⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅
Nandito ako ngayon sa bahay namin. Ang araw ngayon ay linggo at kasalukuyang nagbabasa ako ng aklat. Napanood ko na kasi sa Nekflex ang binabasa ko at base sa research ko na mas maganda daw kung babasahin ko to. Kaya eto ako ngayon nasa kama ko at nagbabasa. Kanina pa nga ako kinikilig at pagulong gulong dito.
Sa pag babasa ng aklat at sa panonood ko ay naiisip ko kung mangyayari ba saakin ang mga nangyayari sa aklat. Malayo man sa reyalidad pero alam ko na may parte din sa mga nababasa at napapanood ko na nangyayari naman ito sa totoong buhay. Hindi nga lang saakin pero gayun pa man ay umaasa padin ako na mangyayari saakin ang mga nangyayari sa mga nababasa at napapanood ko at syempre umaasa padin ako na makatagpo ako ng true love ko. Sino bang ayaw makatagpo diba.
Sinasabi nila na mahirap ang magmahal. Alam ko na mahirap nga ang mag mahal pero masarap naman mag mahal lalo pa kung sa hirap na dinadanas mo ay kasama mo ang taong minamahal mo. Ano pa at mag karelasyon kayo kung ikaw lang din ang maghihirap. Sabay dapat kayong sasaya at maghihirap. Sa pagmamahal hindi always happy dapat makaranas din ng pagsubok upang malam kung mag tatagal kayo o kayo pa ang tinadhana.
Ng dahil sa pagbabasa tuloy ng aklat ang dami ko nanamang nasabi. Nakakaloka. Sana hindi kayo naumay sa mala emotional kong talata. Kasalukuyang nagbabasa padin ako ng aklat dahil sa lunes ay may klase na at kung hindi niyo nalalaman ay 1st year college na ako sa pasukan.
Halos sa mga libro at palabas lang naman umiikot ang araw ko at ang pagbabasa at panonood ang nagbibigay saakin ng comfort.
Nga pala, ako si Calsen Rodriguez at eto ang kuwento.
⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅
Don't forget to hit the star down below to vote and don't forget to comment.
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...