- Jayzer's Pov -What just happened? Ang gulat na gulat na tanong ko sa sarili. Kanina ang saya saya lang namin dalawa ni Calsen tas para itong napawi ng ganon ganon dahil sa galit na kuya niya. Gagi men! Nakakatakot ang kuya niya paano kaya kung liliga- teka lang ligaw agad? Hay! Basta dapat saakin mapunta si Calsen dapat ako lang makakita ng mga genuine niyang mga ngiti. Kung liligawan ko man siya kahit na nakakatakot ang kuya niya kakayanin ko. Yun ay kung maliligawan ko siya. Bahala na siguro ang tadhana sa mangyayari. Pero, pag ayaw ni tadhana na maging kami siguro pwede naman ata ipilit? Bahala na.
Kasalukuyang nag lalakad na ako papunta sa cafeteria ng school namin. Habang sa pag lalakad napapaisip ako sa nararamdaman kong ito. Bakit parang ang bilis mahulog ng loob ko kay Calsen. Una yung inamin ko na cute siya, tas yung paghawak ko sa kamay niya na sobra talagang lambot, tapos yung pag sabi ko na mas maganda siya at yung kanina sa garden yung nakahilig yung ulo niya para akong tanga na nakangiti sa hangin. May ganto ba na sa una palang hulog na loob mo kahit wala pang isang araw? Grabe naman atang love at first sight to.
Hindi naman siguro masama kung magpapadala ako sa damdamin ko ngayon diba? Siguro naninibago lang ako at dati wala naman akong naka relasyon. Pero parang may iba talaga eh......parang may ibang pakiramdam na hatid saakin pag nakikita ko siya, lalo na pag nakikita ko siyang nakangiti. Ayaw ko namang sabihin na "bahala na". Pero mas maganda nalang sigurong gawin ay magpadala sa agos ng damdamin kong ito para kay Calsen. Sana hindi lang sa una to.
Ngayon ngayon nandito na ako sa loob ng cafeteria ng school namin. Nagulat ako kanina nung tinignan ko yung orasan ko ay tanghalian na pala. Napasarap yung pagtambay namin ni Calsen sa garden kung hindi lang talaga kumulo tiyan nun kanina eh. Sobrang tawa talaga ako kanina hindi ko napigilan. Tapos umagree nalang siya kanina na kumulo talaga tiyan niya. Kala ko magagalot sa pagtawa ko kanina eh. Yung tinignan ko siya na pulang pula na dahil sa hiya ay ayun na yung oras para huminto ako sa pagtawa. Sana hindi siya pagalitan masyado ng kuya niya ngayon at SANA PAKAININ SIYA DAHIL ALAM KO NA GUTOM NA GUTOM NAYUN. Malaman ko lang talaga na hindi siya pinakain kahit kuya niya payun. Hays. Pero alam ko naman na hindi niya gugutomin kapatid niya dahil kahit galit siya kanina nakita ko padin yung pag aalala sa mga mata niya kaya hindi na ako umapela nung nasigawan niya kami kanina. Hays.
Pero mga pre! Yung paghilig niya talaga kanina saakin ng ulo niya! Gusto kong magtatatalo sa tuwa at syempre sa kilig nadin. Paano ba naman kasi eh sa pinakita niyang mukha saakin para bang sinasabi niya na komportable siyang kasama ako. Dagdag points yun mga tol. Ang pagbabalik tanaw ko sa mga nanangyari kanina habang inumpisahan ang pagkain ng tanghalian ko.
Sana hindi ka masyadong pagalitan ni kuya mo. Sana ayos kalang. Ang sabi ko sa isip ko para kay Calsen dahil nagaalala ako sa mga posibleng mangyari.
- Calsen's Pov-
Nandito na kami ni Kuya Celsin sa parking lot ng aming school at nang tignan ko siya ay ganon padin ang itsura niya pero nabawasan ito mg galit. Parang inis nalang. Ibubuka ko na sana ang bibig ko ng bigla niyang binuksan ang pinto ng kotse niya.
"Pasok" ang sabi niya saakin sa malamig na boses. Walang pag dadalawang isip ko itong sinunod dahil ayaw ko ng madagdagan pa ang galit niya. Dahil alam ko din naman sa sarili ko na may kasalanan din ako sadyang hindi ko lang alam na lumipas na pala ang oras hanggang sa nakalimutan ko ang habilin ni kuya na hatid sundo niya ako sa classroom namin.
"Now. Explain." Ang mabigat na pagkalasabi saakin ni kuya.
Sinimulan ko ang pagpapaliwanag. Una syempre yung sa natuba kaming dalawa ni Jayzer. Kita ko ang pagaalala sa mga mata niya at pag suri sa katawan ko at ng masiguradong okay ako ay nakinig ulit siya saakin. Sunod ko naman na kinuwento yung binuhat nga ako ni Jayzer papuntang clinic hanggang sa umapela ako dahil okay naman ako tas kinuwento ko na nag suggest saakin si Jayzer na siya nalang ang maglibot saakin sa school. Syempre hindi ko na sinama yung paghawak niya sa kamay ko mamaya biglang lumabas si kuya sa kotse niya sa sugurin si Jayz. Kinuwento ko sa kaniya na tinour niya ako sa mga importanteng lugar ng school at ang panghuli ay yung napatagal kami sa garden at kung hindi pa kumulo ang tiyan ko ay baka maabutan niya pa kami doon na nakahilig ang ulo ko buti nalang talaga.
BINABASA MO ANG
Calsen Rodriguez (BoyxBoy)
Short StoryAng mundong puno ng misteryo, mundong puno ng kababalaghan at ang mundong puno ng katanungan......Char! Ito ay ang mundo na kung saan mag sisimula ang istorya ni Calsen Rodriguez ito ang kaniyang kwentong puno ng sa ya, kilig at pag subok na makaka...