Friday
Matute University of the Philippines
Accountancy Building
Eleonor Malicsi Dimaculangan
I’m pretty sure we all have those kind of memories that were perfectly embedded on our minds… & sometimes, even in our hearts. Na kahit pa ata pumiti pa lahat ng buhok natin sa katawan ee kayang-kaya natin ikwento ng paulit-ulit. As in kahit in perfect detail pa. Pati nga ata yung kulay ng suot mong damit nung araw na yun, pati medyas o underwear mo ee tandang-tanda mo pa din… kasi ito yung mga tipo ng pangyayari sa buhay mo na kung pwede lang ee ipapamana mo pa sa mga kaapo-apuhan mo… kasi para sayo, those were the best moments of your life that were worth sharing.
Ako? I, too, had my own collection of unforgettable moments… Kung meron nga lang time machine, I would keep on going back to those instances… & play it over & over & over again… aba, bakit hindi? Lalo na yung mismong araw na tumayo kami nila Borge ng higit 8 hours sa Shangrila Plaza para lang makita si John Lloyd Cruz. Haha. At yun mga kaibigan, yun ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang LIKURAN ni Lloydie!! Haha.
And then… there was that time, too… actually, yung KAGABI lang… sa may Ascend… Sobrang nag-enjoy talaga akong kakwentuhan at kabiruan ang mga kaibigan ni Sef. Hindi mahirap pakisamahan ang mga circle of friends niya. Madali akong naging comfortable sa kanila. Katulad nila Borge, nila Japo… WAGAS din sila kung makapang-asar!!! But last night, si SEF naman ang inaasar nila sakin!! Hahahaha. At ang saya pala ng ganun, yung SIYA naman yung tinutukso-tukso sa akin… at grabeeeeee… yung itsura ng ASAWA ko habang inaasar siya… Kukunot ang noo, ngingiti ng konti tapos babaling ng tingin sa malayo habang namumula ang mga pisngi. Hahahaha.
As I continued reminiscing that night, especially Sef’s priceless expressions… bigla tuloy akong napangiti habang pinipigil-pigil kong wag mangisay sa kilig sa upuan ko. As usual, hindi ko nanaman naririnig ang lecture ng professor ko sa Accounting despite the fact na sobrang importante ng lesson niya ngayon. Next week kasi Final Examination na namin! Pagkatapos nun… BAKASYON NA!!!! Wooooohoooo!!!
“La la la la~~” I hummed happily inside my head. I probably looked like a 6 year old girl as I rested my chin on my both hands & went back to recalling that night.
Haaaaaaiiiiii, lechugas ka naman Ellie, mahigit sampung oras na ang nakakalipas hindi mo pa rin makalimutan yung mga pangyayari sa Ascend??? Eehhh, bakit ba? Hindi pa din ako maka-get over!!!! I just can’t get over the fact na pinakilala ako ni Sef sa mga kaibigan niya!!!! HAHAHA. I have to admit I just love the feeling of me being introduced to Sef’s friends… pakiramdam ko kasi parang ipinapaalam na niya sa mga kaibigan niya at sa buong mundo na PAGMAMAY-ARI KO NA SIYA NGAYON!!! Oo mga kaibigan AKIN NA SI SEF!!! Wahahahaha. Animales ka Eleonor, tamang angkinin si Sef? At over ka sa exaggeration aa? KAYO NA BA?? HA? HA? HA? BOYPREN mo na ba yang sira-ulo na yun to freely claim that HE’S ALL YOURS? At higit sa lahat, ALAM BA NIYANG… SAYO NA SIYA???!?!
Tss. Super dali naman ng solusyon sa prublema mo Eleonor Malicsi Dimaculangan. Isang simpleng OOlang naman kay Sef at IYONG-IYO na talaga siya!!
T-Teka… HUWEYTTTT!!!!! HUWAT THE MADAPAKING SHEET!!!!! Are you really effin’ insane??? Asan na napunta ang mala Pinoy Henyo mong brain cells??? ANAK NG SAMPUNG PANOT, WAG MONG SABIHING… YOU’RE ACTUALLY CONSIDERING THE IDEA OF SAYING YES TO HIM???? HOY, HIJA… SI SEF YAN!!! SI SEF!!! Hindi si John Lloyd!!!!! Pinakilala ka lang sa mga kaibigan niya feeling mo naman mahal ka na nung tao???
GUMISING KA NGA!!! IMBES NA NAKIKINIG KA AT NAGKO-CONCENTRATE SA LECTURE, KUNG ANU-ANONG WALANG KWENTANG BAGAY ANG INIISIP MO????
Unti-unting nawala yung ngiti ko… Kung kanina pakiwari ko kabilang na ko sa lahi ng mga MULAWIN, pakiwari ko ngayong unti-unting nalalagas ang mga pakpak ko’t dahan-dahan akong bumabagsak… that feeling like I crashed hard back down on earth.
BINABASA MO ANG
LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]
Storie d'amore[continuation] Meet Eleonor Malicsi Dimaculangan, ang babaeng takot sa ipis at sa binatang nag-ngangalang Miguel Josef Uy Monteverde. Warning: This story is Rated K!!! Rated K sa kakulitan. PS. Nothing will be deleted here even after getting publi...