Chapter 56-4. Love-Nat Musketeers! (4th Anniv Update)

16.3K 320 100
                                    

Happy 4th Anniversary to Love-Nat!!! :) Yep, 4 years ko na po siyang sinusulat ('di po ako nag-simula dito sa wattpad ah, bago lang 'to dito eh. Haha. :) Ganun na 'to katagal. Maraming-maraming salamat po sa lahat ng taong nakilala ko at naging kaibigan ko habang sinusulat ang istoryang ito. :) I am thankful everyday na sumagi sa isip kong isulat 'to.

CHEERS FOR US ALL!!! :)

----------

Playlist for this Chapter: "Confessions" by December Avenue
(see external link if you want to listen to it.)

----------

Love-Nat 56-4. Love-Nat Musketeers!

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Bata pa lang ako, I'm already aware that people come and go in our lives. Some stay, some leave. 'Yung iba darating saglit at agad ding umaalis. Meron namang iba gagawa ng malalim na marka sa buhay natin tapos biglang maglalaho na parang bula, catching us unprepared and off guard.

We don't know for sure who among the people we meet along the course of our lives will stay and who among them will leave. That's why I treasure every one of them while I still can.

Kung meron mang isang taong nag-turo sa akin kung papaano maging isang kaibigan yun ay ang kababata kong si Pepita. Siya ang nagpa-realize sa akin ng mga bagay na 'to. Isa siya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.

Habang naglalakad ako papasok ng bahay, naamoy ko kaagad ang bagong lutong cookies mula sa kusina namin. Ito siguro dahilan kung bakit bigla kong naalala si Pepita.

Noong mga bata pa lang kami, mahilig nang magluto si Pepita ng mga cookies, brownies at kung anu-ano pang dessert. Meron yang ugali noon, magdadala 'yan ng mga ingredients dito sa bahay namin at hihingi ng permiso kay mama na magluluto raw siya habang kami nila Max at Eddy eh busy sa paglalaro. Si Mama naman papayag at tuwang-tuwang tinutulungan si Pepita. At pagkatapos namin maglaro nila Max, meron nang naghihintay sa aming masarap na cookies.

Binuksan ko 'yung pinto at marahang pumasok. "Pa," I called. "Nandito na ko!"

The moment I looked up and gazed at the direction of our dining table I had the sudden impulse to shake my head. Pakiramdam ko kasi namamalik-mata lang ako. Hindi ko kailangan mag-isip kung sino 'yung magandang dalaga na naka-suot ng apron, hindi ko kailangan mag-tanong kung sino siya, kung bakit meron siyang hawak-hawak na isang plato ng bagong lutong cookies. Nakilala ko kaagad siya kahit na halos dalawang taon kaming hindi nagkita.

Wala gaanong nag-bago sa kanya, only she looked taller and more refined than she was 2 years ago. Kilala ko siya, kilalang-kilala. 'Yan yung unang taong nag-paiyak sa akin when she told me 'good-bye'. Siya 'yung nagpatino sa akin nung mga elementary years ko dahil kadalasan kong binubully ang mga kaklase ko noon. Opo, bully ako noon. Siya 'yung kumakampi sa akin sa tuwing pinapagalitan ako ng mga teachers namin at siya 'yung makikiusap na 'wag akong masuspend. Siya 'yung umiiyak pag ako 'yung nasasaktan. Siya 'yung unang tatawa sa mga korni kong jokes. Siya nga, siya nga 'yung unang taong nag-turo sa akin kung paano maging KAIBIGAN. At siya rin mismo 'yung dahilan kung bakit ayoko sa salitang PAALAM.

"Pe-pepita?!" I blinked in disbelief. My heart suddenly started jumping up and down. Anakshutang animales! Dinaig pa nito 'yung moment na nakita ko ng live ang Parokya ni Edgar, pramis!!!

Napansin kong namilog din ang mga mata niya pagkakita sa akin. She grinned widely at me. "Ellie-tot?!" God, I haven't heard that name for quite a long time.

"PE-PITAAAAAAA!!!" Wala ng paligoy-ligoy pa! Napa-tili na lang agad ako. And before we knew it we were both screaming excitedly. "WAAAAAAHHHH!!!"

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon