Sorry sa errors hehe
Enjoy Reading!
- Calsen's Pov -
Kasalukuyang tinatahak namin ni Jayzer ang village ng bahay namin. Nandito padin ako sa likod niya at nakayakap sa kaniya. Kinakabahan kasi ako mga sis baka mahulog ako. Hindi na ako nag pabebe na hahawak sa emeng balikad dineretso ko na agad na kumapit sa kaniya ng payakap. Teh! Natatakot ka na nga tas mag papabebe ka pa? Saka wala namang malisya to, friends naman kami mga dzai.
Nakikita ko na ang bukana ng village namin at malapit na kami. Ngayon nga ay nakapasok na kami sa aming village at pangatlong kanto pa para makita ang bahay namin. Masasabi ko na sa buong village na ito ay kami ang may malaki laking bahay kahit papaano. Tinuro ko nalang kay Jayzer ang bahay namin.
Ng nasa tapat na kami ng bahay ay tinanggal ko muna ang helmet na suot ko at inabot sa kaniya.
"Salamat sa pag hatid mo saakin Jayzer." Ang nakangiti kong sabi.
"Walang anuman. Gusto ko ako pa mag hatid sundo sayo simula bukas eh."
"Naku hindi na, nakakahiya naman sayo."
"No, I insist"
"Hindi na nga"
"Eh sa gusto ko eh" pout*
"Aish! Hindi papayag sila papa at kuya no" Ang pataray ko na sabi sa kaniya.
"Edi magpa-" Ang putol ko sa sasabihin niya.
"Hindi yun papayag. Basta!" Ang medyo pasigaw ko na, na sabi sa kaniya. Ang kulit eh.
Napakamot nalang siya sa kaniyang ulo at masasabi ko na ang cute niya sa ginawa niyang gesture. Kyaaahhh!! Uma atake nanaman ang kalandian ko.
"Uhmm....ano..hindi ko ba ako papapasukin sa inyo?" Ang tila na nahihiyang tanon niya sa akin.
Handa na sana akong humindi sa sinabi niya ng biglang sumigaw sa tapat ng pinto namin.
"Anak? Princess ikaw nga! Pumasok kana dito at mamaya lamukin ka diyaan. May kasama kaba? Hala! Sige! Pasok at mag hahanda ako ng meryenda niyo." Ang biglang sigaw ni mama. Naku naman! Nahihiya na nga akong kasama si Jayzer eh. Mama naman eh.
"Oh, narinig mo sinabi ng mama mo? Pasok na daw tayo." Ang tila nag yayabang niyang sabi sabay smirk saakin. Lamutakin ko yang cute mong mukha eh! Hays! Pasalamat ka talaga at cute kang lalaki ka.
Nauna na akong pumasok ng gate at papasok sa bahay habang si Jayzer naman ay nasa likod ko at may pasipol sipol pang nalalaman si kupal. Naku, maabutan kalang dito ni kuya ewan ko nalang kung anong mangyari sayo.
Si mama, nandoon sa kusina at talaga ngang nag handa ng miryenda namin nito ni Kupal. Naka upo siya sa pang apatan na upuan habang ako ay nasa pang isahanim inoobserbahan ang bawat galaw niya. Patingin tingin lang naman siya sa bahay namin para bang sinusuri ang bawat sulok nito.
Habang nakatingin ako sa kaniya ay masasabi ko talagang hindi mag papahulu ang itsura niya sa mga artista. Napakaamo ng kaniyang mukha at para bang hindi nakakasawang titigan. Saktong tangos ng ilong at kapal ng labi. Naku! Suwerte magiging girlfriend nito. Sana all. Kyahh!!!!
Sa pag titig ko kay Jayzer hindi ko namalayan na nalapag na pala ni mama yung miryenda namin kung hindi ko lang narinig si Jayzer mag sabi ng "Salamat tita." Kay mama. Ay grabe siya oh! Tita na agad. Feeling close agad.
Nag handa lang naman si mama ng juice, tubig para saakin dahil hindi ako mahilig sa juice at sandwich na sobrang sarap. Matikman niyo lang talaga ang sandwich ni mama, makakalimutan niyo talaga pangalan niyo. As in. Si mama naman ay umupo malapit sa kinauupuan ni Jayzer.
"Ooohh! Ang sarap naman ng sandwich mo tita! Grabe!! Tha best." Ang exaggerated nitong papuri para kay mama. Sabi sa inyo eh.
"Ay, wala yun iho. Salamat kung ganon." Ang tuila kinikilig na sabi ni mama.
Habang kumakain kami nagulat nalang ako ng kuhanin ni mama ang isang photo album na puro litrato ko nung bata ako. Huwag niyang sasabihin na-
"Iho! Lapit ka dito papakita ko sayo ang baby pictures ng prinsesa namin." Sabi na eh.
"Ma naman! Huwag nayan nakakahi-"
"Shh! Manahimik ka diyan at kumain kalang." Ang pag putol sa akin ni mama.
- Jayzer's Pov -
Nandito nga pala ako sa loob ng bahay nila baby loves ngayon. (Naks! Baduy ahh) Masasabi ko na sobrang sarap talaga ng sandwich ni tita. Gusto ko pa nga sana kaso nakakahiya mag sabi. Bawas points yun kay baby Calsen ko. (Daming tawag ahh). Inggit kalang author.
Nandito ako nakupo malapit kay tita dahil may ipapakita daw ito saakin at nang tignan ko mga litrato nga ni Calsen nung bata palang siya. Gagi! Ang cute mga tol! Akin lang yan! Akin lang!
Masaya kaming nag titingin ng litrato ni Calsen. Noon baby pa siya na sobrang cute talaga! Sarap kagatin. Yung first walk niya. Halos lahat ng first niya noong sanggol palang siya. Hmmm...sana ako first—(hep! Mag tigin Jayzer) ay sorry author. Tapos nung bata siya nasa mga 8 yata na may yakap yakap na bata ding lalaki. Na sabi ni tita na childhood best friend niya daw. Tsk! Makayap wagas eh, kala mo naman. Eh mas gwapo pa ako doon. Aish! Yun na nga! Over all tuwang tuwa talaga ako sa mga pics niya lalo na doon sa mga embarrassing moments.
Dumako ang mata ko kay Calsen at nakabusangot ang pag mumukha nito at tila hiyang hiya. Tinignan ko ang aking orasan at mag a alas siyete nadin pala ng gabi.
"Uhmm tita mauna na po siguro ako at gabi nadin po. Salamat po sa miryenda at pag papatingin ng mga litrato ni Calsen." Ang naka ngito kong sabi dito.
"Ahh..ganon ba iho. Hindi kana ba dito mag di dinner? Nag handa pa naman ako."
"Ay, pasensiya na po tita mukhang hinahanap nadin po ako nila mommy niyan. Salamg nalang po." Ang hiyang hiya kong sabi dito.
Nasa tapat na kami ng pinto at napansin ko na parang sobrang dilim ngayon. Patungo na ako sa aking motor ng biglaang nalang bumuhos ang malakas na ulan. Oh, shit. Sabay takbo papasok sa bahay nila Calsen.
"Pasensiya na po nabasa ko po ata ang sahig niyo."
"Wala yun iho. Calsen umakyat ka muna sa kwrto mo at isama mo si Jayzer sayo. Baka mag kasakit ko naulanan." Ang sabi ni tita sabay tingin saakin. "Oh iho mag paalam kana kay mommy mo na dito kana muna mag di dinner at papahinain muna natin ang ulan."
"Sige po tita. Salamat po sayo." Ang nakangiti kong sabi dito.
"Follow me" Ang kalmadong sabi saakin ni Calsen.
Naka sunod ako ngayon sa kaniya paakyat ng hagdan at patungo sa kaniyang kwarto. Oh! Shit! Makakapasok ako sa kwarto mg gusto ko. Ewan ko mga tol! Nakakakilig na nakaka excite. Oh huwag kayong mag isip ng kung ano ano diyan.
Huminto kami sa kulang pastel blue na pinto at sakaniya lang ata ang naiibang pintuan.
Pumasok na kami sa kwarto niya at masasabi ko na ang ganda ng kwarto niya at sobrang linis. Ang dami niya g mga aklat at mga bala mg mga movies.
Napansin ko na pumasok siya sa walk in closet niya at eto ako ngayon namamangha padin sa pagkalinis at ganda ng kwarto niya. Saakin kasi hindi eh haha.
Lumabas na siya ng walk it closet niya na may dalang twalya at damit pang palit ko ata. Habang papalapit siya saakin ay siyang pag tanggal ko ng basa kong damit...
Kyahh!!!! Sorry mga teh at napa tagal ang pag update ko huhu. Naging busy kasi ako sa modules.
Oh well, Enjoy Reading!
Don't forget to click the star down below and don't forget to comment para naman ganahan ako sa pag update.
Mahal ko kayo mga Readers ko!
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...