Part 3 (Approaching Calsen)

235 20 3
                                    

- Calsen's Pov -

Ngayon nandito padin ako sa loob ng room kahit na sinabi ng prof namin na first period lang daw ang klase namin dahil sa first day of school  palang naman daw. Nakaupo padin ako sa upuan ko at napapansin ko na para bang nag tutulakan ang mga kaklase ko sa gawin ko. Naloloka ako ano bang ginagagawa nila mamaya mag kasakitan lng sila.

Tumingin ako sa katabi ko gusto ko kasing mag libot sa school gusto ko siyang pakiusapan kung pwede niya ba akong ilibot sa school. Pero mare, nahihiya ako kasi mamaya sabihin na ang kapal ng mukha ko eh kabago bago ko lang. Pero want ko talaga. Hinga muna akong malalim para mafi- char kung ano ano na sinasabi ko.

Enhale the air then exhale the ai- char.

Eto na talaga kakapalan ko na mukha ko. "Umh, excuse me". Ako yan with may pabebe voice sabay kalabit sakanya. Kahit nakakahiya.

Lumingin naman siya saakin na may parang nagtataka at bakit parang namumula nanaman yung mga pisnge niya. Walang gustong magsalita kaya ako na nag basag ng katahimikan.

"Can I ask your name?" Ako.
"Oh, yes may name's Drewster. Drew or Ter for short. Depende nalang sayo hehe" Ang nahihiya niyang sabi saakin sabay kamot sa kaniyang batok.
"Ang cute!!!!" Ako sabay kurot sa pisnge niya na kinagulat niya at ng nakakaramai na napatingin sa gawi namin. Napatingin din ako sakanila at parang may inggit o selos sa mga tingin nila at yung iba ang sama talaga ng tingin dito kay Drew. Hala sana hindi siya awayin dahil ako makakalaban nila.

Umiwas na ako ng tingin sakanila at tinanggal na ang pag kakakurot sa pisnge ni Drew pag tapos ko humingi ng sorry. Napansin ko naman na bumalik na ang ibang kaklase ko na nag tutulakan na parang mga ewan. Nagtataka ako na kung bakit hindi pa sila lumalabas eh kanina pa pwede. Ang dami padin nila na nandito.

Humarap ulit ako kay Drew mag papasama talaga ako sakanya ayaw ko kasi istorbuhin si kuya mamaya may klase pa. Tiyaka I need friends no para naman hindi boring college life ko hehe. Tinignan ko na siguro pero kinausap ko muna siya onte bago ko sabihin favor ko sakanya. Sana pumayag....




- Jayzer's Pov -

Napansin ko na nag uusap padin sila Calsen at yang mukhang nerd nayan. Ganiyan ba mga type niya kasi kung maka ngiti siya parang oo eh. Hindi naman sa pag mamayabang mas pogi pa ako diyan mga lodicakes. Nakatingin lang ako sakanya habang nakikitang nakangiti at parang nag seselos ako na ewan na dapat saakin lang siya ngingiti. Wala pang isang araw pero bakit ganto nararamdaman ko sakanya. Kailan kong pag isipan mga desisyon ko.

Gusto ko siyang lapitan at makipag kilala pero nakakahiya mamaya mabulul at mautod lang ako kaoag kaharap ko na siya. Nagulat ako pati ang lahat ng biglang may tumawa na parang ang sarap pakinggan at nakita ko na si Calsen yun. Parang gulat ang lahat at parang mas nainlove pa dito. Dumaan ang minuto at nag tutulakan namamn sila. Kanina pa sila ganiya eh pero parang gusto ko mag patulak tas kausapin siya. Mwehehehe.

Tiyaka bago palang siya dito baka gusto niya nag palibot. Tama tama. Ang galing ko talaga. Tumayo na ako at nag lakad sa mga gago kong kaklase na kanina oa nag tutulakan muntik na nga matamaan baby ko eh. Naku sinasabi ki. Saktong pag daan ko narinig ko si Calsen na humihingi ng favor kay nerdy na samahan siya lumibot ng campus. Sakto naman na patayo sila at may nag tutulakan at sinadya kong mag patulak.

Medyo napalakas yung pag tulak sa banda kay Calsen at napahawak ako sa likod niya at napaupo ako habang siya ay nasubsob sa malapit sa tiyan ko. Tangina nakakahiya naman to! Mamaya napilay ko siya. Nataranta kaming lahat bigla ko siyang tinayo at hindi alintana ang sakit. Sa sobrang taranta ko ay binuhat ko siya. Pa bridal style upang dalhin sa clinic dahil parang narinig ko na napadaing siya kanina dahil siguro sa impact na nangyari. Lumabas ako ng classroom namin habang bibit siya at parang gulat ang mukha niya ng tinignan niya ako. Malayo layo pa naman ang clinic dito. Parang pinag sisisihan ko na ang binalak ko imbes na lapitan siya.

- Calsen's Pov -

Tumayo na ako sa aking upuan ganon nadin si Drew. Sa kadahilanan na pumayag siya sa fovor ko na mag pasama na libutin ang school para maging familiar ako. Tiyaka syempre sino ba ang hihindi sa ka cute-tan ko char! Ayun na nga tumayo na kami at laking gulat ko na may humawak sa bewang ko at napatumba nalang kami bigla sa sahig.

Sa sobrang gulat ko ay parang wala na akong pakialam o alam kung ano ang nangyayari saakin matapos mahulog nagulat nalang ako ng bakit parang tumatakbo ako pero nakalutang. Weird. At ang mas lalong kinagulat ko ay naka bridal style pala ako ang tanga lang tumatakbong nakalutang. Pero.... sino tong nagbubuhat saakin at tila nagmamadali na parang namatay ako.

Tinignan ko siya at mas lalo akong nagulat (pasensya na goiz magugilatin siya hahahha) ng makita ko na si Mr. Valdez eto yung kanina na sobrang pawis.

Ewan ko sa sarili ko kung bakit napa sigawa nalang ako ng "SANDALI!!!!!" Na kinahinto, kinataka at syempre kinagulat (ano pa nga ba) ng nag bubuhat saakin.

Huminto siya habang nakatingin saakin na parang nag papahiwatig na "Ano bayun? Makasigaw naman to". Sinagot ko ang tingin niya ng "bakit ba masyado kang nag mamadali at pwede ba na pakibaba na po ako kuya".

Nakatulala lang siya saakin na para bang hindi makapaniwala sa nakikita na para bang eto ang unang tagpo ng aming mga mata. Parang ganito yung mga nababasa ko sa aklat at napapanood kung minsan.

Pinitik ko nalang ang aking mga daliri upang magising siya sa katotohanan at buti naman ay umubra. Binava niya ako sabay tanong ng "wala bang masakit sayo. Nag mamadali ako kasi akala ko napilay kaba, ang lakas kasi ng pag katulak saakin. Pasensya na".

"Ah...eh okay naman ako pero grabe nagulat ako sa nangyari kanina ah. Ano ba kasing pinaggagagawa niyo buti nalang walang napitog saatin" ang lintanya ko sakanya.

"Pasensiya talaga" ang pahingi niya ng paumanhi ulit. Ang bait naman niya masyado. Hays.

"Okay lang pero sana hindi na maulit dahil baka may malalang mangyari." Ang sabi ko sakanya sabay ngiti.

"Sige na aalis na ako at baka naghihintay saakin si Drew at huwag kang mag alala saakin wala namang masakit okay lang ako." Ang sabi ko sakanya at nag thumbs up pa ako.

"cute" bulong niya na hindi ko naman narinig. Isinawalang bahala ko nalaang at pupuntahan ko na si Drew para malibot namin campus hehe.

Tumalikod na ako sakanya bagkus hindi pa ako nakakahakbang papalayo ay may pumigil na sa mga kamay ko. Nakaramdam ako ng ibang pakiramdam na para bang may kung anong boltahe ang dumaan sa hinawakan niya. Humarap ako sakanya na may tanong na nakaukit sa mukha.

"Umhh... teka lang pwede bang.....Uhm ano" ang tila nahihiya at nauutal niyang pag kausap saakin.













That's it for today. I hope you like it. Pls do comment at just hit the star below. Oh lakas maka YouTuber ng down below hahahhaha.

Plss do tell me if you want an update hehe. Thank u!

Calsen Rodriguez (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon