Part 7 (Selos?)

113 8 0
                                    

This chapter is dedicated to all of my readers! Happy 100+ reads guys! THANK U SA INYO!




Enjoy reading!






- Calsen's Pov -

Ngayong araw ay ang pangalawang araw ko sa aking napakaganda at napakalawak na paaralan. Nandito ako ngayon sa hapag kainan upang mag almusal para magkaroon naman ako ng lakas no. Ganon padin naman salo salo padin kaming kumain ng pamilya ko sa umaga at para ngang sa umaga nalang kami nag sasabay kumain dahil kung minsan pag tanghali ay wala sila dito nasa mga trabaho at pag gabi naman ay late ng nakakauwi ang mga magulang namin. Pero mga bes kahit ganon pa man ay hindi padin namin nakakalimutan na mag bonding.

Tapos na kaming kumain. Nagpaalam na kaming dalawa ng aking mapag mahal na kuya sa aming mga magulang. Kiss lang sa pisnge at gumora na kami agad sa sasakyan ni kuya at as usual pinag bukas nanaman ako ng pintuan dahil ako daw ang prinsesa nila. Binaybay namin ang aming school na nag ku kuwentuhan ng mga random things like ano want namin sa future namin, mga ganon ba. Nasa tapa na kami ng gate ng school at papasok na kami ng parking lot ni kuya.

"Oh, ayaw ko na sanang maulit yung nangyari kahapon Princess. Hintayin moko sa classroom niyo pag recess na at kung hindi kita mapupuntahan tatawagam nalang kita sure naman ako na dala mo ang cellphone mo. Maliwanag ba?" Ang mahabang sabi saakin ni kuya na agaran ko namang kinatango. Saka ayaw ko nadij maulit ang nagyari kahapon mamaya sobrang galit na ni kuya saakin at ayaw ko naman mangyari yun, saka unang araw palang kasi makikita niya na may kasama agad akong lalaki. Omg! Ang landi ko na ba? Argh! Pasensiya na goiz.

Bumaba na kami ng kotse ni kuya at ganon padin ang mga tao nagbubulungan padin sila at nakatingin saakin. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito hindi naman ako nakakarinig na bastos na mga salita at kung meron man ako ang makakalaban nila. Hindi naman ako mabait na tao eh syempre minsan pag napupuno ko may karapatan ka pa din magalit pero dapat kung maaari kung pwede pa pigilan ay pigilan. Nasa tapat na kami ng pinto ng classroom ko at hinalikan ako ni kuya sa noon pagkatapos ko siya yakapin at magpaalam.

"Ang habilin ko princess huwag kakalimutan." Ang sabi niya saakin na sinagot ko ng "opo kuya". Sabay pasok na sa aming classroom.

Pag kapasok ko yung kaninang maingay na classroom aya para bang tumahimik at ng tignan ko sila ay nakangiti sila saakin na parang mga ewan. Nagulat nalang ako ng biglang may lumapit saakin.

"Uhmm...flower nga pala." Ang sabi saakin ni kuya na pulang pula. Tinuro ko pa talaga ang sarili ko upang ma kumpirma kung akin ba talaga na kinatango niya. Tinanggap ko ito pag katapos kong mag pasalamat at humarap ako sa kaniya sabay ngiti ng sobrang tamis na ngiti. Bigla nalang siyang umalis sa harapan ko na natataranta. Hala! Nangyari doon.

Pagkaalis na pagkaalis ng lalaki ay siya namang lapitan saakin ng iba pang mga lalaki. Nagulat talaga ako sa mga binigay nila mga dzai! Mga bulaklak tas yung iba may chocolates tas yung iba teddy bear. Hala paano to? Mamaya mapagalitan ako ng mga prof pag nakita nila to. Hanggang sa makaupo ako sa aking table ay nagbibigay padin sila saakin at hindi naman nawawala ang matatamis na ngiti ko dahil sa effort na ginagawa nila. Saka sino ba ako para mag inarte diba? Huwag na tayong choosy oy. Kakaloka ang dami talaga nito. Pero nakakatuwa pala sa pakiramdam na may nag bibigay sayo ng ganito. Ang unexpected tas yung parang kilig na mga mukha nila pag papasalamatan ko sila nang nakangiti. Ang cu cute lang hehe.

Umupo na ako sa aking upuan at nandoon na si Drew na parang kanina pa tahimik. Tapos bigla kong naalala yung kahapon.

"Ahhh...Drew?" Ang pagtawag ko sa kaniya na ikinaharap niya naman saakin. Hala! Akala ko hindi niya ako papansinin. Yung humarap ako sa kaniya pinaliwanag ko na si Jayzer yun nag tour saakin ng campus tapos humingi nadin ako ng pasensiya sa kaniya. Nagulat pa nga siya bakit daw ako humihingi ng tawag. Okay lang daw sa kaniya yun and no hard feelings daw. Salamat naman sa Diyos. Pag katapos nun ay nag kuwentuhan nalang kaming dalawa may nagbibigay padin ng mga gifts nila tas natatawa nalang kami ni Drew kasi ang dami na. Nga pala mga dzai ang gay radar ko parang gumagana kasi naman daw parang napapansin ko na ang lambot din kumilos ni Drew. Ayaw ko siyang pangunahan o kaya tanunginz. Hala! Sige, bahala na.

Calsen Rodriguez (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon