Chapter 56-1. Love-Nat Musketeers!

17.2K 310 83
                                    

Author's Notes: Hey guys! The update's here! :) At may balita ako sa inyo -- naipasa ko na rin yung Manuscript ng book 1 nitong Love-Nat sa LIB. Hehe. Kayo may kasalanan nito eh. (Nanisi bigla?) Haha. 'Di ang gusto ko talagang sabihin eh, MARAMING-MARAMING SALAMAT kasi hindi n'yo ko sinukuan. Haha. Hel-lo? Ilang new year ang kailangan dumaan bago ko mag-update 'di ba? Haha. Kaya SALUDO ko sa inyong lahat! Salamat. Salamat. Salamat. POWER HUGSSSSS. :D 

----------

Chapter 56-1. Love-Nat Musketeers!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Lahat naman siguro tayo merong kinakatakutan. Yung iba takot ma-disappoint ang parents nila, takot bumagsak sa kursong kinukuha nila, takot mapag-isa, takot malipasan ng panahon, takot mawalan ng pera, takot mawalan ng taong minamahal, takot sumugal sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan, takot mahusgahan at takot sa sasabihin ng iba at marami pang iba.

Well, we all are scared of something and it’s normal. Yung iba pa nga takot masaktan at higit sa lahat takot mag-mahal. Oo na, sige na! Aamin na ako! AKO YUN! Haha. Ayan ah, umamin na ko! Sssshhh, atin-atin lang dapat yan!

But being scared doesn’t mean we’re cowards; we will only become one if we don’t do something to face those fears. Wag mong palagpasin ang mga pagkakataon dahil lang natatakot ka.

Alam niyo, aaminin ko sa inyo na sa punto ng buhay ko ngayon, saying yes to Sef and finally going out with him are the most boldest and most daring things I’ve ever done in my entire life. Mas malala ‘to kesa sa mga cheating strategies namin ni Borge nun, wala ‘to kumpara sa mga kabaliwan ko nung napagdesisyunan kong makipag-habulan kay Manong Guard sa MUP.

Honestly, I am scared more than ever dahil hinayaan ko na talagang mawala yung barrier na ginawa ko para protektahan ang sarili ko. Pero ngayon, I guess I’m willing to take the risk and most of all I am willing to gamble everything para lang sa gagung ‘to na siyang pumunta lang pala dito sa bahay para sunduin ako.

Kababalik lang ni Sef at ni Papa mula sa usap-session nila Nakaabot pa nga ata sila hanggang dun sa talyer. Ayaw nila sabihin kung ano yung napag-usapan nila but it turned out na plano pala ni Sef na ipagpaalam ako para yayain kumain ng dinner sa labas.

“Saan ba yan?” Seryosong tanong agad ni Papa. “At anong oras mo ihahatid ang anak ko?”

Napalunok si Sef. “Uh, sa may Antipolo po Sir.” He answered politely. “Together with my family po, and maybe around 11 nandito na po si Ellie.”

“11? Ano bang ipapakain mo sa anak ko? Bakit gagabihin ng ganun?” Ano ba naman ‘tong si Papa!!! Nakakaloka!!! Parang mas lalo pa siyang naging strict nung nalaman niyang boyfriend ko na si Sef. Haha. Wala naman siyang dapat ipangamba kay Sef, sus mio wala namang gagawin yan sa akin eh. Ang dapat na problemahin ni Papa eh yung gagawin ko kay Sef. Muahahahaha. Toinks! Lechugas ka talaga Ellie!

“Uh, 9 po pala nandito na siya sa bahay.” Kabado at parang pilit na lang na naisagot ni Sef.

“Pa naman,” Lambing ko sa Papa ko. “Malayo yung Antipolo. Paano ko mabubusog nun? Baka pag-dating namin dun hanggang amoy na lang ako nung handa nila Sef.”

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon