Chapter 58-1. Shadow Clone no Jutsu!

13.6K 312 74
                                    


Author's Notes: Medyo mahaba po 'tong update na 'to. Hehe. :D After na siguro ng final exams ako makakapag-update ulit. :)

PS. Para po sa mga maka-Darren Max Sanchez ang chapter na 'to. Please be ready to say good-bye to him. :) 

Ciao! And enjoy the show -- este update pala. :)

--------------

Love-Nat, isang makulit na love story! 
by: Elliedelights

Chapter 58-1. Shadow Clone no Jutsu

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Matagal kong pinagmasdan ang sarili ko sa harap ng salamin. I sat there for what seemed to be forever. This is perhaps the longest time I’ve spent in front of a mirror. Wala naman akong gaanong ginagawa kung hindi ang titigan lang ang mukha ko mula sa iba’t ibang anggulo.

Hindi naman ako ‘yung tipo na nagi-invest sa sarili. I don’t have time to comb my hair, spray perfume on me and place make-up on my face. Hindi ko trip ‘yun, alam niyo ‘yan. Ayoko ring tumitingin ng matagal sa salamin. Iniisip ko wala namang magbabago eh. Haha.

But as I sat there in my own room, staring at my own reflection. Napansin kong sabog pala ‘yung mga kilay ko. Medyo dry ng kaunti ‘yung mga labi ko. Na sobrang taba pala ng mga eye bags ko. At medyo mabilog pala ang hugis ng mukha ko. I can go on and tell you all the wrong things I see on my face. I may not be the prettiest girl in the entire universe, pero sa tuwing naiisip ko si Sef pakiramdam ko isa kong diyosa na naligaw lang sa planet Earth. Haha.

♪♪ Ang ganda ko ~ feel na feel ng long hair ko. ♪♪ Kanta ko sa harap nung salamin. Hinahawi ko pa nga ‘yung imaginary long hair ko eh. Haha. Paksyet lang ‘di ba? Haha. Eh bakit ba? Kuwarto ko naman ‘to! Malaya akong magpaka-baliw! Tss. Kahit naman nasa labas ka ng kuwarto mo isa ka pa ring baliw Elyonor! Haha.

Natawa ko bigla. Dapak, pa’no ko ba nabighani ang isang Miguel Josef Uy Monteverde sa itsura kong ‘to? Haha. Nakakaloka lang talaga!

Matapos ‘yung mga pangyayari sa bahay ni Sef, napansin kong medyo nagiging conscious ako sa sarili ko. I’m starting to get aware of myself. Unti-unti ko nang napapansin yung itsura ko, ‘yung mga bagay na hindi ko naman napupuna noon eh madalas ko nang napapansin sa sarili ko. Halimbawa na lang eh ‘yung tiyan ko na feeling ko eh ubod ng taba dahil sa nasasalat kong laman, ‘yung super chubby kong cheeks. Hindi naman talaga ako katabaan pero pakiramdam ko ngayon saksakan ko ng taba. Haha. Lechugas kasi kung makakain ako lagi eh parang wala ng bukas!!!

HUWAW! Seryoso? Sinisisi mo na ngayon ang pagkain? Haha. Bago ‘yan Ellie! Apir!!!

Sabi nila, there will come a time when a girl has to look at herself in the mirror and see nothing but her flaws. Feeling ko, ‘yun ‘yung nangyayari sa’kin ngayon. I’m not perfect! I don’t think I’m cute or pretty. But lately, as I stare longer at myself the more I wonder what Lianne looks like. Sa pagkaka-kwento ni Sef nung isang araw, she’s the most beautiful girl he has ever set his eyes on. Eh pa’no kung gusto ko AKO‘yung most beautiful para kay Sef para hinding-hindi na sasagi sa isip niya ‘yung Babe niyang ‘yun? TOINKS! ‘Wag kang ambisyosa Elyonor, ikaw na rin ang nag-sabi kahit gaano mo katagal titigan ‘yang sarili mo sa salamin WALA NG MAGBABAGO!!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon