13

43 10 0
                                    

Days

Napagdesisyonan naming manatili rito  dahil tatlo sa aming kasama ay may malalang kondisyon. Hindi pa namin kayang umalis at mag patuloy sa pag lalakbay, lalo na nakikita kong madaming red lights ang nag pakalat kalat saaming paligid. Gaya ng nakagawian hindi kami lumilikha ng tunog, sinarado narin namin ang bawat pintuan at bintana na maaring mapasukan ng infected tanging butas sa bubong ang nag sisilbing daanan ng liwanag mula sa buan. 

Naram daman ko ang pagtabi saakin ng kung sino man dito sa maliit na sopa. Hindi ko makita dahil madilim. Hindi ko rin matukoy dahil sa nag halong pabango at masangsang na amoy, siguro ay nasanay na ang ilong ko sa mga infect—

Agad akong napapitlag ng maisip na baka hindi tao ang katabi ko at agad kong kinuha ang flashlight at ang armas na katabiko lamang at itinutok ko sakanya. "Easy easy. Ako lang to." Onue. Dahil sa silaw ay napatakip ito ng kanyang mata na ikinatawa ko lang at pinatay na ang ilaw. 

"Ang baho mo kasi akala ko infected." hindi pa nga pala kami naliligo simula nang mangyari itong Zombie Apocalypse? Era? Epidemic? o kung ano man. Mayrong banyo rito pero napalilibutan naman kami ng mga infected so walanag choice kung hindi ang wag maligo. Baka imbis na tubig ang lumabas sa gripo ay dugo naman ang mailabas nito. 

"Anong iniisip mo?" pag iiba nito ng topic. Sa mga katulad ni Onue na isang anak mayaman, siguro limang beses kung maligo to. Napatawa nanaman ako sa isiping iyon. "Nababaliw ka na." pailing iling pa ito.

Nababaliw nga.. siguro sayo?

"Huh?" bigla naman akong napating sakanya. "anong huh?" tanong ko din.

"Sayong ano??"

"Anong saken??"

Napasapo nalang siya sakanyang noo, na iistress na siguro sakin. Mahina akong pumik-up boss pasensya na. Sandali kaming natahimik habang ako ay nilalaro lang ang ilaw na nag gagaling sa flashlight. Itinapat ko ito sa isang bintana at laking gulat ko ng makakita ako ng muka ng infected. Halos mapasigaw ako mabuti nalang ay natakpan agad ni Onue ang aking bibig. 

Nakita naming unti-unting lumalayo ito sa bintana. Woah! kinabahan ako ron. Hindi talaga safe dito wala ring gate at pader ang bahay na ito kaya kahit saan ay makakapasok sila.

"Kung ano man yang iniisip mo wag mo nang alalahanin, sabay sabay tayong makakaligtas sa lugar nato." ngumiti pa ito at tinignan ang bilog na buan sa kalangitan.

creeek~

Agad kong tinapat ang ilaw mula sa pinto ng kwartong bumukas. "Ano ba yan?" inis na sabi ni Adj. "Gabing-gabi na matulog naman kayo tama na landian." lumakad ito papunta sa may bag at kumuha ng inumin. Mabuti nalang at mas maraming pagkain ang napunta sa van nila Adj kaya mayron pa kaming makakain.

"Matulog na sabi." hinatak naman ako ni Adj patayo at hinila papasok sa kwarto. Panira talaga ng moment tong babaeng to. Hintayin mo lang etatali kita ng patiwarik pagkanatapos natong problema natin.

-- 

Kinabukasan ay lumarga na kami paalis ng lugar pahirapan dahil sa mga nag kalat na zombie. Nasa may Taguig kami sabi ni Mark dahil siya ang nag mamaneho si Onue naman ang may hawak ng tablet namay tracker. Mabuti nalang ay nag kamalay na sila Lucas at Lazy kaya kami naka alis. 

Laking pasasalamat ko ng nagkasya kaming sampo sa van, sakto lang at hindi naman ganon kasikip. Mabuti nalang din at hindi umulan ng pagkalakas-lakas.

Ilang kilometro pa bago kami makarating sa lugar mayron daw kaming dadaanang kailangan gamitan ng ship o bangka? hindi pa namin napagpaplanuhan dahil may isang problema pa kaming hinaharap, ang pag punta don.

Kinuha ko ang mga gamit sa likod kung nasan ang ibat ibang armas. 

"Aish, paki tago nga niyan kinikilabutan ako." sabi ni Guind na katabi ko lang. Oo nga pala isa sa mga armas ang itak na gunamit ni Mint pang putol sa kamay nito. Kinuha ko ang silencer gun ang tinig nan kung may bala pa. Madami pang bala ang nasa magazine ng baril at ang iba ay nasa bag kung sakali man maubos. Galing tong lahat kay Lucas.

"Shit," sabi ni Mark na napahinto sa pag mamaneho. "Sa tingin ko kailangan nating dumaan sa mas malayong daanan. "Napupuno ng Infected ang kalsada sanang dadaanan natin."

Sa rutang dadaanan namin siguradong bagong pag subok nanaman ang dadating. Mag kahalong kaba at takot ang aking nararamdaman. Mga isiping pano kung may biglang sumugod nanaman samin pano kung may sasakyang bumanga samin? pano kung may mawala samin? pano kung—

"Ano nanaman iniisip mo?" tanong ni Adj. "Isip ka ng isip baka sumabog utak mo niyan. So ano nga iniisip mo, hah?" 

"Kung meron mang masamang mangyari pano na tayo? At kung malagay man ako sa piligro wag na kayong mag abalang iligtas ako, lalo na sa delikadong sitwasyon." sabi ko at ipinikit ang aking mga mata dahil sa nakaramdam ng matinding sakit ng ulo.  

"Huh? bakit naman? Atsaka wala nang masamang mangyayari. Makakapunta tayo don ng sabay sabay at sama sama. Okay?" 

Sana nga wala nang sumalubong saaming problema.. pero malabo ata iyon.



Together

A PLACE OF NOWHERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon