⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅
-Calsen's POV-
Halos nakalipas na ang apat na araw simula ng hindi ko na pinapansin si Jayzer.
Napadali lamang ang hindi ko pag pansin sa kaniya sa kadahilanang halos pang-apat na araw na niyang pag absent ngayon.
Nagsisinungaling ako sa sarili ko kung sasabihin kong hindi ako nag-aalala sa kaniya. Sobrang nag-aalala ako dahil baka kung napaano na iyon at sobrang guilty na rin ako sa hindi pag pansin sa kaniya.
May mga dahilan naman ako sa kung bakit hindi ko siya pinapansin at alam ko sa sarili ko na tama lang ang ginagawa ko dahil sa hindi pa ako handang harapin siya. Siguro ay kakausapin ko rin naman siya kapag handa na ulit ako.
Dahil sa ginagawa ko tuluyan kong sinisira ang pinag samahan namin. Wala siyang kasalanan alam ko sa sarili ko na laban ito ng aking isip at puso.
Ang isip na nagsasabi saakin na tama lamang na hindi ko siya pinapansin dahil nga sa nangyari saamin na hindi inaasahan at ang puso ko na nag sasabi na pansinin ko na siya dahil may parte pa rin saakin na gusto ko siya hindi bilang isang kaibiga, dahil sa maginoo naman siya at magalang.
Kailan kaya mag kakasundo ang mga puso't isip natin. Ang hirap talaga pag alam mo na sarili mo ang kalaban mo.
Nagising nalang ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang tunog ng alarm ng school na hudyat na lunch break na at sunod na ang panghapong klase pag katapos.
Sa sobrang pag-iisip ko hindi ko nasabi na nandirito pala ako sa aming silid at kasalukuyang inihahanda ng aking mga gamit upang makalabas na at makakain ng lunch.
Sobrang gutom narin ako dahil halos sa nakalipas na mga araw ay kaunti lamang ang nakakain ko dahil nga sa ang daming kong mga iniisip.
"AAaaaAaaAahHHH!" Ang lakas na sigaw ko na alam kong rinig sa buong classroom at buong corridor ng aming course.
"Omg! Hahaha pasensiya na Calsen." Ang pag hingi ng paumanhin saakin ni Drew na hanggang ngayon ay tumatawa pa rin.
"Nag so-sorry ka ba talaga? Kaloka sa'yo huh! Sige tawa pa. Bwisit ka!" Ang kunwaring naiinis na sabi ko sa kaniya dahil sa panggugulat niya saakin habang nag aayos ako ng aking mga gamit.
"Naku Calsen kung nakita mo lang talaga ang mukha mo! Oh siya, tara na at sabay na tayong pumunta sa canteen." Ang mahabang lintana ni Drew.
⋅ ˚̣- : ✧ : - ⭒ ⊹ ⭒ - : ✧ : -˚̣⋅
Kasalukuyan nga kaming naglalakad dalawa ni Drew papunta sa canteen.
"Hindi kana maka move on sa panggugulat mo ah!" Ang pagsisita ko sa kaniya dahil simula ngayon ay tumatawa pa rin siya.
"Hindi talaga! Ang lt mo kaya kanina ang lakas ng sigaw." Ang tugon niya habang tumatawa pa rin sa nangyari kanina.
"At dahil diyan ako na ang maghahanap ng table natin at ilibre mo ako ng pagkain dahil sa kanina mo pa ako pinagtatawanan." Ang pilyong sabi ko sa kaniya ng makapasok na kami sa loob ng canteen.
"Uy teka lan-" Hindi ko na nairinig pa ang sinabi niya dahil binilisan ko na ang paglalakad at makahanap ng upuan na makakainan namin.
Normal naman na yung palaging nagpapalibre ako sa kaniya dahil sa naging close narin kaming dalawa sa paglipas ng mga araw na halos kami lagi ang nagkakausap at nagkakasama.
Masarap naman kasama si Drew at syempre cute din. Huwag nalang kayong maingay at baka lumaki ang ulo.
(Lumaki ang ulo.....char!!! Haha)
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...