2

142 24 6
                                    

Beginning

Nagpahinga muna kami saglit sa may tabi ng ilog. "Di paba tayo babalik? 2AM na guys." Antok kong sabi sakanilang lahat. Medyo masakit nadin paa ko sa ilang beses kong pagkakatapilok sa mabatong daanan kanina.

"Tara na nga scam naman ata yang ni research mong magandang spot dito, Ajin." Angal ni Guind na pagod na rin.

Napag desisyonan na naming bumalik sa camp dahil pagod narin ang lahat. "Kaya mo pa Emi?" napasandal nalang ako sa balikat ni Adj(Ajin).

"nakakapagod naman guys ano bang naisipan niyo at ngayong gabi pa kayo nag libot." sabi ni Beatrice at tumabi pa ito kay Onue. Kinatikat ang sarli sa kanyang braso habang abala namang may tinitignan si Onue sa kanyang camera, agad din niyang inalis ang kamay ni Beatrice. 

lumayo nako kay Adj para mag lakad ng maayos kasi baka makaidlip ako sa balikat niya. Bigla nalang akong natapilok pero may humawak sa braso ko. Onue..

"Mark, paki hawak muna to." sabay abot ni Onue  sa camera niya kay Mark. Huminto si Onue saka umupo sa harap ko, tinapik ang kanyang likod para sabihing bubuhatin niya ako. "w-wag na.."  

wala naman akong nagawa kung di ang mag pa buhat sakanya kasi wala siyang balak tumayo tsaka aarte paba ako? 

--

"Oh shit!" Bigla akong napa mulat ng sumigaw si Mark sa di malamang dahilan. Nakita ko ang patay na usa sa di kalayuan saamin. May kasama itong iba pang usa. Akala ko ay nilalapitan lang nila ang kanilang kasamang patay pero kita kong inaamoy amoy nila ito at saka biglang kinagat.

"A-anong na-nang yayari??" tanong ko kay Onue. "Hindi ko alam.." nag tago kami sa likod ng puno upang hindi kami makita. Hindi naman kasi normal sa mga usa ang kumain ng kauri nila kasi considered silang herbivores o mga dahon lang ang kinakain nila.

"Kaya mo bang umakyat?" Tumango ako sa tanong ni Onue. Kaya ko naman maglakad kanina pero sayang naman ung moment eh. HAHA

Mula sa punong inakyat namin matatanaw sa di pang kalayuan ang camp site namin. Sana okay pa ang lahat don.


"Oh my! mag kakarushes na ata ako ano ba to ang daming insekto!"

"Asan na ba sila nauna naba sila?" 

"ano yun guys? hala may raindeer!"

"UMALIS KAYO DIYAN TUMAKBO NA KAYO!" sigaw ni Guind sa kabilang puno. Agad namang nataranta ung tatlo at nag hanap ng matataguan. Dahil sa ingay nakuhanamin ang atensyon ng mga usa kanina. Mabilis silang pumunta sa kung nasaan ang ingay. They are blind?

"Anak ng-" nagulat kaming lahat ng may narinig kaming pagsabog sa camp mula sa pwesto namin nakikita ko ang usok mula ron. Naririnig din namin ang mga sigawan ng mga estudyante humihingi ng tulong. 

"anong gagawin natin? anong nangyayari?" tanong ko kay Onue. Maging siya ay hindi alam ang sagot.

dahil sa pagsabog natakot ang mga usa kaya nagkaron kami ng tiyansang maka babat at makaalis. Napag desisyonan naming pumunta sa van namin. Pero hindi namin inaasahan ang nadatnan namin. Mga patay, duguan, at mga walang malay. Ang mga tent ay nabahiran ng dugo maging ang mga sasakyan. kumuha kami ng mga bakal o kahoy na pede naming pang laban kung may sumugod man.

naka lock ung sasakyan kaya sigurado kaming walang nakapasok don. "pano tayo pupunta don?" dumaan kami sa likod ng sasakyan walang nakapaligid kaya unang pumasok sila Mark, Adj sa loob.

Papasok na sana ako ng may kamay na humila sa paa dahilan ng pagkakaupo ko. Halos mapasigaw ako  ng pilit nitong inaabot ang paako. Ang kulay ng mga mata nito ay puti at puno ng mga ugat at ang laway nito ay tumutulo na sakanyang bibig. Nasa ilalim siya ng aming sasakyan kaya ng makita ako ni Onue agad niya itong punukpok sa ulo at nagkalat ang dugo.

Agad kaming pumasok sa sasakyan nakita namin sila Guind at Kyla sa may tabi ng puno. Umiiyak si Kyla at pilit namang pinapatahan ni Guind. Nakita kong may mga mabilis na gumagalaw sa likod ng mga dahon agad pina andar ni Onue ang sasakyan at agad pinaharurot sa puwesto nila. Saktong lumabas ang usa kaya nabangga ito.

Binuksan ko kaagad ang pinto at agad silang pinapasok. Hindi parin tumatahan si Kyla kaya binigyan ko siya ng inumin galing sa mga box sa likod ng sasakyan may dalawang box  padon na naiwan puro pagkain at inumin.

Nakita ko ang ibang nag sisibangon na kanina lang ay patay na. 



Hide or Die?

A PLACE OF NOWHERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon