ko talaga na para kaming mag kasintahan sa lagay namin ngayon. Pero hindi pa eh. Pero malapit nadin 'yan.

Hinahaplos haplos ko lamang ang kaniyang ulo upang makatulog na siya. Ngayon na katabi ko siya para bang ang init ng katawan niya ay may kung anong dalang emosyon para saakin. Ang munting pag yakap niya saakin na para bang nagsasabi na gusto ko ito na matagal ko ng ninanais na maramdaman ito. Para bang ganon.

"Salamat pala at pinagbigyan mo akong maisayaw ka at mayakap ka ngayong gabi."

"Hmmm...minsan lang to noh! Saka huwag mong kakalimutan na magkaibigan tayo. Walang malisya hehe."

"Ahh sabi ko nga. Pero pag niligawan kita akin kana" Ang tila bulong ko na alam kong hindi niya maririnig.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay nag ku kwentuhan lang kami ng mga bagay bagay tungkol sa aming sarili. Ang dami kong nalaman tungkol sa kaniya at ganoon din siya saakin. Hindi ko talaga makakalimutan ang gabing ito.

"Alam mo ba-" Hindi ko na, naitulog ang aking sasabihin ng marinig ko ang munting hilik niya.

Sinilip ko siya at nakitang mahimbing na nga ang pagkakatulog nito. Matapos ang isang minuto tinanggal ko na ang pagkakaunan niya sa mga braso ko at ayaw ko naman na maabutan kami ng mga magulang niya sa ganitong posisyon. Sa guest room padin ako matutulog.

Tumayo na ako at lumapit sa kaniya. Hinalikan ko siya sa kaniyang noo. "Gusto kita, aish! Mahal na ata kita" Ang muling bulong ko sa kaniya. Masisigurado ko na mapapa saakin kadin. Ang sabi ko sa sarili ko.

Tinitigan ko muna ang maamo niyang mukha saka naglakad upang bumalik sa guest room na tutulugan ko.

Nandito na ako sa guest room at nakahiga na ako sa kama. Onteng muni muni lang at balik tanaw sa mga nangyari sa kanina. Masasabi ko na etong gabing ito ay tila ba napakarami ng naganap sa pagitan namin ni Calsen. Una ang paghalik ko sa kaniya ng biglaan, pangalawa ang pagsaway namin habang umuulan at nong pagyakap namin dalawa sa kama niya. Eto talaga ang gabing hindi ko makakalimutan.

Sa pagbabalik tanaw ko hindi ko nalang namalayan na nilamon na pala ako ng dilim at hanggang sa panaginip ko kasama ko padin ang taong nagugustuhan ko.











-Calsen's Pov-

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm. Naririnig ko padin ang pag buhos ng ulan pero hindi na ito ganoon kalakas kaysa kagabi. Pero malakas padin naman pero katamtaman lang pero kasi malaka- aish! Basta alam niyo nayun.

Nagayos na ako ng aking sarili para makababa na. May pasok kaya kami ngayon? Ang tanong ko sa sarili ko.

Nang matapos na ako makapag ayos ng aking sarili. Bumaba na ako upang makapunta na sa kusina at makapag almusal. Nag taka naman ako ng hindi ko na naabutan doon si Jayzer. Umuwi nadin siguro.

Calsen Rodriguez (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon