Chapter 55-6. Fifty Shades of Pepita!

17.9K 296 69
                                    

Author's Notes: Bakasyon na ko kaya makakapag-sulat na ulit ako. Hehe. :p Anyhow, sa mga nagtatanong tuloy pa rin po ang pag-update ko ng Love-Nat dito. Natigil lang kasi final exams ko last week. For more updates regarding the book and chapter updates, check niyo na lang po yung official FB page ng Love-Nat or add my FB account or search for my twitter. :) 

I'm still currently working on my manuscript, pagnatapos ko na ipapasa ko na agad para ma-publish. :) Kaunting hintay pa po talaga.

Muli, pasensya na sa matagal na update. Hehe. For sure, sanay na kayo sa akin. Haha.

POWER HUGS Y'ALL.

<3 Elliedelights

=======

Chapter 55-6. Fifty Shades of Pepita
(The Last Installment)

Eleonor Malicsi Dimaculangan

 

“♪♪ I’m falling even more in love with youuuuu, letting go of all I’ve held onto!!! I’m standing here until you make me move, I’m hanging by a moment here with youuu!!! Hmhmhm ~♪♪”

 

Aminado naman akong wala akong talent sa pag-kanta. Wala talaga ako sa tono at kadalasan pa nga mali-mali ang lyrics ko. Pero hindi ba, merong mga moments na we just want to feel like singing – yun bang may na-stuck na kanta sa isip mo at paulit-ulit mo yung kakantahin o kaya naman paulit-ulit mong pakikinggan.

“♪♪ Hmhmhm ~ I’m falling even more in love with youuuuu! Oh yeah, letting go of all I’ve held on toooo!!! I’m standing here until you make me moooove!!! I’m hanging by a moment here with yooow---♪♪”

 

“HOY!” Inis na sigaw sa akin ng mahadera kong pinsan na si Juan Antonio Malicsi. “Utang na loob naman Ellie, may pupuntahan pa ako mamaya baka BUMAGYO!!! Nyemas na yan, nahiya naman kasi ako sa boses mo!”

Opo mga kaibigan, merong nagaganap na concert dito sa bahay namin. At syempre, sino pa nga ba ang nagpe-perform? Wala na pong iba kung hindi ang inyong lingkod. “♪♪ Ohhhhh. I’m falling even more in love withchuuuuu!!! Letting go of all I’ve held ontoooo!!!” Feel na feel ko pa talaga ang pag-kanta kahit wala naman talaga sa tono. “I’m standing here until you make me moooove!!! I’m hanging by a moment here withchuuu!!! Darararara ~ nananana ~ I know, I’m running and not quite sure where to goooo!!!♪♪” Wala, tuloy-tuloy pa rin ako kahit hindi ko naman talaga kabisado yung lyrics. Haha. Pati yung remote-control ng TV ginawa ko na ring microphone.

Mala-Leah Salongga na performance ‘to bakit ba?! Walang pakialamanan!!! Tss. Leah Salongga raw, sabihin mo mala-Anne Curtis nuh!!! Haha. Mula kay AJ, kay Kuya Romel at pati na rin ‘tong mga kapatid ko, nasa dugo na ata talaga naming mga Malicsi ang pag-kanta ng ganito.

Nag-takip na ng tenga si AJ at ang kapatid kong si Em-Em. Nasa salas kasi kaming tatlo, at dito lang naman ako nagwa-wala – este kumakanta habang naka-upo sa sofa. Nanonood kasi sila ng Eat Bulaga, yung “You’re My Foreignoy” na laging nilang tinututukang dalawa. Syempre, lalo na ‘tong si AJ! Di raw kasi niya feel yung “That’s My Tomboy” ng Showtime. Haha. Choosy pa ang bruha!

“Ano ba yan Ate!” Reklamo na ni Em-Em. “Para kanino ba yang kanta mong yan? Paulit-ulit pang falling in love with you yang tinutula mo.” Bastos din ‘tong kapatid ko nuh? Tinutula pa talaga yung term niya. AMP! Palibhasa hindi siya nakaka-appreciate ng pure talent!!! Di hamak na mas magaling pa kong kumanta kaysa sa mga contestants ng American Idol. Hahaha. Kapal din ng mukha ko nuh?!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon