Path
Sirang gusali, mga nag kalat na sasakyan, puno ng bakas ng dugo kung saan-saan. Hindi na ito ang dating siyudad na kinalakihan namin. Walang kahit ano ang nan dito ngayon, ni huni ng ibon ay hindi na namin marinig, wari mo ay inabandona na ang lugar nato matapos madaanan ng gulo. Tanging malakas na ihip ng hangin ang aming naramdaman at masangsang na amoy sa lugar.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko pero kibit-balikat lang ang tangi nilang nasagot. Sumisilay na ang araw ng makarating kami sa siyudad. Ni hindi pa kami nag uumagahan dahil simula ng ikulong kami ng mga terorista ay hindi na kami nakakain ng maayos. Maging isang butil ng bigas ay wala kaming nakain.
"Siguro kailangan muna nating humanap ng makakain at ng matitirhan? Kung pagala-gala lang tayo rito wala tayong kasiguraduhang mag tatagal tayo. Hindi nga tayo ma i-infect mamamatay naman tayo sa gutom." Sabi ni Lucas, habang nag rereload ng bala sa kanyang baril.
Bago bumaba ng sasakyan ay hinanda namin ang gamit namin. Mag hihiwalay kami para mas mabilis kami makatakas kung man may makasalubong kaming infected. Bumaba kami sa isang store. Dahil sa gamit ni Mark madali naming nalaman kung may tao o infected ba sa loob. Secure.
Sakabila ng mga nangyari kailangan parin namin mag ingat dahil delikado na kung mapasabak kami sa ingay, siguradong madami ang susugod dito. Hindi na namin kailangan bukasan ang pinto dahil hindi naman ito nakasara. Magulo ang nasaloob at papatay sindi ang ilaw.
Kami lamang ni Mark, Adj, at Bea ang magkakasama. Sila Onue, Aizel, Guind at Margarret sa kabilang store. At sila Lucas, Mint, at Lazy ang humanap ng pedeng masasakyan namin kung saan kasya kami. Agad kaming pumasok at bitbit ang isang bag at dalawang basket, kumuha kami ng mga dilata at mga pedeng kainin na hindi na kailangan lutuin. Hindi na kami kumuha ng mga karne o gulay dahil baka mapanis lang.
"Emi." Tawag sakin ni Mark at nilagay ang bote ng coke sa bag at puno ng mga chichirya. "Wala yang label pero akin yan ha! paki sabi nalang sa iba." Kumuha pa ako ng basket para ihiwalay ang sakanya. Hindi kakasya kung sa bag ko pa ilalagay. Kumuha narin ako ng bote ng tubig o mga energy drink sapat para sa lahat.
"Oh shit!-" mahinang napamura si Mark at hinila kami patago sa likod ng mga racks nitong store na puno ng pabango.
Sumilip ako at nakita kong parang may inaamoy amoy ito at nabanga pa sa aming sasakyan.
*cling*isang lata ang nahulog malapit saamin kaya napatago agad kami ng biglang tumingin sa direksyon namin. Agad ako kumuha ng mga pabango at inispray saamin. Kung hindi ako nagkakamali malakas ang pang amoy ng mga zombie sa amoy ng tao.
"Anong ginagawa mo?" Sabi sakin ni Bea at agad ding tumahimik nang makarinig kami ng yapak. Napatakip pa ako ng ilong nang makaamoy ng masangsang. Sa sobrang baho ay gusto ko nang masuka. Dumaan saming gilid ung infected at halos mapasigaw ako pero hindi, walang boses ang lumabas sa aking bibig. Sumisinghot ito at may pilit inaamoy. Hanggat maaari ay hindi kami gumalaw sa aming pwesto at hindi lumikha ng tunog dahil baka hindi lang nagiisa ang infected na ito.
Halos mapa kapit ako kay Mark sa takot. Hindi naman kasi ako kasing tapang nila Adj na kayanag mag marathon ng mga nakakatakot na palabas. Lalo na at totoo pa itong nang yayari ngayon.
*Growl*
Papalapit ito ng papalapit saamin at may kung anong sinisinghot. Hindi sila makakita kahit na nasa harapan nalang kami nito ang kaya lang nila ay ang umamoy at makiramdap sa paligid.
Bigla itong bumagsak sa aming harapan, kaya napasigaw pa ako, napatingin kami sa taong bumaril. Onue. "Tara na dumadami na sila." Walang emosyong sabi nito sa malamig na boses sabay hila saakin patayo. Agad kaming umalis sa at nakita na namin ang dalawang black SUV na nakaparada sa labas. Si Mark ang mag mamaneho sa isang van at si Onue naman sa isa dahil silang dalawa ay may na tracker sa kanilang phone.
Inilagay ko na ang dalawang magkaibang basket na dala ko sa magkabilang van. "San ka nanaman pupunta?" Ramdam ko ang irritasyon sa boses ni Oneu ng buksan ko ang pinto ng van. "Sa loob ng van??" Saan ba dapat ako punta? At duon ko lang napansing sa maling van pala ang na buksan ko.
Nauna nang umalis sila Onue at pumasok nako sa van nila Mark, alanganan namang habulin ko pa ung van. Wala rin akong choice.
Jealousy
BINABASA MO ANG
A PLACE OF NOWHERE
FantasyIs there's a time that comes to your mind that someday what you have seen in a movie will happen in real life? Are we prepared for what will happen in the future? A lot of people will die, and the world will be abandon.