Together
Mayrong nakaharang sa rutang dadaanan namin, na puno ng kotse ang kalsada at hindi kami makakadaan kung gagamit kami ng sasakyan. Isang paraan lang ang naiisip ko, kung di ang mag lakad don. Mag hahapon narin. Kung mag hahanap pa kami ng ibang rutang dadaanan at mas malayo dito maaring aabot kami ng gabi at sobrang delikado non.
"Mag lalakad tayo." agad akong napatingin kay Adj. Mag rereklamo pa sana ako ng magsalita ito ulit. "Sa estado natin ngayon kailangan nating sumugal para mabuhay."
"Para mamatay kamo?" sabat ko sakanyang sasabihin.
" Wala nang ibang mas malapit na daan na walang nakakalat na infected." Pinakita nito ang tablet at walang pulang nag kumikislap doon."
"Ilang kilometro kung lalakarin natin?" tanong ni Mint. "Nasa may Tancingco,Cardona Rizal na tayo. Kung lalakarin nating mula rito sa Sto. Rosario,"turo ni Guind sa map na nasa tablet. "hanggang dito sa may Laguna Lake, 1.9 Kilometres ang kailangan nating lakarin mga kalahating minuto tayong mag lalakad. Pero kung Makakita tayo ng pedeng masakyan mababawasan pagod natin."
Inihinto ni Mark Ang sasakyan sa may tabi ng isang bahay at bago lumabas ay sinigurado naming dala namin lahat ng gamit namin at mga armas. Kailangan pading maging ligtas kahit walang umaaligid na infected.
2 PM na ngayon at nag liliyab ang init ng araw pero dahil sa mga gusaling nakatayo ay nabawasan ang init. Tahimik lamang namin tinatahak ang lugar. Madaming nagkalat na mga bangkay o mga infected pero hindi narin sila gumagalaw dahil sa halos nabiyak ang kanilang ulo. Nakakadiri man pero ano ngabang magagawa namin?
Kada may sasalubong saamin ay napapatago kami sa mga likod ng gusali o kotse, kaya mas napapabagal ang pag punta namin sa Lake. Agad kaming napatago sa gilid ng building nang may isang infected ang napadaan. Agad ko itong inasinta at napatumba ko rin ito.
nagpatuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa makarating kami ng San Roque. mag iisang oras narin kami nag lalakad. "Mag pahinga muna tayo." halos hingal kong sabihin. Nasa may Gasulinahan kami.
"ilang metro pa kailangan nating lalakarin?" Mahinang tanong ni Beatrice. Napatingin pa ito sa araw na halos palubog na. "850m." sagot ko. Napatingin ako sa relos ko at nakitang umiikot ang kamay nito. Sira na ata. "Mark anong oras na?" tanong ko, kaya napatingin ito sa kanyang relo. "5 na. Sira ba relo mo? o' sayo nalang to." Ibinato naman niya ang kanyang kaninang suot na relo kaya hindi nako naka angal pa.
"Tara na." Sabi ko habang tinitignan ang buong paligid. Wala namang pakalat kalat na infected. Click. Sa isang tunog ay gumuho ang lahat. Nagkaroon ng malakas na pag sabog dito sa may gasulinahan at halos mawasak ang mga kaninang nakatayong pader. Naglikha ito ng malakas na tunog na maaring naka attract ng mga infected na sakop ng lugar.
"Ack!" Tatayo nasana ako ng may maramsaman akong mahapdi at masakit sa aking paa. Na daplisan iyon ng matulis nabagay nang mayrong tumulak sakin, ngunit ang mas kinagulat ko ay ang katawan ni Margarret na natabunan ng mgamalalaking bato. "Hey! M-marga-rret!" Tinapik tapik ko pa ito upang gumising.
"Emily..," umubo ito at halos sumuka ng dugo. Duon ko lang napansin ang nakatarak na malaking tubo sakanyang tagiliran. "I.. I'm sorry.. Sana mapatawad mo pako-- sa lahat lahat ng mga ginawa ko sayo."
Hindi ko na mapigilang umiyak sa sitwasyon namin ngayon. Ang hirap.."Hey, kung ano man ung mga ginawa mo. Pinapatawad na k-kita. Aalisin lang natin tong t-tubo at aalis sa lugar nato." Hinawakan ko pang ang kamay nito. "please lang."
"Masaya akong.. m-makatulong. Kahit sa huli na *cough* at sandali ay may nagawa akong ta-tama. Salamat, Emily." Kasunod nito ang pag bagsak ng kanyang kamay nakanina ay hawak ko lang.
Masakit pero kailangan ko pang puntahan ang iba na ikinagulat kong kalahati samin ay natabunan ng mga malalaking biyak ng bato.
"No.."
Sa sandaling iyon ay bumalot ng katahimikan ang paligid at halos wala akong marinig maliban sa tunog ng orasan at ang tunog na nang gagaling sa tracker.
Road to END
BINABASA MO ANG
A PLACE OF NOWHERE
FantasíaIs there's a time that comes to your mind that someday what you have seen in a movie will happen in real life? Are we prepared for what will happen in the future? A lot of people will die, and the world will be abandon.