12

51 9 0
                                        

Infected

We are about to get out inside the car nang biglang may sumalubong na infected mula sa dating may salaming parte ng sasakyan. Agad ko itong pinaputukan mabuti nalang ay hindi naabot si Lazy. Buhat buhat ni Mark si Lazy ngayon at naka pasan naman sa balikat ni Mint si Lucas.

"Tara na!" agad kaming umalis sa lugar na walang kahit anong dalang gamit maliban sa baril. Pahirapan ang pag alis dahil sa halos wala kaming makita dahil sa hamog. Kada may sumasalubong saamin ay ako ang bumabaril. Wala paring malay ang dalawa.

"LUMAYO KAYO SAKIN!ACK!!" isang taong galing sa truck ang lumabas may hawak itong tubo at pinag hahampas ang bawat makasalubong nito. "MGA PUTANGINA!" sa isang hampas, nakita ko nalang na papalapit na saakin ang lumipad na tubo na malabong maiwasan ko pa. Ang lalaki ay na pagpyestahan na ng mga zombie sa panahong iyon. 

Wala akong ibang maramdaman kung hindi sakit nang ulo at ang pagkirot ng sugat ko. Sa malamig na semento at ang ulang malakas na pumapatak, maging ang pag agos ng mainit kong dugo ay aking nararamdaman. Kahit na hindi pa tuluyang nandidilim ang aking mga mata. Nakikita ko silang tumamtakbo papalayo sa lugar. Kahit sa ganitong kalagayan patuloy ko paring binabarin ang bawat infected na makasalamuha nila. Sana ay makarating sila sa lugar na sinasabing ligtas palayo sa malademyong lugar na ito.

--

Nagising nalang ako mula sa malambot na kama. Buti nalang ay panaginip lang ang lahat, isang mahabang bangugnot. sabi nga nila kailangan mong mamatay sa panaginip para magising ka sa rialidad. Nanibago ako sa ayos ng kwarto, ni walang pamilyar na kagamitan ang narito. Hindi ko to kwarto..

Pagabi na sa labas at malakas parin ang ulan. Umuulan? "AHHCK!" nakarinig ako ng sigaw mula sa labas kaya agad akong napalabas.

"Wait, wait! Masakit puta! AHHH!" sigaw ni Guind "Pucha tama na! Ack!". Nanlaki ang mata ko sa nakita, si Guind..


-MINT-

Napalingon ako ng mapansing wala si Emily sa aming likuran. Halos manindig ang balahibo sa takot nang makita kong si Emily ay walang malay na naka handusay sa malamig na semento. Mabuti nalang at may hawak akong baril nang may nakita akong infected na palapit sakanya. Ganon din ang ginawa ni Mark.

Halos mapa mura ako nang may biglang zombie ang bumungad saaming gilid. Maduti nalang rin ay kasabay nito ang pag banga ng sasakyan nila Onue rito. Dumire-diretyo lang ito palapit sa pwesto ni Emily. Patuloy lang naming binabaril ang mga nag tatangkang lumapit sakanila. 

Tumatakbo palapit samin sila Guind at yung isang babaeng pangalang Beatrice, patuloy paring ang aking kasa ng baril sa mga infected pero parang hindi sila nauubusan.

"Tabe!" sabi nito kaya napatigil ako sa pag baril. Tinuro niya ang aking nasa likod dahilan para mapalingon ako. Isang infected ang bumungad sakin. Sa bilis ng mga pangyayari ay nakita ko nalang si Guind na nakatayo sa harapan ko.

"Guind!" Nakita ko ang kaliwang kamay nitong pinang sanga sa bunganga nang Infected. "Shit!" agad kong binaril ito at napahandusay sa malamig na semento. Ang palad nito ay patuloy parin sa pag dugo. 

"What the hell?! Anong ginawa mo?!" sigaw ko sakanya. agad kong pununit ang tela ng aking damit at tinalian ng mahigpit ang kamay nito. Humanap ako ng matalim na bagay.. Nakita ko ang itak na hawak ni Beatrice kaya agad ko itong kinuha at initak ang kamay ni Guind.

--

"Manahimik ka diyan! Malapit na matapos." Patuloy parin ang sigaw nito si Guind kada ipapasok ko ang karayom sa kanyang balat mula sa naputol niyang kamay. Hindi naman niya kasing kailangan iligtas ang lahat, medyo gago rin to eh. Sino pabang gustong mabuhay sa ganitong sitwasyon. "Sasusunod kasi gumamit ka ng baril. Hindi ung epang-aalay mo yang kamay mong yan." Mabuti nalang at hindi pa kumalat ang virus nang pinutol ko iyon.

"Atlis nga niligtas ka di kapa magpasalamat, ganyan ka ba talaga kasungit?!" Halos mang gigil ito kaya diniinan ko ang tusok ng karayom na ininda rin nito. Mabuti nalang ay may nahanap kaming lugar dito na maari naming pag silungan panandalian.  

Nag kukulang narin ang dugo ni Guind ang mabuti nalang ang napuntahan naming bahay ay parang isang clinic. Mayron itong sapat na kagamitan at mayrong blood bank refrigerator dito. Siguro ang pamilyang nag mamayari nitong bahay ay isang doctor na nangangailangan ng dugo? 

Lumabas si Emily sa kanyang kwarto at nagulat sa nakita. Kinwento ko sakanya ang mga nangyari at kung pano kami napunta dito. Tapos ko nading tahiin ang kamay ni Gundi kaya binalutan ko na ito ng malinis na tela. Nilagyan ko narin siya ng suero baka mamatay pa to di oras kargo de konsensya ko pa.


-EMILY-

Nagamot narin nila Aziel at Mint sila Lazy at Lucas pero wala paring malay. Hindi kami pwedeng manatili dito dahil malapit lang ito sa lugar kung saan nangyari ang gulo, ngunit dahil sa lakas ng ulan hindi parin kami pwedeng makaalis.

Meron nalang kaming dalawa't kalahating araw. Walang kasiguraduhan kung makakaabot kami sa tinutukoy na lugar o kung dito na mamamatay.



Days

A PLACE OF NOWHERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon