Part 18 (Hindi Ko Na Rin Alam)

75 5 1
                                    

. ⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅ .

-Calsen's Pov-

Kasalukuyan ngang nandidito na ako sa loob ng aming classroom. Hindi parin naman nag-babago ang pakikitungo saakin na aking mga kaklase, ganom pa rin naman sila na mabait saakin at binabati gaya nalang nang pag pasok ko kanina na todo puri sila at pag bati saakin na halos hindi ko na na pansin dahil na lamang sa mga iniisip ko.

Hindi ko talaga maipag-kakaila na marami pa ring bumabagaba sa aking isipan lalong lalo na sa aming dalawa ni Jayzer. Dalawang araw na ang lumipas simula nung huli naming pagkikita. At hindi ko alam kung paano ko siya patutunguhan pag nag kita kami ngayong araw.

Dahil sa sobrang pag iisip ko ay hindi ko namalayan na may kumakaway na palang dalawang kamay sa aking harapan. Dahan dahan kong itinaas ang aking ulo upang matignan kung sino ang may kagagawan ng pagkaway ng dalawang kamay saakin.

Sa aking pagtingala sa aking pagkakaupo ay siyang aking ikinagulat dahil si Jayzer pala ang kumakaway saakin na ngayon ay may pag tatakang tingin dahil narin sa pagkagulat ko sa kaniya.

"Good morning Calsen." Ang malumanay niyang sabi saakin na hindi ko na tinugon, napansin niya ata na hindi ko na sasagutin ang pagbagi niya nang umupo na siya sa aking katabing upuan.

Saaking pag iisip ay napansin ko sa gilid ng aking mata na pa sulyap-sulyap ang katabi kong si Jayzer. Kahit na nadirito na ang aming guro ay napapansin ko pa rin ang kaniyang pag sulyap saakin.

. ⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅ .

Natapos ang pangalawang subjects ngayong umaga at ngayon na nga ay recess muna namin. Nagmamadali akong inayos ang aking kagamitan upanv mauna ako kay Jayzer. Dahil napag desisyonan kong iiwasan ko nalang muna siya dahil nga sa hiyang hiya ako sa nangyaring hindi dapat sa pagitan namin

"Calsen sabay-". Hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi na alam ko na aayain niya akong magsabay kami mag recess. Dali dali akong lumabas ng aming classroom upang mag tungo muna sa comfort room upang ma compose ang sarili ko at para hindi ako mag mukhang tanga dahil sa mga iniisip.

Sa paglalakad ay hindi pa rin maiiwasan ang mga pagbati saakin na tinatanguan ko na lamang. Dahil ayaw ko namang ngumite sa kanila ng pilit.

. ⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅ .

Kasalukuyang nadidito na nga ako sa loob ng comfort room. Naghilamos muna ako ng aking mukha upang mahimasmasan. Hindi pa naman ako nagugutom ngayon kaya siguro dito nalang ako sa cubicle mag papalipas ng oras hanggang sa mag start na ulit ang klase.

Inilabas ko na lamang ang dala kong cellphone. Bawal mag cellphone sa school namin pero dahil sa makulit kaming estudyante ay nagdadala parin kami ng patago. Binuksan ko lamang ang aking musik at sinalpak ang earphones na dala ko rin upang hindi namn ako ma boring sa kahihintay dito na mag umpisa ang klase.

Sa aking pakikinig. Dahil sa hininaan ko ang volume kahit malakas ang tunog ng alarm ng school na hudyat na tapos na ang aming recess.

Nag-ayos ako ng aking sarili at nagtungo sa sink ng cr upang makapag ayos ulit ng mukha at makapag hugas ng kamay.

. ⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅ .

Ngayon nga ay nandito na ako sa loob ng aming classroom at nakapasok na ang aming pang huling teacher sa umaga ng hindi ko man lang nakita na pumasok si Jayzer.

Sa pagtuturo ng aming guro simula unang period ay parang walang pumasok sa aking isipan dahil sa mga iniisip ko.

Dahil nga sa parang wala ako sa reyalidad ay hindi ko namalayan na tapos na ang aming subject ngayong umaga. Hudyat na lunch na namin.

Nakapag baon naman ako ng kakainin ko kaya hindi ko na kailangan punta ng cafeteria para bumili.

Sa garden na lamang siguro ako kakain upang kahit papaano ay makalanghap ako ng sariwang hangin at maging payapa ang aking utak kahit sa onteng oras lamag. Dahil hindi nakakatulog ang sobrang pag iisip ko sa aking pag aaral. Ayaw ko naman na walang matutunan sa aking pag pasok sa University na pinag aaralan ko.

. ⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅ .

Nandidito na ako sa puno ng garden upang kainin ang aking tanghalian. Nag request ako kay mama na tortang talong at sunny side up egg ang aking ulam. Kaya eto ngayon ang aking kinakain. Ganado ako dahil sa panorito ko ang torgang talong.

Sa bawat pagnguya ko ay siyang pag tingin ko sa malayo at sabay langhap ng sariwang hangin.

Sa garden na kinalalagyan ko. Naluma man ng panahon pero hindi parin kumukupas ang kagandahan nito at ang puno na kinasisilungan ko mukha naman ng matanda bagkus makakakitaan pa rin na tatagal pa rin ito ng ilang dekada kung hindi papakialaman na putulin.

Sana ako nalang yung puno rito na kay tayog pagmasdan na mistulang nakatayo lamang at nagbibigay proteksyon sa mga sisilonh dito dahil sa sinag ng araw o sa onteng ambon. Sana sa bawat problemang kahaharapin ko lalo na ngayon ay matayos parin ako at hindi kukupas gaya ng punong kinalalagyan ko ngayon.

Nakakalahati ko na ang aking kinakain ng biglang may nag takip sa aking mga mata.

"Binabalewala mo ba ako?" Tanonng ng taong nagtatakip pa rin sa aking mga mata. Na walang pag dadalawang isip na si Jayzer ito.

"Pwede bang paki tanggal na ang dalawang kamay mo saakin?" Ang pakiusap ko sa kaniya. Tinanggal naman niya ito kaagad at tumabi saakin.

Bumuntong hininga muna siya bago nag salita. "Napapansin ko na parang binabalewala mo akong ngayon Calsen. Ag hindi ko gusto iyon, hindi ko alam kung ano bang kasalanan ko sa'yo na kung bakit parang hindi mo ako pinapansin." Ang mahabang lintana niya na hindi ko tinugon dahil sa ayaw kong ungkatin ang nangyari sa aming dalawa nung araw na nasa beach kami.

"Naalala ko pala na sa lugar na ito tayo halos nagkakilala kahit sa maikling panahon lamang. Hindi ko mawari kung ano bang taglay mo at parang ang bilis na lamang nahulog ng loob ko sa'yo. Sana naman pansinin mo na ako kasi ayaw ko ng ganito na parang hindi tayo mag ka kilala." Ang sabi niyang mula na tuluyang nagpatahimik saakin.

Dumaan ang ilang minuto na walang nag sasalita saamin hanggang sa maligpit ko ang kinainan ko na hindi naubos simula ng dumating siya.

Tinignan ko ang orasan at napag tanto na malapit nari  mag umpisa ang panghapon na klase. Tumayo na lamang ako sa aking pag kakaupo na ikinagulat ng aking katabi.

"So, ipag papatuloy mo talaga ang hindi pagpansin sa akin ng hindi ko man lang nalalaman ang kasagutan kung bakit." Ang may hinanakit niyang sabi saakin.

Humakbang ako palayo sa kaniya "I'm sorry. Hindi ko na rin alam kung bakit." Ang katagang sinabi ko sa kaniya kahit na alam ko naman talaga ang rason kung bakit hindi ko siya pinapansin. Akin na ngang tuluyang nilisan ang lugar na kung saang sa huling sulyap ko ay nakita ko ang pagsusumao sa kaniyag mukha at kalungkutan.

. ⋅ ˚̣- : ✧ : – ⭒ ⊹ ⭒ – : ✧ : -˚̣⋅ .

Don't forget to hit the star down below to vote and don't forget to comment.

It's been a while. I hope u enjoy this chapter. 2 more chappies to go and I will be doing major editing for a better version of this book hehe.

Have a nice day Owies <'3

Calsen Rodriguez (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon