Nuclear
"Nasan sila?" unang tanong ng magising si Emily. Ang kasama nito ay nagising rin, maliban kay Margarret, ilang segundo bago dakipin si Ajin. Nakita nito ang teleponong bumagsak at nakita ang message na naiwan nila Mark.
[Anong nangyayari diyan? Adj? Nandito na kami sa..]
[Who are you?]
[...]
"So hindi sila mag kasama, nasan si Adj?" Kinuha nito ang tracker at nakita ang apat na orage na kumikislap. "Hindi kaya sila 'to?" turo ni Lazy.
Kinuha nito ang itim na jacket sa may bag at nilagay ron ang ng baril. kinuha rin ni Emily narin ang usb tracker na naka connect sa loptop. "Saan ka pupunta?"
"Pupuntahan ko sila. Hindi naman sila aalis ng walang pasabi. Maiwan kayo dito kasi masyadong delikado." Hindi paman nakakapag salita ay umalis na ito sa tent.
Not knowing na kailangan niyang mamili sa puntong may buhay ang mawawala.
-Emily-
Nasa may lumang building ako ngayon malayo sa mga tao. Nakita ko ring may ilang infected na umiilaw dito sa lugar. Napatago naman ako bigla nang may marinig akong kaluskos at isang lalaki ang dumaan. Agad ko itong inasinta at binaril. Iginaya ko ito sa may sulok upang hindi siya maka hambalang sa daraanan at wala ring makakita sa kanya.
Habang nag tatago sa dilim ay may narinig akong dalawang nag sasalita. Ilang dangkal lang ang layo sakin. "Hindi mo paba papatayin yon?" tanong nung isa. "Hindi pa, Hindi mo ba siya namumukaan? Anak siya ng Gobernador natin. Madami tayong makukuhang pera. Ajin Carlos Amoto"
Umalis naman sila agad at gamit ang tracker nakita kong palabas na sila ng building. Hinintay ko lamang silang umalis at nag simula nang puntahan ang kulay kahel na ilaw.
Nakita ko sila Guind na nakagapos sa isang tabi kaya agad akong lumapit at tinangal ang mga taling nakagapos sakanila. Bigla namang nagising si Onue at itinulak ako bigla. Nakita ko ang isang infected na muntikan nakong na abot.
Agad ko itong binaril sa noo kaya bumagsak rin ito. May isa pa akong nakita sa may gilid kaya agad ko rin itong binaril. Dalawang pulang ilaw ang nasakabilang kuwarto
"Si Adj!" Agad namang tumayo at nag madaling lumabas si Mark. Agad kaming sumunod kay Mark at napatigil isang babae mahaba ang buhok ang nakatalikod samin. Wag mong sabihing huli na kami-
BIgla itong lumingon sa aamin at nagulat ako ng bigla nalang itong matumba ng papalapit samin. "Adj!" Bumungad saamin ang buhay na buhay na katawan ni Adj. Lumapit si Mark at niyakap ito. Di naman mawari ang muka ni adj at naka turo ang kamay sa lalaking yumayakap sakanya. "napano to?" tanong niya saamin.
"Tara umalis na tayo! Sabi sakin mag papasabog sila ang nuclear bomb sa lugar pag sapit ng 12:00 ng madaling araw. Kailangan na nating umalis dito!" Sabi ni Adj at nag madali kaming dinala sa exit.
"At san naman kayo pupunta?" Isang lalake ang sumulpot sa aming harapan.
"Mauna na kayo!" Agad kong pinaputukan ang paa ng lalaki. MAy iba pa itong kasama ako lang ang may baril saamin ngayon. Agad kaming nagtago sa likod ng mga pader. "Habulin niyo sila!" Utos naman nito. Nakarinig ako ng mga mabilis na yabag ng paa. Nakita ko rin na maliban sa patalim ay may mga hawak din itong baril.
Hindi pa man nag tatagal ay nakarinig kami ng sigawan, iyon ang pagkakataon namin tumakas.
"AH!" Napalingon ako at nakita si Adj hawak ng isang lalaki. Susugurin sana ito ni Guind ng may biglang sumulpot saaming gilid at biglang sinaksak ito. "Guind!" Agad namang pinatumba nila Onue at Mark Ang lalaki. Nakarinig nalang ako ng putok ng baril at nakita kong may humarang non para saakin. Sabilis ng pangyayari ay may mga sunod sunod na yabag akong narinig palapit saamin.
"Onue.." Nakita ko ang dugo na mabilis na dumadaloy sa kanyang kamay. agad ko iyon tinapalan ng panyo na naka bulsa sa aking jacket. Binaril ko ang taong bumaril sakanya at sunod sunod ang balang tumama sa may hawak kay Adj.
Sa bilis ng oras ay nakarating na ang dalawang infected saamin. Agad naming tinullungan si Onue at inalalayan naman ni Mark si Guind.
Binaril ko ang sunod sunod pang humahabol saamin. Pagkarating namin sa lugar ay halos di na namin ito na kilala dahil sa gulo ang mga tao ay nakahandusay na sa ibat ibang sulok ng paligid.
"Emily! Adj!" Tawag saamin ni Mint. "Tara na! sumakay na kayo sa Chopper! Aalis na tayo!" Gulong gulo man ay sumunod kami agad sakaniya. Nakita namin sila Tita sa may tabi. Agad naman itong pinuntahan ang kaniyang anak at lubos na nag aalala.
"Sumakay na kayo! sabi nila may tatamang nuclear sa lunsod ng Maynila pasadong madaling araw. Bilisan niyo." Agad naman kaming sumakay nakita kong naron na sila Marg. Dahil sa hindi kami kakasiya ay may isa pang chopper ang narito ngayon sa grounds. Hindi na kami pedeng magtagal dahil mayron akong nakitang isang bagay sa kalangitan ang pabagsak ilang kilometro ang layo samin.
Kita sa kalangitan ang liwanag na kumikislap. Medyo nakakalayo palang kami sa lugar pero mabilis ang pag bagsak noong kung ano man. Ilang segundo palang ang nakalipas ay mayrong malakas na impact ng hangin tumulak sa sinasakyan namin kasabay ng pagsabog ng bomba na siguradong buburahin ang Maynila sa mapa ng Philipinas. Dahil sa lakas ng hangin ay halos mawalang ng control ang eroplanong sinasakyan namin.
Sa haba ng nilakbay namin upang maging ligtas, hindi talaga natin malalaman kung kailan tayo hahantong sa katapusan. May mga bagay na hindi permanente dito sa mundo. May mga bagay na hindi natin inaasahang dadating sa buhay natin at kukunin ang mga taong malapit saatin. Sa kabila ng mga napagdaanan ay may makikilala kang mga taong magiging bago mong kaibigan at sasamahan ka sa bawat pag subok ng iyong buhay.
Dito ko lang na isip na sa isang pagkakamali o maliit na pinag mulan ng problema ay maaring lumaki at lumala na makakapinsala sa bawat buhay ng indibidwal. Kaya maging matalino, sa bawat landas na iyong pipiliin.
Wag maging gahaman sa kapangyarihan dahil doble at mabilis na may kapalit itong KARMA.
"I, Emily Gonzales, finally found a Safe Place."
---
THE END
[Thank you for reading my story!(kung meron manHAHAHA) Very appreciated!]
DISCLAIMER:This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
I apologize if there might be wrong grammar or typos. Thx ;}

BINABASA MO ANG
A PLACE OF NOWHERE
FantasyIs there's a time that comes to your mind that someday what you have seen in a movie will happen in real life? Are we prepared for what will happen in the future? A lot of people will die, and the world will be abandon.