4

102 19 2
                                    

Spreading

Dahan dahang pina andar ni Oneu ang sasakyan. "What the hell," Nag kakagulo sa Park, wari mo ay may naganap massacre sa lugar nato. Ang mga tao ay kinakain ang kapwa nila. "is happening?" maarteng sabi ni Lazy ng makita ang mga tao nagkakagatan. Ang wild nila tignan. 

Hindi pa kami nakakaalis ng-

BEEP! BEEP!

Sa sobrang bilis ng pangyayari. Isang sasakyan ang sumalpok sa aming sasakyan dahilan ng pagbaliktad nito. Sobrang sakit, sobrang sakit ng ulo ko. "Emi," malabo ang mga nakikita ko maging ang pandinig ko ay mahina.

"Emi!" Sa boses na yon na nag mumula sa lalaking kinaiinisan ko noon. "Tara na!" Hindi ko inisip na balang araw ay sakanya ako mahuhulog. "Please! gumising ka. Tara na samahan mo ko. Huwag mo naman akong iwanan.." Nakatanggap ako ng malakas na sampal na nang galing kay Adj kaya nag balik ako sa wisyo. 

"Gaga! tara na habang wala saatin yung atensyon ng mga patay na nag lalakad nayon." sabi nito. Saka kinolekta ang mga gamit. Lahat sila ay may galos at sugat sa nangyari.  Nang mapatingin ako kay Onue ay halos siya ang napuruhan. May sugat siya Braso maging sa kanyang magandang muka ay nadaplisan ng mga nabasag na salamin kanina. 

Pero wala na kaming oras para problemahin ang mga natamo namin. Dumaan kami sa back door ng van dahil walang mga pakalat kalat na zombie ron. Nakita ko ang sasakyang bumanga saamin halos duon napunta ang atensyon nila kaya kami naka takas.

Tahimik naming tinahak ang gubat papuntang  siyudad, pilit hindi gumagawa ng tunog. 

'Kringgggg' Napatigil kami sa pag lalakad ng mag ring ang aking cellphone, kinakabahan ko itong nilagay sa silent mode. Napapitlag kami ng makarinig kami ng yabag ng mga paa patungo samin. Mabilis kaming napatakbo papunta sa kalada, sakto at mayrong sasakyang napadaan samit at huminto sa harapan namin.

"Sakay na dali!" Sabi ng lalaking nag dadrive. Nagkasya kami sa loob kahit na siyam kaming katao. Mayrong tatlong upuan sa gitna at likod. Dalawa naman sa harap, ang passenger seat at driver seat. 

Katabi ko si Adj, Onue at Kyla. Si Guind at sila Margarret ay nasalikod. Si Mark naman ay naupo sa passenger seat.

"Thanks to that call, we are in this trouble." Sabi ni Beatrice. Saka ko lang na alala na may tumawag sakin, nakita kong tumawang ang aking magulang. Napuno ng text messages ang phone ko.

'I'm in New York, Ly. What's happening there?'

'Is there's something wrong?'

Ramdam ko ang tingin ni Onue, hindi ko lang alam kung sakin ba o sa phone. O di kaya ay masyado lang akong ilusionada kaya kung ano-ano nararamdaman ko?

'did you already confess your feelings to Onue?' out of the blue, text ng aking ina. Napapatay agad ako ng phone ng mabasa yon. Hindi ko alam kung nakita niya ba yon o ano. MAMA! lagot ka sakin pag nagkita tayo!

Kailanga ko pang patagong mag chat kay Mama dahil don. "What are you doing?" natatawang sabi ni Adj. "I thought you were taking a picture of Onue." Napatingin naman ako kaagad kay Adj. Hindi ko na talaga alam kung tunay kong kaibigan to eh.

Hey! Na alala ko ung sugat niya. Agad kong kinuha ang first aid kit ko na nasa bag ko. Mabuti ay nakuha ko ang gamit ko bago kami umalis ng van. Nilahad ko ang kamay ko sa harapan niya.Naintindihan naman niya agad ito at nilahad ang kaliwa niyang braso. Nilinis ko muna ito gamit ang alcohol, saka ko nilagyan ng gamot at  tinapalan ng malinis na tela.

"Where are we going?" Tanong ni Onue sa driver na tumulong saamin, pero hanggang ngayon ay di parin namin siya kilala. "And who are you?" 

Nilagyan ko rin ng gamot ang sugat niya sa muka at eto namang katabi ko todo kilig pa. Pag talaga natapos tong mga nangyayaring to, lagot ka sakin Adj!

"Lucas," Pag papakilala nito saamin. " and we're going to a safe place" to a safe place?



Safe Place?

A PLACE OF NOWHERETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon