Enjoy Reading!!!!
-Calsen's Pov-
"Ahhh Pa, kaklase ko nga po pala. Si Jayzer Valdez" Ang tila lunok laway na sabi ko saaking butihing ama. Grabe naman kasi mga teh! Mag tatanong na nga lang need pang buong name ko? Ugh si papa talaga.
"Magandang gabi ho sa inyo, tito." Ay huwaw tumitito ah.
"Bakit kasama mo ang anak ko?" Ang seryoso pa ding tanong ni papa.
"Ah yun nga po tito kasi nakita ko na mukhang walang mag hahatid kay Calsen mula sa bahay niyo. Kaya po nag insist na lang po akong ihatid siya dito at dahil mahirap na po pag nag commute po siya. Hindi po natin masabi ang panahon ngayon." Ang kalmadong pag papaliwanag ni Jayzer kay Papa.
"At bakit naman walang maghahatid sayo diyo, aber." Sabay lipat ng tingin saakin ni Papa.
Napatingin naman ako kay kuya at yung tinging ibinibigay niya "bunso, minsan lang naman eh" Hays,bahala na nga.
"Kasi po Pa sinabi ko nalang po kay Kuya na huwag na akong ihatid. Para naman po masanay na ako sa pag commute mag isa. Hindi na po ako high school eh."
"Aba kahit na ano pang dahilan mo kailangan ka padin ihatid ng kuya mo dito sa bahay. Ikaw, naman Celsin Rodriguez bakit ka naman pumayag? Paano kung may mangyaring masama diyan sa Princess natin? Huh?" Ang tila ba galit nanaman na baling nito kay kuya at mababakas talaga nito ang pag aalala para saakin.
"Pa, sorry na po hindi na po mauulit. Huwag na po ikaw magalit. I love you Papa ko. Hehe" Ang paglalambing kong sabi dito at puppy eyes alam ko naman na tatalab to eh.
"Oh siya ginamitan nanaman ako ng panguto niya. Huwag mo na uulitin yun princess kundi ako mag hahatid sundo sa'yo kahit na sobrang hectic ng schedule sa work ko. At ikaw naman Celsin ayaw ko na talagang maulit to. Mag usap tayo mamaya sa office ko. Maliwanag?" Ang payo nito saakin at baling nanaman nito kay kuya.
"Pa huwag mo naman sanang pagalitan si kuya no."
"Pag sasabihan ko lang Princess at nakakahiya eh may bisita tayo."
"Pasensiya kana iho at nakita mo akong ganon. Nag aalala lang tala ako para sa Prinsesa namin." Ang baling nito kay Papa at sabay halik saakin sa pisnge at yakap.
"Ah okay lang po iyon tito. Hehe" Ang kamot batok na sabi ni Jayzer.
Napansin ko na hindi padin tumitila ang ulan at para bang mas lumakas eto. Hala! Paano na kaya nito makakauwi si Jayzer. Siguro papahatid ko nalang siya ni Papa.
"Pa-" ang puto na sabi ko dahil biglang sumabat si mama.
"Ah Jayzer iho ang lakas padin ng ulan. Dito kana sa guest room namin matulog at tawagan mo nalang ang magulang mo upang makapag paalam." Ang sabi ni mama
"Ah sige po tita saka po mahirap nadin umuwi baka po kasi baha na sa papunta saamin."
"Oh eto telepono anak at mag paalam kana muna."
Kinuha naman ni Jayzer ang telepono na kay mama at inilagay ang numero doon nakaka dalawang ring pa lang ng may sumagot na dito.
"Excuse po." Ang paggalang nito sa mga magulang ko sabay layo saamin saka kinausap ang magulang niya.
Tumagal din ng 15 minutes ang pag uusap nila ng mama niya bago nakabalik saamin.
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...