Chapter 59-2. Words on a Page

10.6K 351 236
                                    

Author's Notes: Anakshutaaaaa!!! Look who is back?!?!?! Hahaha. Dahell, ang tagal na-postponed ng update na 'to!!! Gusto ko sanang gawing LAST chapter na 'to... but since malaki utang ko sa inyo, pa-Christmas chapter na 'to. Hahaha. Grabe guys, namiss ko kayo sobra. KUNG ALAM NIYO LANG!!! Pramis, walang halong biro. Peksman!!! Haha. Nga pala, MERRY MERRY MERRY CHRISTMAS GUYS!!! Ano pa nga bang bago? Kahit sa pagbati LATE pa rin ako! Hahaha. APIR! :) 

Maraming-maraming salamat guys dahil hindi niyo ko iniwan at sa HINDI PAG SUKO sa love-nat. :)

Kita-kits ulit tayo sa huling chapter... hmmm, pag tinopak ako... baka dagdagan ko pa talaga. Kaya alang gusto ko sana tapos na 'to by January. Haha. 

LOVE & MISS YOU ALL SOOO MUCH.

POWER HUGS!!!

Your friendly friend,

Elliedelights

-------------------------

Love-Nat, isang makulit na love story!

by: Elliedelights

Chapter 59-2. Words on a Page!

♫ They read you Cinderella

You hoped it would come true

That one day your Prince Charming

Would come rescue you ♫

Eleonor Malicsi Dimaculangan

Masayang mabuhay sa mundo. Hindi man madali, hindi man araw-araw masaya. Oo, aminin na natin minsan naman talaga nakaka-stress. Minsan nakaka-bad trip. Minsan parang gusto mo na lang sumigaw ng EDI WOW, AKO NA MAY PROBLEMA LORD!

Minsan para kang binibiro at sunod-sunod ang problemang hinaharap mo kaya parang mas madali na lang na umupo sa isang sulok, ipikit ang iyong mga mata, at SUMUKO. Minsan gusto mo na lang mag-sabi ng mga isang-libong malulutong na ANAKSHUTANG ANIMALES na tila ba maglalaho ang lahat ng problema mo sa buhay pagkatapos.

But despite the hardships and the tragedies of it all, these are what make LIFE so damn beautiful!!! Sometimes, we just tend to forget to look at the LITTLE things, the SIMPLEST things and forget to be THANKFUL for the things that we have and... the things that we tend to ignore.

Minsan, 'yung mga bagay na tine-take for granted pala na'tin eh 'yung mga bagay na hahanap-hanapin mo rin kapag nawala na.

"Good morning, Ellie." Kagaya nito. Napaka simpleng bagay. Sus! Para good morning lang 'di ba? At saka, araw-araw ko ng naririnig 'yan mula sa anakshutang animales na si MIGUEL JOSEF UY MONTEVERDE. Sa totoo lang, dinaig pa niya ang alarm clock ko. 6.30AM pa lang ng umaga nasa kwarto ko na 'yan para gisingin ako ARAW-ARAW. Walang sablay.

Aaminin ko, mas matindi pa epekto ni Sef kesa sa alarm clock ko. Alam niyo bang automatic na nagigising ang BUONG diwa ko sa tuwing babatiin niya ko ng kanyang pamatay na good morning? Parang merong kumikiliti sa tenga ko, at basta-basta na lang ako mapapangiti at pag-mulat ng mga mata ko... SIYA AGAD UNANG-UNANG MAKIKITA KO.

Sige nga! Sino ba naman ang HINDI MAE-EXCITE GUMISING ARAW-ARAW??? Siguradong kahit si Yaya Dub kikiligin kung si Alden gumawa sa kanya nun!!! Wahahaha. #AlDubFever #AtOoSinusubaybayanKoRinSilaYayaDub

At tulad ng lagi kong ginagawa, ibabaon ko 'yung mukha ko sa unan ko para takpan 'yung ngiting TINATAGO-TAGO ko mula kay Sef. Aba, ayoko ngang malaman niya!!!

LOVE-NAT, isang makulit na love story! ♥ [2 of 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon