Enjoy Reading!!!
-Jayzer's Pov-
Ngayon nga ay nasa loob na kami ng kotse ko ni Clasen patungo sa among private beach resort para mag pa lipas ng aming weekdays at makapag relax nadij dahil sa naging busy kami sa mga school works.
Masasabi ko na, nasa kalahati na kami ng daan papunta sa pupuntahan nalin. Siguro mahigit tatlong oras din ang byahe namin. Nung una napaka hyper nitong katabi ko sayaw nang sayaw sa upuan at kanta nang kanta. Siguro napagod kaya nakatulog diyan sa upuan niya. Mapapasaakin kadin.
Hindi naman ganoon ka interesting yung mga dinadaanan namin. Bukod sa mga puno at iilang dagat lanag naman ang aming mga dinadaana. Kaya siguro naka tulog din itong isa bukod sa napaka hyper na bored nadin siguro kaka tingin sa labas.
Pinag patuloy ko lang ang aking pagmamaneho at kung minsan ay pa naka nakang tingin sa baby kong hanggang ngayon ay mahimbing pading natutulog.
-Calsen's Pov-
"Babe gising na, nandito na tayo." Naalimpungatan ako ng maramdaman ko na may tumatapik saakin at humahaplos sa buhok ko.
"Mag ayos kana ng sarili mo namdito na tayo." Ang dinig kong sabi ni Jayzer at umalis na sa panggigising saakin.
Pinunasan ko lamang ang aking mata para magising nadin ako at tamang suklay lang saaking buhok. Dapat presentable padin tayong tignan. Mahirap na.
Bumaba na ako ng sasakyan at naabutan na bitbit-bitbit na ni Jayzer ang maliit na maleta na dala ko. Kukuhanin ko na sana kaso nilalayo niya ito saakin. Onte lang naman dala naming dalawa siya isang bag lang naman. Siguro may mga damit nadin siga dito sa rest house nila na beach.
Speaking sa private beach house nila. Hindi ko maipag kakaila na sobrang payapa at maaliwalas ang lugar na ito. Sigurado ngang makakapag pahinga talaga ang mga taong pupunta dito. Dahil bukod sa katotohanang sagrado ang lugar na ito, yung mga pupunta lang ata ang nakakaalam na may tao dito dahil masasabi ko na sobrang private nga talaga nito.
Nag lakad kami papasok sa may kahoy na bakod at may guard na, na kabantay dito. Nginitian at tinanguan lang naman niya si Jayzer at binuksan ang bakuran.
"Kuya yung pinapagawa ko sayo ah." Ang sabi ni Jayzer ng makatapat namin si manong guard na nginitian ko nalang din.
Ano kaya yung pinapagawa nitong kupal nato? Kakapunta lang namin nanguutos na agad. Grabe talaga. Bahala siya mag o obserba nalang ako sa mga tanawin
Ngayon nga at nakapasok na kami dito sa private beach house nila Jayzer. Masasabi ko na hindi naman ganoong kalakihan ang bahay dito. Yung bahay nila dito ay gawa sa kahoy at tamang tama lang sa tema na talagang pang rest house ito. Hindi ko maipgkakaila na sobrang ganda nito at ang nag papaganda pa lalo dito ay yung dahil sa tapat ng bahay nila.
Katapat lang naman nito ang bundok kung saan sumisilip at lumubog ang araw. Ang dami ding mga punong nakatayo na, nag dudulot ng sariwang hangin at yung beach? Sobrang ganda nito at napaka linis. Ang sarap na tuloy na mag tampisaw dito at maligo.
"Nagustuhan mo pa ang lugar?" Ang biglaang tanong saakin ni Jayzer.
"Oo naman. Napaka ganda dito at totoo nga namang nakaka relax hehe. Salamat at inimbitahan mo ako na makapunta dito." Ang nakangiti kong tugon sa kaniya at pasasalamat.
"Walang anuman." Sabay gulo niya saaking buhok na nagpa busangot sa mukha mo na bigla na lamag niyang tinawanan.
Ngayon at nasa loob na kami ng kahoy na bahay at mamahalin nga talaga ang ginamit na kahoy sa pag papatayo ng magandang bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Historia CortaAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...