SEASON 4: OPENING!!!

31.1K 259 22
                                    

Author's Notes: Okay... Itong part na ito eh parang PREVIEW lang para sa mga susunod na chapter. This is like the SEASON 4 Opening of Love-Nat... kasi ito na po yung LAST SEASON. Kung baga FINALE... more or less masasagot na ang karamihan sa mga katanungan niyo sa mga susunod na chapters from here. :)

-------------------------------------------

Present day!!

As in PRESENT DAY!!

The clock strikes 10 when she arrived home. Bugbog sarado ang katawan niya. Hindi dahil sa trabaho… pero dahil sa byahe!! The ride home from MRT was horrifying & exhausting beyond words. Sa tanan ng buhay niya, ngayon lang siya sumakay ng MRT at ngayong naiisip niya from this day onwards lagi na siyang makikipagsiksikan doon… parang gusto tuloy niya sumigaw ng isang malutong na Pakyu. Sus mio, milyon-milyong tao ang sumasakay sa MRT ee para ba naman silang sardinas na pilit pinagkakasya isang lata!! Samu’t saring amoy at pawis!! Sa totoo lang wala naman sa kanya yun, pero ang pinaka ayaw kasi niya sa lahat yung may dumadapong buhok sa buhok niya!! Sa buong parte ng katawan kasi niya, yun lang ang namumukod tanging concern niya: ang buhok niya.

At ayun nga, today was her first day at work. After graduation, nakakuha agad siya ng trabaho as an Accounting Assistant. The company’s name wasn’t close to being popular, but it was already huge in its own industry of imports. Sa totoo lang, hindi niya talaga sinubukan pumasok sa malalaking kumpanya. Kakaiba kasi talaga siya mag-isip. She has a brilliant mind but sometimes people misunderstand her, lagi kasi siyang mukhang walang pakialam sa mundo. She wanted to gain experience first before venturing into top corporations such as San Miguel, Ayala & the like. And she saw a great opportunity in her first job; the company is huge but it still has a lot of rooms for improvement kaya mas macha-challenge siya dito at nakikini-kinita na niya… mapro-promote siya agad dito. Haha.

Opportunist, that’s what she is.

She aimlessly dropped her pair of Cardam’s shoes in her room. Dios mio, sooobrang sakit ng paa niya!! Nung college siya, ni minsan hindi siya nagsuot ng de-takong na sapatos… NGAYON lang!! At parang gusto na niyang punitin ang skirt na suot-suot niya!! Animales!! Naka-office attire siya… nakakalinlang… akala mo kung sino siyang kapita-pitagan!! Haha. Kung alam lang nila…

She sat in front of her desk kung saan nakalagay yung laptop niya. She stared at it for a long time debating whether to open it or not. She sighed in exhaustion & reached for her cellphone instead. She felt a heavy feeling of sadness ng mapatingin siya sa blank screen ng phone niya.

Walang messages.

Walang miss calls.

Bigla niya na-miss ang mga kaibigan niya… Parang this was the first time she spent the day without any of her friends…

Simula na talaga ito… Kailangan na niyang sanayin ang sarili niya na wala sila sa tabi niya… Tumatanda na talaga sila. Haha. She gave a small smile. Lahat sila busy na sa kanya-kanyang buhay…

And with all her strength she finally decided to open her laptop!! Sasaglit lang ako… pramis!! She thought. Pano ba naman kasi, kapag kaharap na niya ang laptop niya, nakakalimutan nya ang oras. Alam niyang maaga pa siya bukas… that’s why she can’t risk sleeping late tonight.

Facebook.

Oo. Yan ang unang-una niyang binibisita kapag naka-online na siya. No, she’s not going to log-in with her personal account but rather with her other account.

Yung Elliedelights.

For some unexplainable reason, everytime na naglo-log-in siya dito, she couldn’t help but smile. Ilang buwan na siyang hindi nakakapag update nung online story niya. Umuulan na ng messages ang inbox niya pero iisa lang ang laman ng mga ito: Kailan ang update?

“Haha.” She laughed, amused & feeling slightly guilty.

Yung iba pa niyang messages na nakukuha ganito ang laman–

hello po isa po pla ako sa magbabasa sa love-nat…wala na po bang update nong love-nat?hinihintay ko po kc ehh salamat poh sana meron……tc po – Rhomeliza Artajo Montalba

ATE ELLIIEEE! grabe ka naman magpa-miss. sobrang effective.  Haha. XD UPDATE NA PLEEEAASSEE? sobrang miss ko na ang LOVE-NAT. <///3 – Rhen Tirones

hai po! pa-accept.. 12 yrs old pa lng po aq pero na-adik na aq sa love-nat..ang gnda gnda kc tlga..haha.. nai-imagine q kc c sef as my crush..kunwari ,,aq nmn c ellie! hahaha.. sna ndi pa po mtapos..mami-miss q LAHAT ng characters. .cnu kya mkakatuluyan ni max??haha.. more powers po..!i miss ellie and sef,,SO MUCH ~sana po magreply ka~hehe.. thanks po sa wlang sawang pagsusulat !! – Jazmine Pauline

huy ate Ellie! hahaha wala lang. kakakita ko lang sa bagong commercial ni John Lloyd mo  yung sa Ayosdito.com ba yun. basta. natawa ako, ang cute nya nu:) naaalala kita bigla. adik lang. haha!
Drugs ka ba ate? – Ai Herbosa

After she finished reading all of her messages… for the brief moment she would feel all fired up… para siyang sasakyan na naka full tank, mas lalo siyang inspired na magsulat… she’d fool herself na kaya na niyang ituloy yung istorya niya… but then again… hindi na talaga katulad ng dati ang lahat… right now… as the blank screen of Microsoft Word appeared in front of her & the cursor kept blinking…

Not a single word would come out…

…her hands remain lifeless atop the keyboard.

Then she felt her heart hammering against her chest…

Papano ba niya itutuloy ang isang istoryang naka-base sa buhay niya? Naka-base sa mga totoong tao na nakapalibot sa kanya? How was she supposed to continue without… without reminiscing the pain all over again? Naka-move on na siya!! Tapos na yun!! Tapos na!!

The present now… that’s what’s more important…

“Sef…” She muttered the name & it has never sounded so painful. She hated herself for doing that!! For recalling him… for even mentioning his name!! “Nakshuta…” She growled.

Without thinking, she closed the Word application, exited Google Chrome & pressed SHUT DOWN.

To be continued.

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon