Enjoy Reading Mga Teh !- Calsen's Pov -
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Jayzer. Nasa loob ako ng walk in closet ko upang mahanapan siya ng damit na pwede niyang ma isusuot. Buti na nga lang at mahilig ako sa mga oversized shirt kaya may kakasiya sa kaniya. Sa short namn na gagamitin niya meron naman ako malaki laki at sa brief....hmmmm. Meron din naman akong extra at feeling ko ka-kasiya naman sa kanita 'to no.
Papalabas na ako sa aking walk in closet at naabutan ko siyang nakatayo padin. Dumako ang paningin niya saakin at sumumod sa akong hawak hawak. Akala ko ay tutulungan niya ako. Bagkus habang papalapit ako sa kaniyan eto naman ay ang pag hubad niya sa pang itaas niyang suot.
"Kyaahhh!!!! Sa cr kana mag hubad! Mahabagin naman, oo." Ang hesterical ko na sigaw sa kaniyang habang tulak tulak siya papasok sa banyo.
"Oh, ayan na ang twalya at pamalit mo." Ang sabi ko sa kaniya at akmang mag sasalita pa lamang siya ng isarado ko na ang pintuan.
"SALAMAT!" Ang sigaw pa ni kupal. Psh!
Nakakaloka naman kasi si mama bakit pa dito ko sa kwarto ko pinapunta samantalang meron naman sa baba. Ang tanga ko din at hindi ako umangal. Ayaw ko nadin kasi pahabain pa, mamaya mapunta pa sa hindi pag kakaunawaan.
Hinugot ko lang ang aklat na binabasa ko simula kagabi lamang. Masasabi ko na sobrang ganda ng storyang ito. Habang binabasa ko ito para bang naiinspire akong gumawa ng sarili kong libro.
Yung bang sa susulatin kong libro doon ko magagawa yung hindi ko magagawa sa totoong buhay. Asa naman ako na may magmamahal saakin. Kaya kung susulat 'man ako ng libro ko isusulat ko dito yung mga nais kong magawa kapag may boyfriend ako. Hays.
Ilang minuto pa ako sa pag babasa ng aking libro ng marinig ko ang pag bukas ng pintuan ng banyo.
"Tapos na po akong maligo. Salamat sa pag papahiram saakin." Ang nakangiteng sabi ni Jayzer.
"Walang anuman." Ang sabi ko pabalik.
Onte onte namang lumalapit sa gawi ko si Jayzer. Nang makalapit umupo siya sa tabi ko.
"Ano 'yang binabasa mo." Tanong niya.
"Ah eto? Wala lang simpleng romamce book. Hehe" Ang tila nahihiya ko pang tugon.
"Matanong ko nga, ano. Ano ba feeling pag nag babasa? I mean don't get me wrong ah nakakatamad kaya mag basa lalo na kung ganiyan kakapal ang aklat. Nakakabilib naman kayong mga nagbabasa." Ang sabi nito na nakapag patawa sa akin ng bahagya.
"Ah, sa pag babasa kasi nakakaramdam kami ng comfort, saya. Halo halong emosyon ba." Ang simple ko lang na tugon sa kaniya.
"Ah okey." Ang sabi niya nalang.
Lumipas ang ilang minuto na siya nakaupo sa kama ko habang ako eto nag babasa pa din. Buti nga hindi na bo bored ang kupal eh pa naka naka lang na tingin saakin. Sinarado ko na ang aklat ko at humarap nalang ako sa kaniya.
"Buti hindi ka na bo bored?" Tanong kp dito.
"Hindi naman. Titigan ko lang ang maganda mong mukha oks na eh." Ang prangkang sabi nito na nag pa pula sa pisnge ko.
"Yie namumula pisnge niya" Ang pilyong asar nito habang sinusundot ang pisnge ko pati narin ang tagiliran ko.
"Ano ba Jayzer nakikiliti ako. Itigi-" Ang maarte kong sabi sa kaniyan pero ang kupal mas lalo pa akong kiniliti.
"A-no...bbb-ba n-kiki-lit-i a-ako" Ang nahihirapan kong sabi sa kaniya habang tumatawa.
Wala padin siyang tigil sa pag kiliti saakin hanggang sa mapahiga na ako sa kama ko. Habang siya ay naka paibabaw saakin. Kiliti padin siya nang kiliti hanggang sa tumigil na lamang siya at naabutan ko na nakatitig siya sa mukha ko nang imulat ko ang mga mata ko.
Sa pag titig ko sa mga mata niya pa balik para bang may kung anong mga emosyon ang sinasabi ng mga mata niya saakin. Hanggang sa palapit nang palapit ng mukha niya saakin.
Hindi ko namamalayan na dumampi na pala ang mga labi niya sa mga labi ko. Na dito lang ako sa higaan ko nakahiga at tila ba na estatwa ako. Shit ang unang halik ko. Hindi ko man lang naranasan yun unang halik ko na sobrang romantic gaya ng sa mga nababasa at napapanood ko- Ay shit! Ang putol ko sa sarili ko sabay tulak sa kaniya.
"Bakit moko hinalikan? Shit ka!?" Ang sigaw ko sa kaniya.
"Wala lang. Dahil gusto ko lang?" Ang malumanay na sabi niya saakin.
"Ano dahil gusto mo lang? Sira naba ang ulo mo at para halikan nalang ako basta bast-" Naputol ang sasabihin ko nang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.
Nag bukas iyon sabay silip ni mama saamin. "O, mga anak baba na kayo ng makapag hapunan na tayo." Ang sabi saamin ni mama.
Sabay lang kami tumango at saka ko na ulit siya pag sasabihan. Naiinis talaga ako sa nangyari. Bakit parang ang bilis naman ata? Tangnang buhay to, oo.
Ngayon habang pababa kaming dalawa ni Jayzer ay sobrang awkward naming dalawa. Para bang una lamang kaming mag kita at hindi nag kakausap. Ganon ang peg namin mga sis. Hindi ko naman kasi talaga kinaya ang bigla niyang pag halik saakin.
Nakarating na kami sa kusina. Naabutan namin si mama na nag hahanda na at si papa at kuya na nakaupo na. Napadako ang tingin ni kuya saakin sabay ngiti at nang dumako ang tingin niya sa katabi ko para bang may pag tataka at napawi ang ngiti niya.
Nakaupo na kami ngayong lahat. Hindi ko alam ang nangyayari. Ang awkwardness sa pagitan namin ni Jayzer, mga mapanuring tingin nila papa at kuya kay Jayzer at ang pag aasikaso ni mama sa aming bisita ni Jayzer. Eto na yata ang pinaka awkward na hapunan na naranasan ko sa tanang buhay ko.
Tapos na kaming mag hapunan at anag ulan, ayun mas lalo pa atang lumakas. Natuwa naman ako kilala papa dahil hindi nila tinanong si Jayzer sa hapa kainina pero ngayong nandito na kami sa sala tiyak na tatanungin yan.
"Sino yang kasama mo Calsen Rodriguez?" Ang tila ba napaka seryosong tanong saakin ng akong butihing ama na tinawag pa ako sa buo kong pangalan. Kaloka naman mga dzai.
Waaaahhhhhhh!!!! Isang Linggo din ata ako hindi nakapag update. Pasensiya na mga teh! Huhu naging busy sa life.
Nga pala mga dzai! Follow niyo ako sa tiktok (@crlsn_) watch niyo mga painting eme ko haha.
Sana naman na enjoy niyo ang chapter na ito at kung nalilito kayo kung bakit parang ang bilis ng mga happenings ay dahil SHORT SYORY lang po eto hehe.
Don't forget to hit the star down below to vote and don't forget to comment mga dzai!
See u sa next chapter my dear readers!
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Cerita PendekAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...