Epilogue

138 6 5
                                    

⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅

Ang buhay ko ay umiikot lamag sa pagbabasa at panonood ng mga bagay-bagay na sa akin ay magpapakilig at umaasa na sa bawat pagbabasa at panonood ko ay kung ano mang ang nararanasan ng mga bida ay aking naranasan.

Kahit na sa onteng panahon lamang ay naranasan ko ito. Bagkus, wala sa tamanc oras at panahon dahil sa kinikilala ko pa lamang ang aking sarili at tinitimbang kung handa na ba akong pumasok sa isang relasyon na papatagalin hanggang sa nabubuhay.

Hindi man sobrang ganda ng naging love story ko naranasan ko naman kung paano pahalagaan kahit na sa maikling panahon. Ang hirap pala kapag hindi ka sigurado sa mga desisyon mo.

Masasabi ko na masarap pala na may taong nag-aalala at humahanga sa'yo bagkus bale wala lamang ang mga iyon kung sa tingin mo sa sarili mo ay hindi ka pa handa sa pag-ibig na papasukin mo.

Gaya ko na lamang na mas piniling makapag isip at ilayo ang sarili sa landas na sa tingin ko ay hindi ko pa kayang tahakin. Pero ngayon, handa na kaya ako? Hindi ko alam at hindi ko malalamn ang kasagutan kung hindi ako susubok magpapasok ng tao sa naka kandado kong puso.

Kasalukuyang nasa bungad ako ng pintuan ng silid aralan na aking tuturuan ako. Isa na akong ganap na guro at ito ang unang araw ng klaseng tuturuan ko hanggang sa matapos ang school year.

"Good morning teacher!" Ang pag bati sa akin ng mga bulilinggit na mga estudyante ko sa pagpasok nila sa silid ko.

Nandiyan yung yayakapin ko sila, ngingitian at aapiran. Kahit unang araw pa lamang ng klase ay gusto kong maramdaman nila na ako abg tatayong magulang nila sa loob ng silid na ito.

Nang sa tingin ko na halos lahat na ata ng aking mga cute na malilit na estudyante ay nasa loob na ay nag lakad ako sa kanilang harapan.

"Magandang umaga aking mga magaganda at magagwapo na mga anak. Ako nga pa-" Nahinto ang aking pagsasalita ng makita ko na may isa papalang maliit na lalaka na papasok sa aking silid na ang sa tingin ko ay estudyante ko rin.

Akmang lalapitan ko na ito matapos nito bumitaw sa pagkakayap sa kaniyang ama. Bagkus na pahinto ako ng masilayan ko ang mukha ng lalaking niyakap ng bata na isa sa mga estudyante.

Sa paglipas ng mga taon ay hindi ko nasilayan ang mata niyang kay itin na para bang kadiliman sa langit kapag gabi na may mga bituin na nag niningning. Ang matangos na ilong, makakapal na kilay na kung titignan ay nakasimangot, ang may katamtamang kapal na labi, at patulis na mga panga.

Ngayon ay muli ko nanamang nasilayan ang lalaking unang nakaangkin sa akin sa nakalipas na panahon. Ang lalaking nagparamdam na sobrang mahalaga ako, ang lalaking nagpakatotoo nang nararamdaman para saakin, ang lalaking handang mahalin ako. Hindi, kundi ang lalaking minahal ako.

Ngayon, abot tanaw ko na siya. Sa pagtitig ko sa kaniya ay siya ring pagtama ng mga mata namin pagkatapos niyang kausapin ang anak niya.

Sa kay tagal na panahon, muling nagtagpo ang mata namin. Ang pagtatapo ng buwan at ng araw. Kaming dalawa ay nakatanaw sa bawa't isa. Samut saring emosyon ang aking naramdaman. Bagkus ako ay huli na dahil sa may anak na siya.

"Teacher! Sorry po I'm late na traffic po kasi kami ni Daddy Jayz." Ang pagtawag sa akin ng munting bata at ang pag kumpirma na totoo palang may anak na siya.

Muli sinalubong ko ang kaniyang mga mata, nasilayan ko na para ba itong nangunngusap at sa pangalawang pagkakataon ay tinalikuran ko siya.

Sa muling pagharap ko ay umaasa akonb nakatayo pa rin siya sa labas bagkus nakikita ko ang bulto niyang papalayo na.

Bumuntong hininga ako at hinarap ang batang na late. "Okay lang baby, maupo kana sa upuan mo." Ang nakangiti kong sabi sa anak niya na sinunod naman nito nang naka ngiti.

Ngumiti ako sa aking mga estudyante. "Magandang umaga mga anak! Ako nga pala si Teacher Calsen Rodriguez. Pwede niyo akong tawaging Teacher Cal o kaya Teacher Calsen. Ako ay natutuwa dahil kayo ang aking mga tuturuan ang magiging anak sa unang pagtuturo ko bilang guro." Ang magiliw na pag bati ko sa kanila. Nakita ko naman na naka ngiti na sila at para bang nawala ang mga kaba sa kanilang mga muka.

Bumuntong hininga ako at napaisip. Sobrang huli na ba ako kung sasabihin kong mahal ko rin naman siya noon pa? Eto na ba ang katapusan ng love story kong hindi pa rin naman nag uumpisa? Masyadong huli na ba para sa aming dalawa ni Jayzer Valdez? Nahuli na ba ako......?

Ako nga pala si Calsen Rodriguez at ito ang naging istorya ko.

⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅

Don't forget to hit the star down below to vote and don't forget to comment.

Omg! Hi Owls! I think na this is the end of my very first book!! I hope you enjoy reading it as much as I've enjoyed writing it! God bless u all and thank u for reading! I love you all <'3

Calsen Rodriguez (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon