Chapter 58-2. Shadow Clone no Jutsu!

13.8K 352 69
                                    

BASAHIN MUNA --

Hellooooo guys!!! HAPPY HAPPY HAPPY NEW YEAR!!! Kamusta ang pasko at bagong taon niyo? I'm sure masaya at maraming pagkain at putukan. :) Technically, January 1 pa lang dito sa kinaroroonan ko. So hindi pa talaga ako late sa pag-bati! :) But I want to start the year with an update. So bago pumatak ng 12 mignight dito eh gusto ko sanang ma-post 'to.

Medyo hesitant pa nga ako i-post 'to kasi gusto ko pa talaga sanang HABAAN (as usual) kaya lang hanggang dito lang talaga umabot ang powers ko. Hahaha. Alam ko namang SANAY na kayo sa'kin eh.

Pasensya na nga rin pala if I'm not too active lately (either on twitter, fb, etc). At hindi ako nakaka-reply sa mga mensahe niyo. I might lay low for a little while as Elliedelights. But rest assured that I will still continue the updates.

I'm really looking forward to a lot of wonderful things this 2015 -- SANA ITO NA 'YUNG YEAR NA MATAPOS KO NA 'YUNG LOVE-NAT. Hahaha. SANA LANG TALAGA. (Utang na loob lang!!! Hahaha)

I hope we will all have a blast this year.

Love you guys. 

God bless. 

Ang Female Version ni Juan Tamad,
Elliedelights

--------------

Chapter 58-2. Shadow Clone no Jutsu!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

 

Isa talagang malaking pala-isipan sa akin kung meron ba akong tinatago-tagong balat sa puwet. ‘Yung tipong invisible at lumalabas lang sa tuwing meron akong klase sa MUP at sa tuwing meron akong mga lakad o appointments na dapat kong siputin.

 

Aba, dahil ata sa invisible kong balat eh sanay na sanay na akong ma-late.

Alam niyo naman na siguro at hindi ko na kailangan pang ipagsigawan – isa na akong dakilang propesyonal sa larangan ng pagiging LATE!!! Memoryado na nating lahat ‘yan!!! Haha.

Minsan, kahit hindi ko sinasadya lagi pa rin akong huling dumadating. Hindi ko alam kung bakit hindi talaga kami nagkakasundo ng oras. Pramis, minsan kahit hindi ko sinasadya… kahit na sobrang aga ko ng umalis sa bahay nandiyan naman ang trapik, o kaya nandiyang wala akong masakyan, kaya kahit anong gawin ko LATE pa rin ako. Lagi ‘yan. Kahit hindi ako mag-exert ng effort.

Kagaya na lang ngayon. Sobrang trapik papunta dito sa GWAPS. Siguro kasi nga merong event sa school nila Sef kaya ang daming sasakyan, ang daming taxi, ang daming TAO!!! Anakshutang animales!!! Bakit ba kasi hindi puwedeng PALIPARIN ang mga sasakyan? Kung puwede lang talaga tawagan si Superman at magpa-deliver sa GWAPS eh!!! RAWR!!! Lintek na trapik ‘to!!!

Halos tumalon ako pababa nung taxi na sinakyan namin ni Max pagka-tigil na pagka-tigil nito sa harapan ng GWAPS. Hindi pa man ako tumatakbo, ang bilis na ng pintig ng puso ko na para bang hindi ako nag-taxi papunta dito, na para bang nilakad ko lang ‘tong GWAPS mula sa bahay namin.

Alam niyo, hindi naman ako magpa-panic ng ganito kung hindi ko nabasa ‘yung text message sa’kin ni Japo eh. Kaya ayoko talagang nagbabasa ng INBOX ko eh!!! Minsan na nga lang ako mag-basa ‘yung ganitong mensahe pa mababasa ko ---

From: Pusang-gala

mm/dd/20xx 04:48:10 PM

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon